Professional learning online community of teachers and for teachers.

Teachers Monthly Takehome Pay

  • Posted In: General Discussion


  • Member
    #7412

    Alam mo kung bakit kulang ang sweldo ng guro?

    teacher payslip

    1. Ang guro ang nagpapaayos ng classroom para maging convenient for teaching.
    2 . kung walang baon o pagkain ang bata sa plagay mo ba ano gngwa ng teacher?
    3. Kung walang materials ang bata sino ang namro2blema? Dba teacher?..
    4. Kung nagka2sakit inside d classroom sino ang nagbi2gay ng gamot? Ikaw ba?


    Member
    #7413

    Sa mga di po nakakaalam sa nature ng buhay ng isang teacher magtanung-tanong muna kayo kung saan napupunta sahod nila. Don’t judge at once. Try putting your self in the shoes of a teacher so that you will understand their situation. Nakakalungkot kasing isipin na may mga taong marunong manghusga basta-basta. Try to reflect ung scene sa bible kung saan binabato si Magdalena. Kyo ba ay tulad ng mga taong mapagmalinis na nagsasabing makasalanan si Magdalena? Alamin nyo muna.kung hanggang saan ang sakripisyong ginagawa ng isang guro. Sabi nga nila “kilalanin mo muna ang isang tao bago mo sya husgahan.” Kung tunay tayong professional matutu sana tyong rumispeto sa iba anuman ang kanilang propisyon or anuman ang kanilang narating sa.buhay. pati rin po mga sinasabi nating walang pinag-aralan ay dapat pa rin po nating bigyan ng respeto. Respect begets respect!


    Member
    #7414

    teachers payslip

    Hindi niya alam ang pang-araw araw na sitwasyon na meron kami lalo na sa pampublikong paaralan marami siyang bagay na di alam. Hindi naman kami humihingi ng mataas na sweldo yun nararapat lang sa kasalukuyang estado ng pamumuhay upang makasabay din kami sa aming pangangailangan para sa aming pamilya. Pinasok namin ang ganitong propesyon dahil sa kagustuhan naming makapaglingkod pero hindi nangangahulugan na tanggapin na lamang ang lahat ng problema na aming nararanasan at nakikita…hindi naman reklamo ang ipinaabot naming mga guro sa gobyerno kung hindi karapatan namin bilang bahagi ng lipunan. Hindi mo ba yan natutunan nung nag-aaral ka?…di ba yan ang essense ng education na hindi ka maging mangmang…sana pagnilayan mo ang mga sinabi mo!


    Member
    #7415

    Ang guro kumukuha ng pera sa sariling bulsa imbes na nakalaan na sa pamilya para lang makabili o makapagbayad ng mga bagay na magagamit sa paaralan para sa mga Estudyante..

    Tapos ganyan pa mangyayari.. Hindi ba kalabisan yan?

    Wag kc puro lait.. Minsan alamin muna kung bakit nila nagawa yan..

Viewing 4 posts - 1 through 4 (of 4 total)

You must be logged in to reply to this topic.