From humble beginnings, come great things – Interview with Sir Jhucel Atienza del Rosario

 Jhucel Atienza del Rosario
Jhucel Atienza del Rosario / Teacher / Author at TeacherPH

Can you tell us about your humble beginning as a Teacher?

Nung nagsisimula pa lang ako, salitang nakakapanibago ang lagi kong sambit. Pero dahil sa mga astig kong co-teachers… Naliwanagan ako sa tunay na kahulugan ng pagtuturo. Mahirap sa una step by step naka adjust din naman.

Why Teaching is your passion?

Masayang magturo… Masayang alam mong may natututunan ang mga bata. Sa mga reaksyon nilang “AHHHHHHH GANUN PALA UN…” alam KO NA po Sir “AYUN GETS KONA” gaganahan ka lalo, kaya niyakap ko na ang pagiging guro.. Basta iba ang pakiramdam.

Jhucel Atienza del Rosario Muzon Elementary School Naic Cavite

Can you tell us more details about your job?

Elementary teacher po ako Grade VI Adviser, small teacher lang kami kaya halos lahat ng subjects hawak namin.

Where do you work? Can you tell us your roles and activities in your school?

Sa Cavite ako nagtuturo. Hawak ko ang Science, Music, Arts, Journalism, Filipino at ICT ng school.

Muzon Elementary School Naic, Cavite

What is success to you?

Hindi natatapos ang Success. Bawat success na nangyayari ay may kadugtong pang success. Kung sa tingin mo nagtagumpay ka na sa buhay wala ng kasunod? hindi naman diba, gigising ka ulit para gumawa ng pagtatagumpayan sa buhay (LALIM).

What can you contribute to our Society as a Teacher?

Macocontribute ko ang pagiging TUNAY na guro.

Any other hobbies aside from being a Teacher?

Sumulat ng tula o kung anu-ano, gumuhit, tumugtog ng gitara (kapag sinisipag nakakasulat ng lyrics, at magbasa minsan.


Orihinal na komposisyon. Naisulat ko ‘to dahil sa wala lang, sayang walang mapag-alayan.
Dahil wala kaming magawa ni pareng Jeriel (sya yung naglilead) nirecord na namin kahit may sinat pa kami. Huwag niyo po kaming husgahan mga dre.

What’s your motivation in life?

Motivation ko ang PAMILYA, kaibigan, kaibigan sa TAAS at mga istudyante ko.

Memorable moments as a Teacher?

Unang observation sa akin at yung kanina, Unang sahod ko na napunta ang kalahati sa mga gamit sa classroom, at hindi ko malilimutan ang una kong pagtuturo at yung kanina.

What can you share or advise to all aspiring Teacher like you?

Jhucel Atienza del Rosario co-teachers

Payo ko tatlong puntos lang… Sabay ka lang sa agos PERO huwag mong hahayaang mapailalim at tuluyan ka ng malunod, ikalawa… Huwag magmagaling, magtanong at ikatlo mahalin mo ang trabaho mo! magkakasundo kayo period.

More About Jhucel Atienza: Click Here

Facebook Fan Page: Makulay na Mundo ng Isang Guro

TEACHERPH FACEBOOK DISCUSSION GROUP

TEACHERPH is a professional learning online community of teachers and for teachers. We are a team of teachers of different specializations and positions from different parts of the Philippines. Our aim to empower teachers in the Philippines is well-defined by one word: SHARE.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *