Professional learning online community of teachers and for teachers.

Understanding Multiple Learners Reference Number (LRN)

  • Posted In: General Discussion


  • Keymaster
    #8801

    Mga bagay na dapat nating maunawaan tungkol sa MULTIPLE LRNs (Leaner na mayroong LRN na higit sa isa)

    Bakit nangyayari ito?

    Hindi ang system ang gumagawa nyan, tayo bilang encoder sa system ang nagbibigay ng information about the learner. Kung susundin natin ang nakasulat sa official document ng learner (birth certificate) mababawasan if not eliminated yung cases ng multiple LRNs. Kahit sigurado tayong isang learner lang yan, pero magkaiba ang date of birth, or name or gender ang nailagay natin,pagdating sa system mag iisyu yan ng isa pang LRN. Kaya sa kaso ng multiple LRNs, isa ang nagsasabi ng totoong information and the rest naman po – hindi totoo, at iyan ang ating lilinisin.

    Bakit kailangan nating linisin at itama ang LRN?

    Para magkaroon tayo ng tamang information sa learner, tracking kung nasaan na ang learner at magagamit natin yan sa pagkakaroon ng tamang statistics. Lagi nating naririnig tungkol sa system na garbage in garbage out kaya ayaw nating magpasok ng basura sa LIS natin dahil tayo rin ang gagamit nito. Hindi ba lahat tayo ay gusto ng tama at updated information?

    Paano natin malilinis ang multiple LRNs at mailalagay ang tamang LRN?

    Dahil sa tayo bilang encoder ang nagkamali sa mga data/information, tayo rin ang makagagawa nito. Narito ang step by step na procedures:

    1. Dapat gumawa ang adviser ng report sa kanyang school head na talagang ang Learner na may Multiple LRN ay talagang nasa kanyang klase (wam body/physically present). Titiyakin nya sa kanyang report na ang impormasyon ng bata tugma (matched) sa birth certificate or equivalent document. Ilalagay din sa report kung anong period/duration nag enroll ang learner.

    2. Ang school head naman ay gagawa ng report sa School Division Superintendent tungkol sa confirmation na ang learner at talagang nasa school niya (attached report from adviser).

    3. Ang office of SDS naman ay gagawa ng verfication sa claim ng school at kung ma satisfied ang mga ebidensya sa school, gagawa ang SDS ng request letter sa Office of the Secretary na i register sa claimant school ang nasabing Learner.

    4. Ang LIS technical team ay tatangap ng instruction from the office of the secretary na ang learner na nirequest ay i register sa school kung saan sinasabi ng SDS na i register. Isang LRN lang ang ibibigay sa learner at ang iba pang LRN na naisyu ay i kakansela. Kung may mga updated information sa iba pang LRNs, ang mga ito ay i aaply (cascading)

    Ang procedures ding ito ang susundin ng mga schools at divisions sa mga sumusunod na sitwasyon:

    1. Maling Pangalan, Date of Birth at Gender. (attach birth certificate or equivalent document)
    2. Maling Grade/Year Level (attach form 137/138/diploma or any equivalent document)
    3. Pag enroll sa late enrollment na may duplicate LRNs.

    Talaga bang kailangan pa ang step by step na procedures para maibigay ang tamang LRN?

    Sa naunang proseso, pinagkatiwala at binigyan ng pagkakataon ang school mismo ang magsabi kung ang learner ay nasa kanila as of June 6 (unenroll and confirmed options). Maraming school ang sumunod at nagbigay ng tamang information, pag wala ang learner unenrol at kung nasa kanila naman ay confirmed – maraming salamat. Pero mas marami ang nagkamali (sinasadya man nila or hindi) na kahit wala sa kanila ang leaner ay nag confirmed kaya ang school na totoong pinapasukan ng learner ay hindi makapag proceed sa confirmation dahil na una ng na confirmed ng ibang school. Kung kayo ang school na legitimate na nagmamay-ari ng learner at hindi nyo na confirmed dahil may isang school na kahit wala sa kaniya ang learner ay nagconfirmed siya, ano kaya ang mararamdaman nyo? Madaming feedback at reklamo ang natangap namin dahil dito pero ang totoo, ito ay dahil sa maling pag gamit ng user sa system – sinasadya man ito or hindi. Kaya para maibigay ang registration ng learner sa tamang school na kung saan siya talagangang naka enroll, dapat munang patunayan na nasa kaniya talaga ang leaner.

    Maraming Salamat po

    LIS Help Desk

Viewing 1 post (of 1 total)

You must be logged in to reply to this topic.