Home » Buhay Guro » Libreng Araw ng isang Guro

Libreng Araw ng isang Guro

Ayahooyyy!! Walang pasok, ang sarap lang gumising ng hindi mo hinahabol ang oras, yung makakapag Facebook ng matagal, Instagram at Friendster. Swabe lang ang lahat ito ang araw na makakapagsabon, makakapaghilod at makaliligo ka na sa banyo ng matagal-tagal na oras, presko!. Wait! I think I deserve a break, makagala nga. SOLO lang, kaya kahit maligaw ako ay wala akong sisihin kundi ang aking sarili, kaya nga eto inayos ko na agad ang sarili at ang aking susuutin.

Matagal-tagal na ding hindi naulit to ah, mag tetrentang taon na ako sa serbisyo kaya kailangan maulit ‘to, ano kaya ang sine ngayon???.

Paglabas ko ng bahay ay kailangan ko munang magpedikab para makalabas sa mga eskinita sa lugar namin.

“Ma’am sakay na po kayo, sakto ilalabas ko na din po ang padyak sa labasan” sabi ng nagsalita.

“ahm, sige” sabi ko na nakangiti.

“Ma’am, ayan na po ang sakayan” sabi ng nagsalita. “O, eto” sabay abot ng bayad. “Naku, mam salamat na lang po, okay na po, libre ko na po iyan” sabi ulit. Wow, kagandang Buena mano ko naman sabi ko sa sarili ko.

Sunod ko namang tinahak ang sakayan ng Jeep, PUNUAN kaya kailangan ko munang maghintay, kinuha ko muna ang aking salamin at nagbasa ng dalang Dyaryo. Ang ingay ng Jeep, kasing ingay ng recess sa loob ng klase. (makalipas ang 20 minutes) Maya-maya pa ay napuno na din sa wakas ang jeep, kasabay nito ang pag-akyat ni manong na tagakuha ng pamasahe, nang malapit na sa akin ay biglang may umigkas na kamay sabay sabing: “ Ito po manong, Dalawa po” sabay tingin din sa akin na nakangiti ang nagbayad. Tiningnan ko sya, parang namumukaan ko. “Ma’am, kamusta na po kayo???, naaalala nyo pa po ako???” sabi nung nagbayad. Kulot na noo lang ang sagot ko, pero nakangiti pa rin. “ Naging Istudyante nyo po ako nung Grade 6, hehe” sabi nya ulit. “Ay OO!!!” okay lang ako, dun pa rin ako nagtuturo, SALAMAT HA”(pero saan ka hindi ko talaga siya maalala).

Pagkarating sa babaan ay inalalayan pa ako ni bagets na bumaba, sabay babye. Kakatuwa naman naalala pa niya ang teacher niya.

Teka, nagutom na ang lola nyo, kaya pagkadating ko sa Robinson ay naghanap muna ako ng makakainan.

Umorder ako, “1 pirasong manok, 1 kanin 1 Spaghetti, 1 Tubig. Wow kasarap sa pakiramdam habang nakikisagap ako ng WiFi. Nasa kalagitnaan na ko ng aking pagkain ng may biglang lumapit sa aking tagaserve ng order.

“Ma’am dela Merced???” sabi nya,

“yes, bakit???” sabi ko.

“pinabibigay po ni Boss…” sabay abot ng Ice Cream na nasa baso at yung binayad ko kanina sa counter…(GULAT) bigla na lang akong napatingin sa sulok at doo’y may nagwawagayway ng kanyang kamay at nakangiti. Nilapitan ako nung boss ng nagserve.

“Ma’am, kamusta po? Istudyante nyo po ako dati sa Grade VI-Narra, yung pinakamakulit po, hehehe” sabi nung Boss.

“kita mo nga naman ang panahon oh,Masaya ako para sa iyo! SALAMAT..” sabi ko naman ng nakangiti pa rin kahit sa totoo lang ULIT ay hindi ko na sya maalala, : ).

“Ma’am sige po Trabaho po muna, enjoy your meal po” paalam nung Boss. Masaya kong ipinagpatuloy ang pagkain dahil nahaluan ng pakiramdam na libre na ‘to kaya kailangan ng sulitin. Pagkatapos kong kumain ay dumeretso na ako sa Sinehan, wow saktong sakto sa edad ko yung mga palabas, puro horror at sci fi, tamang-tama sa dugo ko…

mukhang hindi ko maeenjoy kaya naglakad-lakad na lang ako…

Napagod…

umupo…

Makauwi na nga, nakapagpahangin na naman at nakakonting gala na. Salamat po sa araw na ito, mas pinili ko na lang magBus para diretso na sa kanto ng aming barangay. Teka, parang kilala ako ng Driver nakangiti at tingin ng tingin sa akin ih, binulungan niya ang kundoktor, may umupo sa likod, habang hinahanda ko ang pambayad ay nilampasan ako ng kundoktor at mas inuna ang pasahero sa likod, pagkatapos nyang magbigay ng ticket ay para na lang akong hangin.

Malungkot pala talaga kapag walang kasama, wala kang makahuntahan, pero sa ngayon, masaya parin dahil sa naranasan ko ngayong araw. Nakakatuwa talagang isipin na naaalala ka pa ng mga batang minsan dumaan sa buhay mo. Higit pa sa lahat dahil hindi man ako ang pinakamahusay na guro sa mundo ay ang mas mahalaga’y tumatak at minahal ka ng mga istudyante mo.

Share with your friends!

Jhucel Atienza del Rosario

He is the happiness ambassador of teacherPH, elementary teacher, creator of FaceBook Page: Ang Masayahing Guro, Artist @ GuhitPinas, Musikero kuno, komedyante sa gabi, adik sa kape... mangingibig. Follow him on Facebook.

Leave a Comment

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.