Professional learning online community of teachers and for teachers.

The New Year’s Resolution Every Teacher Should Make

0

Bagong taon na naman, nakabili ka na ba ng planner? na sa totoong buhay ay hindi naman GALA, mga gagawin for weekends o mga get together ang nakalagay kundi mga notes ng monthly meeting at ilang mga bayarin at mga inabono sa school AT kung meron ngang mga gala eh sigurado akong karamihan ay magiging DRAWING lang, hehehe, ganyan tayo.. ganyan tayo taon-taon.

Pero kung may planner ka na, kasama nito… hindi talaga kumpleto ang bagong taon kung walang New Year’s Resolution, (big words!) kumbaga kasabay na ‘to sa pagsalubong natin sa bagong taon na magsisilbing gabay para maging payapa at maging masagana ang bagong taon. Bilang isang guro ano nga ba dapat talaga ang ating new year’s resolution bukod sa “magdadiet na talaga ako” pero magsisimula pa ‘to sa January 4 dahil may mga handa pang kailangang ubusin at talagang may expiration date ito na after two months ay tapos na!

Kaya nga naghanda ako ng ilang pwede mong pagpilian, pramis cotitser!

1. Gigising na ‘ko ng MAS maaga – dahil overtime lagi ako… tapos gagawa pa ng DLL, learning materials at magluluto pag-uwi, malabo talagang mangyari ‘to.. kaya ko inuna. Hehe

2. I will Beat Energy gap – Feeding program is a good example, bilang tayo ang unang natikim nito, alam natin ang kahalagahan ng kalusugan, na alam nating mahirap ang magkasakit at MAHIRAP MAGSULAT sa FORM 6, ehem! Hindi lamang sa parte ng pagkain ang tinutukoy ko kundi pati na rin sa pagiging physically fit kaya pinapangako kong magiging active na ‘ko, dahil more energy mas happy, kaya I will beat energy gap!

3. Isa-isa lang – huwag ngaragin ang sarili kung hindi talaga kaya, isa-isa lang mahina ang kalaban, gagawin ko kaagad ang mga unang report, tapos ikalawa.. tapos… ayun wala parin akong matatapos, biro lang! ang mahalaga natapos mo ang iyong gawain na masaya ka sa huli. (ngiti)

4. Para sa mga Single: Hahanap na ‘ko – hindi ko alam kung ano ang hahanapin mo, ‘yung space ba sa puso niya, ‘yung sarili mo o ‘yung magkaroon na ng KAYO, inshort pag-ibig, kaya magandang gawing resolution na kung hindi na nga dumating nung nakaraang taon, this year ako na ang maghahanap, ANONG PETSA NA! pumag-ibig ka na!

5. Para ulit sa mga single: kakalimutan ko na si EX – San ka nagbakasyon? Dumaan ka ba sa NLEX, CAVITEX o dumaan ka muna kay EX? hindi ka nakapagnoche Buena at nakapagmedya noche dahil wala kang gana, dala ng nagdaang pag-ibig kaya ipangako mong kakalimutan mo na ang lahat, lahat ng sakit, lahat ng ala-ala ninyong dalawa dahil kung hindi, hindi ka makakapagfocus sa pagtuturo, may kasabihan ngang maraming darating sa buhay natin, pero may iisa talagang para sa atin at ‘yung iba ang magsisilbing landas at aral para makita natin ‘yung ISA.

6. Babawasan ko na ang Stress – ayon sa Wikipedia, A stressor is a chemical or biological agent, environmental condition, external stimulus or an event that causes stress to an organism. Eh organism tayo, at ang dahilan ng stress ay pedeng TAO, BAGAY, hayop at KAPALIGIRAN, ibig sabihin nasa paligid natin lahat, kaya normal na ‘yan kaya ‘wag mong istresin ang sarili mo… hayaan mong stress ang maistress sa’yo para tuluyan na silang lumayo.

7. Magtitipid na ‘ko Promise! – alkansya, pera at Kontrol sa sarili, ‘yan ang starter pack para makaipon kaya papatulan ko na ang 52 week challenge na ‘yan, o kahit anong araw! kahit minsan wala akong maihuhulog, basta mag-iipon ako!

8. More time sa Family – minsan kasi nagtatampo na ang pamilya ko dahil lagi kong ksama si DLL, si Grade at iba pang paper works, kaya isasama ko na ang pamilya ko sa paggawa, este, magbibigay ako ng mas maraming oras para sa kanila, palaganapin ang pag-ibig sa pamilya! (yakap)

9. I will learn something new – kailangan kong gumalaw- galaw, minsan kasi nagiging paulit-ulit na ang nagyayare kaya mag-aaral ako ng iba pang mga bagay o libangan… papasok ulit ako dahil may balitang dudugtungan na ng LPT ang pangalan natin kaya itutulak ko ang sarili sa panibagong kaalaman para sa aking kabutihan at para sa mga kabataan. NAKS! Mabuhay!

10. Maging Masayahing Guro pa lalo – kahit hindi nakakatawa ang jokes ko, kahit mga corny at kahit ako na lang ang natatawa, hindi ‘ko ititigil ang pagiging masayahin, tatawanan ko lahat ng problema. NYAHAHA

11. Magpapakaayos na ko, mag-aayos na ‘ko ng gamit – hindi ko na dadalhin ang mga gamit namin sa room ko, ibabalik ‘ko na ‘yung martilyo, ‘yung kurtina ko sa kwarto at ‘yung iba pa at hindi ko na gagawing classroom ang kwarto ko, AAYUSIN KO NA ANG LAMESA KO.

12. Gagala ako ‘pag may time – hushtag travel goals bes! Ano naman kaya ang mapuntahan ngayong taon? Pinapangako kong maggagala ako para makapagunwind naman kahit paminsan-minsan dahil sa tuwing babayahe tayo nagkakaroon tayo ng kalinawan ng pag-iisip, na mas mahalaga pa rin ang paglalakbay kesa sa destinasyon.

13. Pagpipigil ng Feelings, Emotions – Hindi ‘to tungkol sa pag-ibig! Ang ibig kong sabihin more pasensya pa para sa aking istudyante, para hindi madagdagan ang kulubot sa mukha, dahil tiyaga at pasensya lang ang kailangan nating ibigay sa mga pasaway na istudyante para matuto sila.

14. Iwasan ang galit – hindi pa rin ako mag-aalaga ng galit, dahil ang nag-aalaga ng galit ay patuloy na bibigat ang puso, pilit kong uunawain, babalansehin Kaya kung sino man ang may galit sa ‘kin tara usap tayo, pangako makikinig ako.

15. Hindi ako matatakot tumuklas ng bago – patuloy akong tatangap ng negative comments at advice basta sabihin sana in a good way (naks, may pinaghuhugutan) dahil kailangang itama ang mali, sa pagkakamali tayo natututo, at ito ang magiging dahilan para may matutuhan tayo na bago.

At…

16. More Effort pa – Dadagdagan ko pa ng maraming porsyento ang dedikasyon sa pagtuturo, na parang feeling ko araw-araw may observation, na parang araw-araw dala ni School Head ang kanyang mahiwanag lapis na monggol no. 2. hehehe

Ilan lang ‘yan, ‘yung iba alam kong ikaw na lang ang magdadagdag, pero cotitser isa pa… hindi ba mas maganda na hindi lang tayo tuwing bagong taon, may mga resolution na ganyan, dahil araw-araw hindi natin nasasabi ang buhay, araw-araw iba ang takbo ng panahon, araw-araw kailangan tayo ang sumunod sa agos, minsan pa nga pinipigilan ang pagdaloy para sa mas ikabubuti natin kaya sa tingin ko kailangan ARAW-ARAW.

Isang bagong taon na naman! isa lang talaga naman ang New Year Resolution ko, palage ‘yun taon-taon…na lahat ng bagay na gagawin ko may kasamang ngiti sa puso. (ngiti) – *yakap.

Leave A Reply

Your email address will not be published.