Ang Bag

May ilang nagbibitbit ng amoy pabrikang bag
May ilang bagong laba, may ilan paring mantsa ng Bolpen
Ng Nagdaang pasukan,
May Dihila, may tulak-tulak, may di-sakbit,
may sobrang Bigat Sa dami ng laman,
At syempre may magaan dahil sa
Walang mailagay…
May Matibay na kahit Hilahin tutumba ang may
Sakbit, may mahuna din
Dahil manipis na sinulid na lang ang nagdidikit,
May makulay… Pula… Bughaw… Berde… Puti…
Kasingkulay ng buhay ng batang nagmamay-ari,
Pero Meron ding Hindi, Dahil wala ng kulay
nakupas na sa Hirap at Dasto ng mga pasakit
Mayrong koleksyon nito ang ilang bata taun-taon
Pero sa ISA lang mayrong batang kuntento na
Kahit Pinaglumaan lang ng kapatid nya, pinamana,

Kaya alam ko sa tuwing unang araw ng pasukan
Hindi naiiwasan ang yabangan…
Kahit hindi sadya o sinasadya
May maiinggit, may mang-iingit at may papalag
Na magsasabi at Sasagot na , “WALA ‘YAN SA BAG”,
Alam kong wala man syang Bag ngayon, at
Hawak-hawak nya lang lagi ang kanyang Notbuk,
Papel at Panulat, pagpasok at pauwi ng bahay
Sakbit naman Nya ang Pangarap, na HINDI MAGKAROON
Ng Bagong Bag
Kundi Ang makatapos, para matupad
Ang TUNAY NA PANGARAP

Photo Courtesy: Roberto Verzo [1]

TEACHERPH FACEBOOK DISCUSSION GROUP

TEACHERPH is a professional learning online community of teachers and for teachers. We are a team of teachers of different specializations and positions from different parts of the Philippines. Our aim to empower teachers in the Philippines is well-defined by one word: SHARE.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *