Professional learning online community of teachers and for teachers.

Sto. Niño Parochial School Scandal

  • Posted In: General Discussion


  • Member
    #9172

    Krisel Mallari - Sto. Niño Parochial School

    I salute Krisel for her being able to stand for a fair and honest competition. I believe this has happened to many students/people in school, at work but none took the risk of openly talking about it.

    If this is really happening in your school then this issue should be addressed. In this case the school is displaying to the young minds examples of Cheating, Manipulation. Etc.

    But dear Krisel, I am telling you what I have told many who are also sad and depressed when they end up finishing second or not being up to par, that (they) you are already a Winner, a Victor in Life.

    Don’t live life to the standards of the world or what others say of you. You are not what others say you are, but you are what God says you are.

    You are special, You are beautiful, You are blessed!

    The very fact you said in your own words, you acknowledge your fear in the Lord and you would rather fail with honour than win by cheating, that is a mark of a conqueror!

    God bless you child!

    Narito ang kabuuan ng talumpati (speech) ni Krisel Mallari, ang mag-aaral ng SNPS (Bago Bantay, Quezon City) na ipinaglaban ang kanyang karapatang magsalita bilang isang Pilipino na may paninindigan at takot sa Diyos.

    A pleasant morning to my fellow batchmates, to my teachers, guests, welcome to the 13th Commencement Exercises. Sa okasyong ito ay pinipili kong magsiwalat sa wika na aking kinagisnan, ang wikang Filipino o wikang Tagalog. Taong 2004 ng una akong umapak sa silid-aralan ng eskwelahang ito, upang mag-aral. Ngayon, makalipas ang labing isang taon, ay narito ko sa inyong harapan upang ibahagi ang aking karanasan at magbigay-aral. Sa bawat taon na lumipas ay puspusan ang pag-aaral na ginawa ko sa eskwela, naniwala ko sa patas na labanan. Sa pagtatapos ng school year na ito’y isang hakbang nalang ang layo ko sa finish line, ngunit sa pagdating ko rito’y naglaho ang pulang tali na sisimbolo sana sa aking tagumpay, naglaho nga ba o sadyang kinuha? Maraming tao ang nagbulag-bulagan sa isang sistemang marumi at kaduda-duda. Ngunit di ko ito tinuluran, ipinaglaban ko ang sa tingin ko’y tama, nanindigan ako bilang isang Pilipino na palaban at may takot sa Diyos. Chismis, isang piyesta ng chismis ang inabot ko ng pinagmukha nila akong masama. Ganun talaga minsan, pag umayon ka sa kung alin ang tama, ikaw pa ang lumalabas na mali. Di na nga nila pinakinggan ang iyong hinaing, nakuha ka pa nilang laitin. Kung sinasabi niyong wala akong acceptance, marami ako niyan, pero pano kong tatanggapin ang isang bagay na di naaayon sa katotohanan. Para san pa ang aking dedikasyon sa pag-aaral at hustisya kung di ko naman ito ipaglalaban. Sa kabila ng nangyari ay masaya padin ako, tulad nga ng laging sinasabi sa teleseryeng Dream Dad, “Maganda ang buhay”, kaya bakit ako mag-aaksaya ng oras sa kanila kung mas maraming mas kapaki-pakinabang na bagay ang pwede kong gawin. Ngayon ay may piling indibidwal akong gustong pasalamatan, ito yung mga tao na sumuporta sakin sa kabila ng eskandalo na idinulot ng ipaglaban ko kung ano ang sa tingin ko ay tama. Una sa lahat, gusto kong pasalamatan ang Diyos, isa siyang ama, kapatid, kaibigan na naging sandigan ko sa lahat ng pagkakataon, sa hirap at ginhawa. Sa aking ama, dad salamat, salamat kasi ni minsan ay di mo kami sinukuan, salamat kasi naniwala ka sa kakayanan ko, salamat kasi ipinaglaban mo ko kahit pa sumama ang tingin sayo ng iba, salamat kasi ikaw si Ernesto Mallari, ang haligi ng tahanan na nakukuha paring magpatawa kahit alam ko na sa loob niya ay nahihirapan na siya. Sabi nga sa isang pelikula ni Robin Williams, “You are the world’s greatest dad”. Sa aking ina, isang napakalaking thank you, siguro nga’y madalas akong makulitan sa’yo dahil sa madalas mong pangangaral, paulit-ulit nga siguro ang mga sinasabi mo, pero ma, yan ang tunay na dahilan kung bakit the best ka, dahil di ka tumitigil na pangaralan kami pag alam mong naliligaw kami ng landas. Talaga ngang totoo yung kataga na “Mother knows best”. Sa pinakamaganda kong ate, Ate Kat, salamat kasi ikaw ang pinaka nakakaintindi sa mga hilig at pinagdadaanan ko bilang isang babae, ikaw ang aking selfie buddy, church buddy, at shopping buddy na pinagkakatiwalaan ko ng mga sikreto. Sa napakatalino kong kuya, Kuya Kerwin mainitin ang ulo mo, medyo mayabang ka nga siguro, at medyo tamad mag-aral; pero ang di alam ng marami, busilak ang puso mo, salamat kuya, sa pagturo sakin na manindigan pag alam kong ako ang nasa tama. Sa napaka-cute kong kapatid, salamat Kristine, ikaw na siguro ang pinakamatuturing kong tunay na BFF. Julia, Clang, Katrina, Faye, Dane, Nico at sa iba pa, napatunayan niyo sakin na tama ang katagang “quality over quantity”, siguro nga’y di kayo karamihan, pero alam ko na bawat isa sa inyo ay maaasahan at mapagkakatiwalaan ko, kaya salamat! Sa mga teachers na napalapit na sa aking puso, Ma’am Factora, Mam Calanoga, Mam Amil, Mam Garcia, Mam Restor, Mam Castillo, Mam Acacio at Sir Francis, nagsilbi po kayong pangalawang magulang ko, salamat po. At siyempre pa, sa mga taong bumabatikos at nagbibigay ng negatibong komento sa akin, isang napakalaking thank you, kayo ang dahilan kaya’t mas pinagbubuti ko pa ang pag-aaral, tulad nga ng sinabi ng basketbolistang si Dwyane Wade, “My belief is stronger than your doubt”. Panibagong kabanata ang aking haharapin, bilang isang accountancy student sa University of Santo Tomas. Panibagong hamon na nakangiti kong haharapin.

