Professional learning online community of teachers and for teachers.

When We Doubt Our Faith, God Understands

  • Posted In: General Discussion


  • Member
    #8112

    By Draco Bacsal Acuavera:

    Draco Bacsal Acuavera

    Lumaki akong Katoliko pero dumating sa buhay ko na kwestyunin ang mga bagay na hindi ko nauunawaan sa aking Simbahan. Tinalikuran ko ito at hinanap ang sagot sa maraming relihiyon ngunit hindi ko pa din matagpuan. Naakit ako ng isang Relihiyong base sa Bibliya at dumating ako sa punto na kausapin ang aming Obispo para humingi ng payo. Maikli lang ang kanyang sagot, “Humayo ka kung saan lalago ang iyong pananampalataya, isa sa layunin ng simbahang katolika ay ang gabayan ka, pero nasa’yo iyan kung sa palagay mo na hindi ka dito lalago.” Patuloy ko nga itong hinanap at dahil dito ay lumalim din ang pagka-unawa ko sa Bibliya at hinusgahan ko din ang simbahan dahil sa palagay kong mali nitong tradisyon na niyakap na ng tao mula noon. Isang malaking tulong ang pagkakakilala ko kay Pope Francis para mahanap ko ang kasagutan. Naliwanagan ang aking puso at isip na parang pagliliwanag sa mga mata ni Saulo habang sya’y nasa daan patungong Damsco. Dumating ang hinihintay ko, isang Pinuno ng Simbahang Katolika na magsasa ayos ng lahat sa iglesya. Napaluha ako ng nakita ko sya kahapon at sa tuwing maririnig ang tagos sa puso nyang mga salita.

    Ngayon masasabi ko sa sarili ko na isa akong katoliko. Ako pa din ang dating sakristan na kumakalembang sa kampana ng aming simbahan. Naunawaan ko na walang relihiyon ang makapagliligtas, maliban sa malalim na kaugnayan sa sa ating Panginoong Hesus. Sa pamamagitan ng Santo Papa Francisco, nabuhay ang aking pusong katoliko at muling maipagmamalaki ito. Natupad ng Pastol na iyon sa akin ang kanyang layunin na muling ibalik ang tupang naliligaw ng landas. Ngayong buo na ang aking damdamin, alam ko na kailangan ko ding mahanap ang aking mga kapwang naliligaw at ibalik sa kanlungan ng mabuting Pastol.

Viewing 1 post (of 1 total)

You must be logged in to reply to this topic.