Professional learning online community of teachers and for teachers.

Unity walk for truth and accountability in relation to the ‪Mamasapano Clash‬

  • Posted In: General Discussion


  • Member
    #8681

    unity walk mamasapano clash
    To those who joined the mobilization yesterday (22 February) at EDSA Shrine:

    I will say it again…

    Surely, a government that has taken active steps to enhance transparency, participation and accountability in governance to make government responsive to people’s needs, has shown relatively good performance in the economy as indicated in improved economic and development indicators, a government that continues to enjoy the trust and confidence of the people, and has not in any way subverted efforts to hold it to account DOES NOT DESERVE TO BE IMPEACHED.

    We can discuss what needs to be improved in the president’s leadership, including more decisive and definitive steps to get to the truth about Mamasapano, while pursuing peace. We can discuss about reforms in the institution of the presidency to balance its powers with accountability measures that would enable checks without resorting to an impeachment or a threat of impeachment that causes unnecessary political instability.

    We can discuss about the pending appointments in critical posts in key government institutions and how we can ensure that those who will sit there for a definite period of time will serve the interest of the people. We can discuss about the other critical reforms that have yet to be delivered, such as the Freedom of Information and other critical electoral reform measures especially since we are only a year away from the next elections. We can discuss about how we are ensuring that the current governance reforms are sustained to lead to substantive reforms.

    But discussing about impeachment, moreso mobilizing on a Sunday to “oust the president” is a big waste of time and resources that could have been used instead to help in addressing things that could truly be of help to the country and its people at the moment, such as those enumerated above. Any person in his/ her right mind and with a heart at the right place would know that.

    Ang dami pong gawain at lahat at nagkakahumahog sa gobyerno at sa civil society para magawa ang mga ito.
    Madali ang pumunta sa kalsada at sumigaw. Madali ang manira at mamuna. Madali ang maghusga at magkondena. Ang tagal nang gawain iyan. Wala nang bago.

    Hindi madali ang bumubuo unti-unti at gawin ang napakadami at napakasalimuot na gawain para sa pangmatagalang pagbabago. Hindi madali ang mag-isip ng mga makabagong paraan para masolusyunan ang mga dati nang problema na lalo pang nagiging masalimuot at kumplikado.

    Hindi impeachment, oust, resign ang tawag ng panahon. Ang tawag ng panahon ay hanapin natin ang ating pwedeng magawa at maiambag pa sa ngayon para kung anuman ang kakulangan at ang mga pwede pa nating mabunong pagbabago bago mag-2016 ay magawa na natin. Nang sa ganoon, tayo ay magkaroon ng halalan na kayang magpanagot ng kung sino man ang dapat managot at magpanalo ng programa at platapormang makatutugon sa pangangailangan ng bansa.

    Isipin natin ang bayan bago ang sarili. Sa totoo lang. Gawin naman nating makakatotohanan iyan sa ngayon, baka maari pa tayong maging parte ng pagbabagong ating pinagsisigawan sa napakatagal nang panahon. Dahil sa ngayon, hindi makakamit ang pagbabago sa sigaw. Hindi ito makukuha sa kalsada.

    Ang pagbabago ay isinasakatuparan na sa pamamagitan ng kagalingan, pagsusumikap at pagsasakripisyo ng maraming tao sa loob ng gobyerno, sa civil society at social movements at sa mga komunidad na binibigyang pagkakataon ang pag-asa na nasa ating harapan.

    Kung hindi ninyo makita ang pag-asa na iyan, huwag na lang kayong maging hadlang — hayaan ninyo ang mga naniniwala sa pag-asa na iyan na magsumikap para pagsilbihan ang bansa.

    Magkakaroon din siguro kayo ng pagkakataon kung talagang nararapat ang inyong adhikain at kayo ay may kagalingang gawin ang mga ito. Sa reporma at pagsasaayos ng eleksyon siguro pinaka-kailangan ang lakas at galing ninyo (kung meron man) dahil diyan kayo maaaring mabigyan ng pagkakataon. Ngunit, ang pagkakataon na yan ay wala pa sa ngayon. Huwag ninyong ipilit dahil ang resulta ay panggugulo lang at walang kabuluhang pag-aaksaya ng oras at pera.

    Maawa naman kayo sa bansang Pilipinas. Maawa naman kayo sa mga ordinaryong Pilipinong pinaka-apektado sa tuwing magulo ang pulitika. Maawa naman kayo sa inyong mga sarili.

Viewing 1 post (of 1 total)

You must be logged in to reply to this topic.