    At para sa ating lahat mga kapwa ko graduates, ito’y isang mahalagang kabanata kung saan natin gagawin ang pinakamahalagang mga desisyon sa ating buhay. Kaya naman good luck sa inyo, at good luck din para sa kinabukasan ng paaralang ito. Let me finish this in style and say my last words in the vernacular language of the world. I am Krisel Mallari, a Filipino citizen who would rather choose to fail with honor, than win by cheating. Adios!

    Krisel showed genuine bravery by delivering that particular speech during her class graduation ceremony.

    The school officials who stopped Krisel from finishing her speech made a monumental mistake by doing so. They denied Krisel from exercising her freedom of speech, however their unfortunate action actually had the opposite result. Krisel’s speech has resonated all over news and social media, all over the world.

    While Krisel showed bravery, the school officials are now nowhere to be found. Are the school officials hiding in fear?


    Member
    #9173

    Freedom of speech comes with due responsibility. And in the exercise of this freedom, I hope she understood the consequences of her action and was willing to accept them. I hope this salutatorian asked responsible and mature people for advice before she delivered her speech. The school honored her academic accomplishment by bestowing her the salutatorian award. She was given total freedom to compose her speech totally without review with the school officials trusting that she would be responsible in doing so. What she did was a total betrayal of the trust given to her. Regardless of the school and the educational system’s shortcomings, she is still without a doubt a partaker of the system’s benefit. What she did was tantamount to biting the very hand that cared for her. If she did not fully subscribe to the system, it would have been better to communicate this by refusing the award early on and be outside the school and condemn the system to her heart’s content. But what she did was no better than a scheming person who took advantage of her mentors’ trust and stabbed them in public with her condemning speech. She is a child and did not understood the far reaching consequence of her action which includes her scholarship opportunities which she could have been jeopardized. If you celebrated your birthday and invited a friend to propose a toast in your honor. And that friend instead of what was expected lashed out condemning words against you in your party, would you not stop that friend from continuing his speech and his act of dishonoring you at your own party? The graduation rites is the school’s party and the salutatorian was the friend honored and asked to give an address to grace the school’s event. Would you blame them for stopping the onslaught of insults by politely doing so? The educational system is without a doubt imperfect and requires improvement. But this action is by no means justifiable. Shalom. – Abe Domingo

Viewing 2 posts - 1 through 2 (of 2 total)

You must be logged in to reply to this topic.