Oplan Ibalik ang Kwela

Magandang Umaga, Maaari Mo bang ipakilala ang iyong sarili?

Pasukan na naman, tsk! Tsk! Tsk! kabilis nga naman ng panahon, parang kahapon lang eh nasa bakasyon pa ako(literal), literal na nagbakasyon sa Eskwela, pero ganun talaga move on na! Masakit isipin na tapos na talaga ang maliligayang araw dahil may paparating na mas maliligayang araw sa apat na sulok ng eskwelahan. (Pasensya nga pala sa mga girls na kinukuha akong escort sa FdM, ganun talaga ang buhay, kailangan talagang may unahin.)

Kakatapos lang ng linis dito linis doon! Ayos dito ayos doon, Pintura dito pintura doon na mga pangyayari, mga pangyayari na dapat gagawan ko din ng istorya na BRIGADA ESKWELA, dapat talaga! pero dahil sa sobrang Busy ay hindi na natuloy(ganyan kalupit ang magbrigada lalong-lalo na kapag walang dumating na mga magulang) ay nakow! Eton a yun! AYAN NA NAMAN SILA… ang mga batang walang kapaguran, mga batang BONAKID.

Mula umaga hanggang hapon hindi sila nawawalan noon ng enerhiya, masasabi kong sulit ang kanilang baon, pero sa totoo lang mga kaguro namis ko sila (yihiiiiiiii), namis ko ang ingay, ang saway, ang kulit, ang bangis at syempre ang pagtuturo. Pero nasa susunod na hakbang na sila ng Edukasyon, kaya eto ako ngayon nasa harapan ng bagong set ng mga batang isang taon kong muling huhubugin, bubusugin sa sermon at bibigyan ng inspirasyon. Taon-taon iba-iba pero pare-pareho parin ako ng ginagawa. Tuwing unang araw o unang Linggo ng pasukan, ang mga nasa ibaba ang maririnig mo sa kanila, hindi ko alam kung bakit pero given na nga yata talaga ang sistemang ganito:

“Maaari mo bang ipakilala ang iyong sarili…” nakow! Gasgas na ba??? Pero kailangan… kailangan ko muna silang makilala paunti-unti, mahirap kasi sa akin na mas nakakatanda sa mukha kesa sa pangalan.

“bakit naman kung kelan pasukan dun mo pa lang kukunin ang Card mo???” matik na ‘yan kaya imbis na regular talaga ang unang araw, kow! Ubos na sa mga cute na batang kasama ang cute na mga magulang para kuhanin ang card.

“Sige po saka na po ‘yan, papasukin nyo napo anak nyo, No! Collection Policy po tayo…” ehem! Period.

“Mga bata ngayon ay bubuo tayo ng mga Cleaners…” effective na ‘to sa uwian walang excuse-excuse. Syempre kagagaling lang sa Brigada dapat huwag maputol ang kalinisan sa paaralan.

“Oh, sige.. Ito ang Group I, Ito ang Group II.. .. ..” depende sa dami ng bata mo, dapat sanayin na sila sa salitang TEAM WORK, matapos nito papipiliin ko sila ng Leader na hindi CORRUPT, NAKIKINIG, may sense of RESPONSIBILITY, MALAWAK ANG PAG-IISIP, at higit sa lahat MASIPAG!!!

“Kailangan, alam nyo ang salitang kalinisan…” dapat kasama na ‘to dun sa pagpili ng mga Cleaners , pero binubukod ko ‘to para hindi na din mahirapan sa paglilinis ang mga Cleaners(ANG GULO)

“Nakakuha ka na ba ng Libro???” kapag nagtanong ako ng ganito sa batang inenjoy ang BAKASYON at ngayong pasukan lang ulit nagpakita ang isasagot pa nya, “sir, huwag daw pong madami, mabigat sa BAG…pero sa isip na lang ako sasagot ng, “ HINDI MO NAMAN TALAGA DINADALA” pero sasagut ako sa bibig ng “Okay”

“Dito ka sa harap, Anak..” actually kahit ilagay ko sya sa harap ganun pa rin, mag-iingay pa rin sya, kaya ang susunod kong sasabihin” Anak dun ka na ulit sa LIKOD” hihihi

“Wow, bago ang bag HA! Amoy Pabrika” lagi ko ‘tong sambit na pabiro sa unang araw kakatuwa kasing isipin na lahat ng bata BAGO ang mga gamit, tapos yung Bag ko BAGong laba.

At ang mas malupit kapag umiingay na ulit… “Hindi ba kayo nakuntento sa Dalawang Buwang Bakasyon? Parang mis na mis nyo ang isa’t isa ha! Share nyo naman ang happiness nyo, tapos bigala na lang silang tatahimik. Marami pang mga pangayayari ngayong araw pero nakalimutan ko na, naghalo-halo na dahil sa excitement at kaba na baka dumating ang Monitoring Team ng District namin. Mahirap na pero sa ngayon wala na talaga akong maisip.

Wala na kong maisip!

Wala na kong Maisip!

Isulat mo! Unang araw palang ‘to. Bukas ulit.

Photo Courtesy: CARAT Philippines [1]

TEACHERPH FACEBOOK DISCUSSION GROUP

TEACHERPH is a professional learning online community of teachers and for teachers. We are a team of teachers of different specializations and positions from different parts of the Philippines. Our aim to empower teachers in the Philippines is well-defined by one word: SHARE.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *