How Does It Feel to Be a Senior High School Student?

0

Being a Senior High School Student is fun. For you to be encouraged and to have a feel of how it is, we collected comments and sharings from different students in the Philippines.

Read: A Guide to Choosing the Right Senior High School Track

Sa school namin, di namin alam kung college ba kami o high school. Nakakalito kasi minsan, pinaabayaan kami, minsa naman sobrang strikto, Mahirap ang General Math and Calculus pero kering keri lang! Favorite naming yung mga hands-on experiments na kami kami lang ang nag-iisip. May guidance and correction lang ng kaunti ng mga teachers. We feel free. Ang sarap mag stay sa Lab. Hahahah

ICA STEM student, Eastern Visayas

Hindi ako mahillig sumali sa sayaw sayaw pero talent ko ang dancing. Akala ko ag HUMMS dati is more on paper work and writing, hindi pala! Pang all around! Minsan boring ang yung history pero kapag performance na at presentation, sobrang saya na kasi bali baliwan na kami. The teachers let us just behave as we are. May kaunting limits lang kapag sobra na ang ingay but we feel free. We feel like a wild animal na nakwala hindi nakatali and it is fun pero mahirap tlaga ang general math.

CAMILLE HUMMS student, Bicol Region

For the additional years in high school, how does if feel? Naisip ko baka nga mas kailangan natin toh. Kasi nga, having work is way too far from the world na ginagalawan natin ngayon. Ang dalawang taon na naidagdag ay masasabi kong malaking tulong sa pagpapalago ng ating kaalaman at kakayahan. Mas nagkaroon din tayo ng mas matibay na pondasyon ng pagkakaibigan kahit na minsan nagkakalabuan. Bilang isang senior high student, natutunan kong kahit mahirap kakayanin ko. Yung tipong studyante kayo at, at the same time work ready pioneers.

Antoinette Ghia Corsino GAS- SPSPS

As a Senior High School student, I've experienced and learnt lots of things. Dito ko na-overcome yung pagiging mahiyain, Matakutin at lalong-lalo na ang magsalita sa harapan ng mag-isa. Dito ko din natutunan ang pagpapahalaga sa bawat oras, na hindi dapat ito sayangin. Mas unti-unti akong nahubog sa aking napiling larangan at higit pa rito nagkaroon din ako nang ideya. Nag-enjoy naman ako dahil dito ko naranasan na umuwi ng late para lang matapos yung walang katapusang mga projects at paperworks. Mapuyat sa kakakagawa ng research paper. Sunod-sunod na quizzes, projects. Pero kung susumahin naman, naging Maganda rin naman ang naging epekto neto.

Yves Lourent Calpito ABM

Going to the uncertain, that is how being an shs student feels like. Indeed, many of us are facing this kind of experience since this is a new curriculum implemented by the government. I have experienced many inconsistency and last minute changes. But looking on the positive side, I have become a more competent student due to high standards toward student activities. “Acads is lifest” become our motivational line in times of struggle. Loads of works related to my chosen track made me more knowledgeable. I have fun meeting people sharing the same dance as me. The diversity of our personalities and the commonality of our interests made it even more amazing being a shs student. Yes, going through the uncertain may be scary but having people sharing the same thing as you, nothing is impossible. Henessey G. Juguiad, HUMSS- CEU SHS MANILA

Being senior high student is very tough char. Mahirap feeling ko college na talaga kame lol ganun naman talaga. Madami kaming naexperience, nakahalubilo ibat ibang ugali ng mga estudyante. GC din lalo na talaga sa academics hindi papatalo. Na kala namin na dagdag hirap lang ang k12 samin pero narealize ko din na para saamin din to, mas dagdag kaalamanan and new experience, new environment. Masaya na mahirap pero alam ko sa dulo na worth it. Pero feeling ko nag iispeech na ko na pang valedictorian sa martsa ko sa May 9 lol hahaha.

Angela Nicole Ultu STEM- Arellano University

Bilang isang senior high school ibat iba ang aking naramdaman nanjan yung lungkot dahil minsan kailangan malayo sa pamilya para mag aral sa maayos na paaralan . Maiiwan ang mga dating kaibigan at kakalse . Pero kakayanin dahil sa senior high school bagong yugto ng buhay . Bagong paaralan , bagong mga kaibigan at mga kaklase . Napaka saya pero mas lalong masaya pag kayong magkakaibigan nakakapasa sa lahat ng subject . Buhay senior high school enjoy lang at kakayanin kahit minsan mahirap ! Laban lang !

Rellin Christine GAS SPSPS

Being senior high student is both an honor and responsibility? Mahirap tska masyadong magastos, mahirap kase wala pang college may pa thesis na bawat subject at ung mga minos subject nag papanggap na major ? minsan dinadaig nya pa major. Magastos kase dahil ang napili kong kuhain ay TVL, syempre kada practicum bayad, ?kala siguro ng school namen ATM kame na everytime na may babayaran deadline agad kinabukasan.?￰゚so ayun po hahahaha masaya naman po.

Iori Gervacio TVL-DAZSMA

So sa dalawang taon na nadagdag madami din experience nakakilala ako ng ibang mga tao, natutong tumayo mag isa, mag commute ng napaka layo, dun ko din narealize na hindi s lahat ng bagay ah kaya mong dumipende sa iba ? . Yung late kana pero laban, pinagsasabay ang aral kahit na broken ka hahaha joke masaya naman maging isang senior high dunnako natuto umuwi ng gabi literal na gabi yung papasok ka ng madilim uuwi ka din na madilim na.

Blanche Iris S.Ocap STEM- CEU Manila

Being a senior high is a new experience for me kasi ngayong nakalabas na ako sa bundok marami akong mga bagay na natutunan at natuklasan sa sarili kung dati okay na ako sa pwede na takot ako sa maraming bagay kasi feeling ko di kaya pero nung napunta ako sa CEU narealize ko na shet kaya ko pala makipagsabayan kahit di ako ganern katalino ?￰゚リツ marami akong nakikilalang iba't ibang klase ng tao. Mahirap opo byahe pa lang po patayan na immersion pa tapos exams quizzes pero kahit mahirap masaya pa din kasi marami kang natutunang bago.

Patricia Tuvera STEM

Para sakin ang pagiging grade 12 student po Ay mahirap at may halo din namang saya kahit papaano. Masaya kasi po alam mo sa sarili mong marami kang matutunan dahil nga humaba ang taon na pag aaral, masaya po dahil syempre naka kilala ako ng ibang mga Taong masaya kasama yung tipong kahit bagsak na kayo tatawa nalang kayo kasi pareparehas kayong bagsak squad goals kumbaga at huli masaya kasi matututo ka sa makibaka sa realidad ng buhay makibaka sa mga problemang Hindi mo inaasang mangyari. Mahirap naman po kasi nakaka culture shock na feeling mo sa dati mong school ang galing mo na nakakatanggap kana ng mataas na mga grado tapos pagdating mo ng senior high iba ang sistema Kaya sobrang nakakapanibago po kasi ang hirap mag adjust at mahirap din po kasi may mga guro na sobrang mataas ang demand pag dating sa Peta or performance task na kung saan ang dami papagawa sayo na hanggang aabot sa puntong Hindi mo na alam kung ano uunahin mong gawin sa sobrang dami ng Gawain tapos may mga event Pa sa school na nakikisabay Kaya ayon po para sa Akin ang pagiging senior high Ay mahirap ngunit masaya din naman po kahit papano.

Justine Ryan M. Gonzales STEM

Being a senior high school student is quite challenging but at the same time I could feel the happiness and feeling of fulfillment because we are pioneer of the Kto12 even though we oppose it, it gave us challenge that we need to overcome. PS: It is a bit weird that we need to take quarterly exams to our OJT.

PIA LOREN C. MADRIGAL ABM

Being a senior high, I've learned a lot of things. Kung dati sobrang mahiyain ako ngayon somehow na-overcome ko na 'to. Natutunan ko din i-explore ang mga abilities ko like for example marunong pala ako kahit papaano kumanta and mas na-improve ko yung drawing skills ko. Being a STEM student malaki ang natulong nito para ma-build ko ang tiwala ko sa sarili ko. Oo mahirap ang maging senior high, yung halos wala nang tulog dahil sa dami ng mga pinapagawa lalo na pag nagkasabay lahat like exams, outputs at kung ano-ano pa. Pero at the end of the day maiisip mo nalang na lahat ng 'to ay binibigay sa amin para i-ready kami sa path na tatahakin namin someday.

Cheskabelle Claret Danseco STEM student, TUP-Manila

Leave A Reply

Your email address will not be published.