Home » Buhay Guro » Paano Umabot sa 3.95 Million ang Annual Compensation ni Secretary Briones?

Paano Umabot sa 3.95 Million ang Annual Compensation ni Secretary Briones?




DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones

Ang nailathalang listahan ng mga sweldong tinatanggap ng mga gabinete sa Facebook post ng Philippine Star (May 24, 2019) ay maaaring maghatid ng kalituhan sa karamihan. Ang mga numerong nakalista ay kabuuang compensation (basic salary, allowances, bonuses at incentives) ng mga opisyal sa buong calendar year ng 2018. Ating alamin ang detalye ng annual compensation ni DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones.

Ang Salary Grade ay representasyon ng level of difficulty at responsibilidad ng katungkulan. Nakadepende sa duties, responsibilities at qualification ang compensation plan sa Pilipinas (DBM CP Chapter 3). Kung ang lawak ng responsibilidad ng teacher I ay nasa classrooms ng isang school, mas malawak naman ang sinasakop na responsibilidad ng kanyang Superintendent, Regional Director, Undersecretary at Secretary ng departamento. Ang Teacher I ay Salary Grade 11 na may katumbas na sweldo na Php 20, 179 noong 2018. Ang basic pay ng mga SDS at mga Undersecretary ay magkakaparehong Salary Grade 30. Ang kanilang monthly basic pay ay Php 143,534.00 noong 2018. Mas mataas naman ng 38% ang sa Secretary na nasa Php 198,168.00, SG 31. Ang Presidente ng Pilipinas ay SG 33.

Ang nabasa nating amount sa post ng Philippine Star ay grand total ng sweldo, allowances at iba pang emoluments na tinanggap ng mga opisyal sa CY 2018. Narito ang 2018 annual total compensation ng mga kilalang opisyal sa DepEd.




BRIONES, LEONOR MAGTOLISSecretary3,950,357.21
PASCUA, ALAIN DEL BUSTAMANTEUndersecretary2,734,375.71
CATIBOG, VICTORIA MEDRANAUndersecretary2,483,192.00
SEVILLA, ANNALYN MACAMUndersecretary2,471,022.39
DINO, LORNA DIGUndersecretary2,460,216.43
MATEO, JESUS LORENZO RUIZUndersecretary2,456,637.47
UMALI, TONISITO CASUGBOUndersecretary2,326,387.92
MALALUAN, NEPOMUCENO ACLANUndersecretary1,357,168.03
MUYOT, ALBERTO TIONGSONUndersecretary519,143.25
MARIBOJOC, JOSEPHINE GALEAOIC-Undersecretary2,074,621.83
AMBAT, G.H. SANIDADAssistant Secretary2,163,077.10
ESCOBEDO, REVSEE ACUNAAssistant Secretary2,074,193.65
MALALUAN, NEPOMUCENO ACLANAssistant Secretary1,086,370.36
OREBIA, RHOAN LUCEROOIC-Assistant Secretary274,400.00
ABCEDE, RAMON FIEL GUINTOOIC-Assistant Secretary131,250.00
TORIO, ALMA RUBY CARONONGANOIC-Assistant Secretary129,286.99

Source: Commission on Audit 2018 Report on Salaries and Allowances (ROSA) pp. 139-140

Sa taong 2018, nagsilbi rin si Secretary Briones bilang Board member ng TESDA, Board of Director ng BSoP, BOT Vice Chairman ng PSHSS, member ng Board of Commissioners ng POPCOM. Mapapansin na sya ay hindi tumanggap ng kahit anong bayad sa kanyang mga serbisyo sa ibang government agency/instrumentalities maliban sa direct compensation nya bilang DepEd Secretary. Si Usec. Diosdado San Antonio ay hindi rin tumanggap ng kahit anong bayad sa kanyang pagiging Board of Director ng BSoP noong 2018 (COA 2018 ROSA Part IV p. 1037).




Ang ibang opisyal ng gobyerno ay tumatanggap ng allowances o honorarium sa kanilang dagdag na trabaho. Isang halimbawa ay si Alex Buenaventura na Presidente at CEO ng Land Bank of the Philippines na umabot sa 5.6 million ang total annual compensation. Bukod sa kayang tinatanggap na compensation sa kanyang posisyon, tumanggap pa sya ng kabuuang dagdag sa allowances na 1.634 million sa kanyang katungkulan bilang BOD Vice Chairman ng LBP, BOD Chairman sa LBPLFC at OFB (COA 2018 ROSA p. 620).

Source: Commission on Audit 2018 Report on Salaries and Allowances (ROSA) p. 618

Parepareho at pantay lamang ang fixed compensation na tinanggap ng mga gabinete ng iba’t ibang departamento. Nagkakaroon ng pagkakaiba-iba ang kanilang kabuuang compensation dahil sa mga pinagkakagastusan ayon sa tawag ng kanilang katungkulan. Ang mga item na “Discretionary and EME” at “Indirect Benefits” ang halimbawa ng variable compensation kung saan sila ay nagkakaiba-iba.

Ang Extraordinary and Miscellaneous Expenses (EME) ay mga incurred expenses na ginamit sa meetings, seminars o conferences, educational, athletics and cultural activities, contribution to civic and charitable institutions, membership in government associations, office equipment and supplies, at subscription sa professional technical journals at iba pang kaparehong expenses na hindi kasali sa regular budget allocations. Maging ang mga ito ay cash or in kind, ang pagreport ng mga ito ay itinatala ng COA sa equivalent monetary value.




Ang Report on Salaries and Allowances (ROSA) ay inihahanda at isinusumite ng Commission on Audit (COA) taon-taon sa Presidente, sa Senado at sa Kongreso bilang pagsunod sa COA Memoranda Nos. 92-780, 2010-012, at 2016-011. Ang 2018 ROSA na binubuo ng 1,183 pahina ay sumusuporta sa pagsulong ng transparency at accountability sa pondo ng gobyerno.

Leave a Reply

Scroll to Top