Professional learning online community of teachers and for teachers.

School Based Management Fact or Fantasy

  • Posted In: General Discussion


  • Member
    #9050

    By Juana Change Na

    Dahil daw sa RPMS, principal empowerment na ang ipapatupad. Do your work and never mind the others. Sa isang organisasyon, masarap pa rin magtrabaho na sama-sam kayo. yun brainstorming, yun tawanan inspite of the stress. Pero bakit ibabase lang ang efficiency ng isang teacher kung nagagawa nya kung ano ang gusto ng PRINCIPAL? Kasi daw meron silang recommending power. Kasi daw pag nagpapromote, merong BACKGROUND CHECK. Pag di ka feel ng HEAD, malabo kang mapasama sa mga QUALIFIED APPLICANTS. Pano naman kung si HEAD mismo hindi maclear ang sarili about sa FUNDS? wala bang recommending power ang isang teacher para sya naman ang may BACKGROUD CHECK? Lahat na lang ng post sa fb pinapansin. Pag nagsaya sa isang grupo, may FACTION agad? Para saan ba talaga ang SBM? para ba sa kabutihan ng DEP ED o para lamang sa pagpapatupad ng mga BALUKTOT na katwiran ng SCHOOL HEADS? Nakakasama lang din ng loob na gagawin mo naman ang BEST mo pero not properly appreciated. Mga teachers pa rin na BET ng principal ang nangingibabaw. BAKIT? Dahil ba yun teacher na yun ay sumusunod sa bawat sabihin ni PRINCIPAL? Hindi ba dapat na batayan ng pagiging EFFICIENT and EFFECTIVE ng teacher eh yung kung NATUTURUAN NYA NG TAMA ANG KANYANG MGA PUPILS nde yun sinusunod nya lagi ang GUSTO NG KANYANG PRINCIPAL? Pagdating sa mga school funds, solicited man or galing sa MOOE, dapat bang sabihin ng HEAD na WALA KAMING PAKIALAM dun eh kami ang nakakaharap ng mga parents kapag merong mga FINANCIAL CONTRIBUTIONS PROPOSAL? Nagtuturo tayo ng tamang gawi sa mga bata as classroom teachers. Sana naman may magturo din sa mga school heads na mali ang panuntunan sa buhay para maipatupad kung ano ang dapat. Lagi na lang bang SILENT mMODE lagi ang isang Hamak na teacher at sabihan na na lang ANTAYIN MO ANG PANAHON MO NA MAGING PRINSIPAL KA. Kung ganyan din naman KABULOK ang sinasabi nilang SISTEMA, I’d rather retire as TEACHER 1 than aspire to be a PRINCIPAL na lalamunin din naman ng bulok na sistema. Para sa pag-unlad ng ating bansa, sana sa pinakamababang pamumuno pa lang, magkaroon na ng pagbabago. At tuluyan ng maiwasan ang paulit-ulit na pangyayari dahil sa tinagurian nilang SCHOOL BASED MANAGEMENT.

    Deped Hidden Stories


    Member
    #9561

    I agree with you mam Juana Change Na.

Viewing 2 posts - 1 through 2 (of 2 total)

You must be logged in to reply to this topic.