Professional learning online community of teachers and for teachers.

School Administrators Ginawang Milking Cow ang mga Teachers

  • Posted In: General Discussion


  • Member
    #8773

    Nakagawian na ng mga School Administrators namin na meron silang Staff Meeting monthly. noon hindi nman kami pinagagasto sa pagkain dahil ordinary working days lang nman yan, katulad ng sa classroom teachers. katulad namin binabayaran sila sa araw na yon upang magtrabaho. Noong mga nakaraang taon hindi nman kami pinaghahanda ng pagkain para sa kanila hanggang noong isang taon. Bigla na lamang na naisipan ng mga admin na kapag magstaff meeting sila ay dapat may nkasponsor na skul maliban pa sa mga district meeting na ginagawa, kc kapag district meeting may mga skuls na naaatasang magpakain ng halos daang mga teachers sa isang buong distrito namin. bigla na lang pati sa staff meeting ay kinakailangang pakakainin pa namin silang lahat kada buwan. Ang malas pa ay hindi lang mga simple na pagkain ang idenidemand , kundi yon tlagang mga mamahaling menu. Hindi lang yon noong mga nkaraang mga buwan ginawa pang out of town ang kanilang mga Staff Meeting like doon sila sa mga beach resorts o sa mga lugar na nais nilang puntahan. Meron bang staff meeting, na office hour na gagawin sa labas nga inyong mga paaralan? ang pinakamasakit ay teachers lahat ang gumagasta sa lahat lahat maliban na lamang sa entrance ng isang resort. hindi lang minsan lang nangyari yon parang madalas na nga e. Ang mga head teachers na ito nay nagpakasarap sa pagkain na ginagaastos ng isang teacher. hindi man lamang nila na isip na ang perang iginagastos pra mkakain sila ay galing pa sa loan o utang dahil nga wlang pera sa teacher at may marami pang anak na nag-aaaral sa college. hindi lang isang libo ang ginagostos para mabusok at masatisfy sila higit pa nga sa isang libo, pinaresort kaya! Napakasakit, hindi na sila na kokonsensya. parang ginagawang milking coe yong mga guro pra mabusog ang tiyan at me enjoy ang kanilang mga sarili at the expense of the teachers. Hindi lang yan, yong mga guro sa sckul na nging sponsor hindi yon nagkaklase o wlang pasok kc nga sila yong nag prepare sa mga Sheads na ito sa kanilang mga pagkain, para bagang mga waiter at maids. paano ang mga bata nila? dba ang teacher, we are paid to teach, not to give service to these equally servant people? Kain lang sila nang kain, hindi na nahiya sa mga eachers! Maliban pa sa mga skul programs, pre at post evaluations, skul visits ay pinapakain nmin sila. pero ok lang ang mga panahong ito kc not ordinary days nman po pero yong gawing pang out of town ang staff meeting at the expense of teachers at pupils, kc wlang pasok nga ang panahong ito, hindi na yata makatarungan. hindi nman kami makapagshout out kc ang tiger ng supervisor namin, sya yong plaging nagpapafree ng pagkain, nagdedemand pa ng lechon upang dalhin sa bahay nila, hindi nman nya ginawa yong mga task niya , do these and do that lang nman sya tapos pagmaykulang na report ikaw pa yong may kasalanan. Sana nman kong sinong taga deped higher-ranking official na mkabasa nito pls lang po pkitingnan ang problemang ito.

Viewing 1 post (of 1 total)

You must be logged in to reply to this topic.