Professional learning online community of teachers and for teachers.

Bigyang Halaga Naman ang mga Guro

  • Posted In: General Discussion


  • Member
    #9108

    Kung may “Child Protection Policy”, sana mayroon ding “Teacher Protection Policy.” Sometimes (or most of the time)…
    1. Media abuse the rights of the teachers.
    2. Parents abuse the rights of the teachers.
    3. People in the organization and in authority abuse the rights of the teachers.

    Minsan naman, pakinggan nyo muna ang mga teacher.
    Minsan naman, unawain nyo muna ang mga teacher.
    Minsan naman, magtanong muna kayo sa mga teacher.

    Teachers are also humans:
    1. They have their own rights.
    2. They have their own voice.
    3. They are not perfect.
    4. They also feel tired.
    5. They have their own family to take care of.
    6. They have their own problems.
    7. They have their own strength and weaknesses.
    8. They need social life.

    Minsan o madalas nga…
    1. Tulog na kayo pero ang mga teacher ay gising pa at gumagawa ng lesson plan.
    2. Nanonood na kayo ng t.v. pero ang mga teacher ay nasa mesa pa gumagawa ng materials at visual aids para sa lesson nila kinabukasan.
    3. Namamasyal na kayo pero ang mga teacher ay hindi makaalis ng bahay kasi may kailangan silang tapusing report na hinihingi ng paaralan.
    4. Naka-tatlong beses na kayong magmiryenda pero ang mga teachers ay hindi pa halos kumakain ng tanghalian dahil may tinatapos pa silang gawain.

    Sa kabila ng lahat ng ito…
    1. Nakatanggap ba ng masigabong palakpakan ang mga teachers?
    2. Nakatanggap ba ng simpleng “thank you” ang teachers mula sa mga magulang ng kanilang eskwela? (“Ma’am/Sir, salamat po sa lahat ng ginagawa mong pagtuturo at pag-aalaga sa anak ko.”)
    3. Naipadama ba sa mga teachers ang kahalagahan nila sa lahat ng kanilang pagod, pagsisikap, pagtitiis at paghihirap?

    Kapag nagkasala o nagkamali ang mga teacher…
    1. Pinararatangan na…
    2. Dinuduhagi na parang walang dignidad…
    3. Sinusugod na ng mga magulang sa loob ng klasrum sa harapan ng mga bata…
    3. Inirereklamo ng walang balanseng pag-iimbistiga…
    4. Kinukundena na (lalo ng media na kapag isyu laban sa guro ay wala ring pakundangan sa pagbabalita at ginagawa pang sensational)…

    Opinyon lang po… kayo ang humusga.

    by: Miss Africa Jailani M. Sampedro, Ninoy Aquino Elementary School, Malabon City.

Viewing 1 post (of 1 total)

You must be logged in to reply to this topic.