Home » Teaching & Education » DepEd National Capital Region (NCR) Basic Education Learning Continuity Plan FAQs

DepEd National Capital Region (NCR) Basic Education Learning Continuity Plan FAQs




The Department of Education (DepEd) National Capital Region releases the Basic Education Learning Continuity Plan for School Year 2020-2021.

DepEd NCR Basic Education Learning Continuity Plan Frequently Asked Questions

Ano Ang Basic Education Learning Continuity Plan (BE-LCP)?

Ang BE-LCP ay ang tugon ng DepEd sa pangako nitong pangangalagaan ang kalusugan, kaligtasan at pangkabuuang kabutihan ng mga mag-aaral, guro at kawani habang isinusulong ang pagtaguyod ng edukasyon sa ilalim ng mga health protocol na itinakda ng DOH at WHO.

Ano Ang Contextualized Learning Continuity Plan (LCP)?

Iba-iba ang mga konteksto ng bawat rehiyon sa ating bansa. Ang contextualized LCP ay ang pagbibigay-kahulugan sa National Learning Continuity Plan na isinesentro sa konteksto ng NCR upang mas maging angkop para sa ating mga mag-aaral, guro, magulang, komunidad at iba pang mga stakeholder sa ating rehiyon.

Ang contextualized LCP ay mag-iiba rin sa Division level dahil sa iba’t ibang mga istratehiya at pamamaraan na mas angkop sa kondisyon ng kanilang lokalidad.




Paano Masisiguro Ang Pagkatuto ng mga Mag-Aaral?

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan upang masiguro ang pagkatuto ng mga mag-aaral:

-mga learners’ packet na ibibigay nang libre sa mga mag-aaral
pagtuturo at pagfafollow-up ng mga teacher sa pamamagitan ng text-based appstulad ng Messenger
-digital online at offline na mga reference material tulad ng DepEd Commons, LR -Portal at mga educational website
-paggamit ng TV at radio
-mga lesson guide para sa mga magulang na makikita sa bawat module
-mga module na dinisenyo para sa mga magulang at guardian tungkol sa -pagbabasa at special education (SPED)
-mga module na dinisenyo para sa Senior High School

Ano Ang Nilalaman ng mga Learners’ Package?

Ang laman nito ay nakadepende sa napiling learning delivery tool at grade level ng learner, pero sa pangkalahatan, maglalaman ito ng mga printed worksheet at iba pang kakailanganing kagamitan sa pag-aaral habang ang mga mag-aaral ay nasa bahay.




Kailan Ang Enrolment, Brigada Eskwela at Pagsisimula ng Klase para sa SY 2020-2021?

Enrolment: Hunyo 1 – Hunyo 30. 2020
Brigada Eskwela: Hunyo 1 – Agosto 29, 2020
Pagsisimula ng Klase: Agosto 24, 2020

Sino ang mga Stakeholder na Kasapi sa Pagbuo ng Learning Continuity Plan (LCP)?

Ang LCP ay resulta ng mga rekomendasyon, suhestyon at komento mula sa iba’t ibang unit at field office ng DepEd; mga payo mula sa Philippine Forum for Inclusive Quality Basic Education or Educ Forum at Chairs ng Committees on Basic Education ng House of Representatives at Senado; mga resulta ng online survey na nilahukan ng 700,000 na mga tumugon; at mga resulta ng survey para sa pagkahanda ng mga teacher para sa distance learning delivery. Ang BE-LCP ay resulta ng mga konsultasyon sa mga partner, adviser, legislator, executive, director, guro, magulang, mag-aaral at ng publiko.

Bakit Isinusulong ng DepEd Ang Pagtuloy ng SY 2020-2021?

Naniniwala ang DepEd na kailangang ipagpatuloy ang edukasyon, anuman ang mga pagbabago at mga pagsubok na ating hinaharap ngayon at sa mga darating na panahon. Higit sa lahat, layunin ng DepEd ang maipagpatuloy ang pag-aaral ng ating mga mag-aaral para sa kanilang maunlad at matiwasay na kinabukasan. Hinihikayat ang lubos na pagsuporta ng lahat.




Ano ang Proseso ng Enrolment para sa SY 2020-2021?

Tandaan: Ang unang dalawang linggo ng enrolment ay remote lamang sa pamamagitan ng TOC (Text, Online, Call). Hindi maaaring pumunta muna sa paaralan sa unang dalawang linggo. Bawat paaralan ay maglalabas ng impormasyon tungkol sa kanilang enrolment process. Magtatalaga ng Enrolment Focal Person bawat grade level na maaaring ikontak ng mga magulang at guardian upang i-enroll ang kanilang anak. Ang EFP ang magkokolekta ng mga kinakailangang impormasyon mula sa mga magulang o guardian at gagabay sa kanila sa pagpasa ng Learner Enrolment and Survey Form (LESF).

Grades 1-12

Ang mga magulang ng mga papasok na mag-aaral sa Grade 1-12 ay ikokontak ng mga dati nilang adviser noong SY 2019-2020. Cagamitin nila ang mga contact information na nakapaloob sa SF1 at data mula sa early registration. Maaari ring ikontak ng mga magulang at guardian ang Enrolment Focal Person (EFP) na nakatalaga para sa grade level ng kanilang anak.

Kinder/Transferee/Balik-Aral

Maaaring ikontak ng mga magulang at guardian ang paaralan kung saan nila nais mag-enroll.

ALS

Maaaring ikontak ng mga magulang at guardian ang paaralan kung saan nila nais mag-enroll. Ang form na gagamitin sa pag-enroll ay ang ALS Form 2 base sa DepEd Order No. 58. s. 2017.

Saan Kami Maaaring Tumungo Kung Mayroon Kaming Katanungan?

Maaari niyong ikontak ang Enrolment Focal Person (EFP) ng inyong paaralan o maaari rin ninyong ikontak ang mga Oplan Balik Eskwela Focal Person ng inyong Division:

  • SDO Caloocan. Alistair Salvador. 09055144003
  • SDO Las Pinas. Ellaine Montas. 09981514003
  • SDO Makati. Maria Sofie Berondo. 09399357491
  • SDO Malabon. Richell Cordevilla. 09062412228
  • SDO Mandaluyong, Jon Daryll Mercado. 09952100335
  • SDO Manila. Aaron Tolentino. 09177284203
  • SDO Marikina. Agnes Franco. 09063486100
  • SDO Muntinlupa. Randy Vargas. 88809935 loc 113
  • SDO Navotas. June Fermin Javier. 83327985
  • SDO Paranaque. Marilyn Timtiman. 09173280455
  • SDO Pasay. Maria Jacqueline Bernardino. 09176219131
  • SDO Pasig, Maria Carla de Leon. 09267409023
  • SDO Quezon City. Maria Christina Marquez. 09452016005
  • SDO San Juan. Allan Eliezer Mal-in. 09492016005
  • SDO Taguig-Pateros. Jose Abisado. Jr. 09503644268
  • SDO Valenzuela. Carmelita Matus. 09993952729



Leave a Reply

Scroll to Top