Professional learning online community of teachers and for teachers.

EDSA Bus Commuters Beware!

  • Posted In: General Discussion


  • Member
    #8763

    EDSA bus commuters

    Sa mga bus commuters dyan, pakitandaan tong mga mukha na to. Mga 3:55pm kanina, tumigil yung (aircon) bus na sinasakyan ko sa NO LOADING and UNLOADING ZONE sa may EDSA-KAMUNING NB lagpas ng MRT Station (sa harap ng gate ng DPWH) kaya ko pinicturan. Ugali ko kasing kunan ng litrato yung mga nakikita kong mali o paglabag. Saktong nahagip ng camera yung mga kawatan. Mga nagpanggap na kapwa commuter. Naghihintay rin kunwari ng bus. Target nila yung mga naka-upo sa harapan(upuan sa likod nung driver) o basta malapit sa pinto(yan e base sa pwesto nung nabiktima nila kanina at sa istilo nila). Mabilisan lang e. Hindi siguro tumagal ng 30 segundo. Tinutukan daw ng baril yung driver sabi nung mga katabi nung biktima tapos patalim naman sa biktima. Mauutak din. May script e. Ang sigaw nung lalake, “halika na kasi. Sumama ka na…” kaya inakala nang lahat ng pasahero e away mag-asawa o magkasintahan lang. Hanggang sa naglabas na raw ng baril at patalim. Walang nakapalag dahil lahat ng nakapwesto sa bandang harap e kababaihan. Yung driver, gustuhin man niyang manlaban pero may nakatutok sa kanyang baril. Habang ang kundoktor naman e busy nangongolekta n bayad sa likod na portion ng bus. Maaring may lookout sa loob dahil sa ganda ng timing nila tsaka nung may aaktong tatayo at tutulong e may 1-2 suspicious na tila reresbak(para sa mga suspek) pag nagkabakbakan na. Napangunahan na rin kaming iba pang nasa loob ng bus ng takot dahil nung may tatayo nga e inilipat yung tutok ng baril dun sa aakmang tatayo sabay sabi, “wag na kayong makialam, puputukan ko kayo.” Sabi nga nung bus driver pagkatapos ng krimen (dahil pinagagalitan siya nung mga nakatatanda kung bakit hindi siya pumalag),”magpapakabayani pa ba ako? Gamit lang yun, napapalitan. Yung buhay ko mam, hindi ho napapalitan.”

    Kung sumunod na lang sa batas trapiko yung bus driver, baka wala pa sanang nawalan ng kagamitan. Kung naipapatupad lang sana ng maayos yung mga batas trapiko, sana doon sa tamang babaan at sakayan tumigil ang bus. Kasi pansin ko sa mga designated bus stops may mga nakapwesto na pulis at mmda enforcer. Sana hindi sila bata ng mga pulis para mahuli na itong mga kriminal na ‘to. Sana binasa mo ‘to para hindi ka na mapabilang sa mga biktima nila.

Viewing 1 post (of 1 total)

You must be logged in to reply to this topic.