Professional learning online community of teachers and for teachers.

Taxi Chemical Spray

  • Posted In: General Discussion


  • Keymaster
    #8125

    From: Nahida Sahtout

    Taxi Chemical Spray in the Philippines

    It happened to me and to my sister kninang 2am in the morning.. January 20, 2015.Sumakay kami ng taxi sa novaliches going to laspinas.. Nagkekwentuhan lang kami ng ate ko sa taxi. Napansin ko na kumain ng candy ang taxi driver and inom ng inom sya ng tubig. Napansin namin ng ate ko na pagewang gewang ung taxi namin kaya tinanong niya ung driver “kuya inaantok ka ba?!” Sabi nung driver “oo maam nahihilo ako sa antok pwede ba nating ihinto sa gilid magpupunas lang ako ng basang towel sa mukha?” Napansin na namin ng ate ko na may kakaiba ng galaw ang driver and natataranta siya.. Madilim ung place kaya sabi ko sa 7eleven mo ihinto kuya pag may nakita tayo. Natataranta na ung taxi driver at lingon siya ng lingon samin. Kaya napansin na namin na may mali na.Kaya sabi ng ate ko kuya ibaba mo nalang kami sa gilid. After nun may naamoy na kami ng ate ko na chemical sobrang tapang kaya sumigaw ung ate ko ng buksan ko ung bintana at magtakip ng ilong. Nabuksan ng ate ko ung bintana niya dire diretso pa din ung driver. Kaya ang ginawa ko binuksan ko ung pintuan ko para mapansin ako ng mga tao at and kung hindi man ako mapansin tatalon nalang kami ng ate ko. Hanggang sa napadaan kami sa madaming tao at sumigaw ako ng tulong habang nakabukas ung pinto and naandar ang taxi. Bumaba na kmi ng ate ko khit naandar pa ng konti..Nagstop din ung taxi driver at bumangga pa siya sa sidewalk..kaya npansin dn nung mga tao na nhhilo sya. Yung nafeel nmin ng ate super natuyo yung dila namin pati lalamunan at sobrang pait ng lasa.nkakasikip ng dibdib..Lumapit samin ung mga tao.nilapitan ng iba ung driver para hindi makatakbo. Kinwento namin yung nangyari sa mga tao then may isang lalaki na inamoy ung loob ng taxi.. Sinabi niyang may matapang nga na ibang amoy. Tumawag na yung babae sa mandaluyong police station. Ang tagal dumating ng pulis at nung dumating sila kinalkal nila yung taxi pero napaka saglit lang. Kinapkapan lang din ung driver. Sinasabi samin ng pulis na wala silang nakitang evidence so sinabi ko na nakabukas ung bintana ng driver nung nagsisisigaw na kami kaya naitapon na nya kung ano man yung naamoy namin.. Hanggang sa sinabi samin ng pulis na wala silang nakitang evidence sinabi nalang namin ng ate ko na iuwi nalang kami gusto na naming umuwi. Lumapit nadin ung driver samin at dinuro duro namin sya ng ate ko sa harap ng pulis sinabi namin mga ginawa niya tas hindi siya nakakasagot.Sinabi ng pulis na ihahatid nalang nila kami sa sakayan ng taxi. At pinaalis narin niya ung driver na may kalokohang ginawa. Habang nakasakay kami sa police patrol sinabi samin na baka pagod lang kami kaya ganon ung naramdaman namin at wala namang ebidensya at sa mga salita nila hindi sila naniniwala samin.Nakakalungkot lang bakit ganon yung action ng mga police na yun..Hindi ba enough yung statements namin? Waste of time lang kung gagawa kami ng story. Sinakay kami sa ibang taxi at nakausap namin yung driver na bago naming nasakyan kahit siya parang may iba daw syang naamoy at ubo sya ng ubo ksi prang may naiwan daw na amoy samin ng ate ko. Dagdag pa ng driver na bagong nasakyan namin, Yang mga driver na modus na yan kaya sa part na ng mandaluyong niya ginawa yun dahil may kapit na ung driver na yun sa mandaluyong police station.. Kasabwat din nila ang mga pulis kaya ipapalabas na walang evidence. At kung may mabiktima man mkkipag share ang pulis sa driver kung ano man ang mga nakuha nito. Sobrang nakakalungkot ang aksyon ng mga pulis dito sa pilipinas. Kala namin ng ate ko pagkadating ng mga pulis feel safe na kami at mananagot ang driver sa ginawa niya pero hindi yun ang nangyari. Pumanig p ang dalawang pulis sa driver. Nakakadisappoint talaga dito sa pilipinas. Thankful kami ng ate ko ksi napanood na namin sa news ung ganung incident and sinabing buksan ang bintana at magtakip ng ilong pag may kakaibang naamoy. Kung hindi namin yun alam baka ipagsawalang bahala nlng namin at nahimatay na kami sa tapang ng amoy. just wanted to share this incident para sa iba na nasakay ng taxi.Kahit kami ng ate ko hindi makapaniwala na totoo pala ung ganitong modus ng taxi.. Sana managot ang mga driver na gumagawa nito.

Viewing 1 post (of 1 total)

You must be logged in to reply to this topic.