Professional learning online community of teachers and for teachers.

Piryahan sa Eskwelahan

  • Posted In: General Discussion


  • Member
    #9074

    Sa matagal na panahon ay naging piryahan po ang aming paaralan tuwing darating ang kapaskuhan at piyesta ng bayan. Di po ako masyadong nasasaktan dati kasi mga palaruan lang ang makikita. Nitong huling 2 taon naalarma na po ako at naghihinakit dahil pati mga larong may pusta ay pinayagan po na makapasok. Mahirap na pong ituturo ang values na masama po ang sugal kasi po nasa loob na po mismo ng paaralan ito makikita. Oo, sa bakasyon nga lang po ito at wala ng pasok ngunit hindi mikakaila na halos sa mga pumapasok ay mga kabataan dahil nga sa ito’y kasama sa mga palaruan. ang nakapagttataka po ay naging bukas ang gate kapag may bayad. Pagsapit po ng pasukan ay nasa labas po lang ang mga sasakyan ng mga guro dahil po mahigpit ang pagbabawal na itoy mabuksan para sa mga sasakyan dahil masisira raw po ito. Manhole po lang ang pwedeng pasukan para sa mga gurong papasok. Tanong ko lang po sa nakatataas, hindi po ba pwedeng ipagbabawal ang piryahan sa loob ng paaralan? Katwiran po kasi ay pampublikong lugar ang paaralan.

    – DepED Hidden Stories

Viewing 1 post (of 1 total)

You must be logged in to reply to this topic.