Professional learning online community of teachers and for teachers.

Heart to Heart with Ms. Catacutan

1

“Alam mo Sir Tino ang Pag-ibig ay para talagang isang brand ng Kape, dapat NANGINGIBABAW sa lahat ng Oras”
-Ms. Catacutan

Minsan habang lunch break ay tinulung-tulungan ko si Mam Edith sa Office para gawin na ‘yung report, nag sub. muna ko sa kanya. Saktong nandun din naman si Mam. Catacutan at busy din para sa ibang paper works. Kalaban ko na naman ang oras dahil ilang minute na lang ay mag-aalauna na, oras na para sa Filipino.

Maya-maya’y biglang nagtanong si Mam.

“Sir Tino, kamusta ang buhay pag-ibig?” sabi ni mam habang nakangiting nakatingin sa papel. Nagulat ako sa tanong ni mam, sinaniban yata sya ng buwan ng Pag-ibig at natripang magtanong na parang si Boy Abunda.

“Ahm… ah.. eh,,.. wala po mam, mag-iisang taon na po eh” sabi ko kay Mam.

“Anu??? Sa pogi mung ‘yan! Sa tagal na panahong yun wala ka pang nasusungkit?” nakatingin na si mam sa akin, nakababa ng konti ang salamin sa cartilage ng ilong. Ewan ko ba kung nangbubula lang s imam o nagjojoke!… kakatapos ko lang kumain kaya medyo hindi ako napikon.

“mam mahirap po eh, parang may tama pa rin ako sa nagdaan ko(huwag na nating itago sa X)…” sabi ko sa kanya habang nakangising nagtatype hindi nya alam na bago pa ang isang taon na ‘yun ay nabusted na nabigo na ko una kong pagmamahal.

“hehe, “MOVE ON…”

yan! Yan ang mga salitang kinasusuklaman ko din noon, pero kailangan anu??? Anu ba mahal mo pa ba talaga???, tska bakit ba kayo naghiwalay anong dahilan, syensya na Sir, kung mukhang personal na ang mga tanong ko” sagot ni Mam.

“Oras po mam, kasi alam nyo naman po ang trabaho natin, mahirap po, at Mam opo, mahal ko pa po, nandito pa sya(sabay turo ko sa puso ko)”

“ANU!!!?? Oras!! Kailanman Sir hindi dahilan ang oras! Kaya nga may tinatawag na TIME MANAGEMENT sa lahat ng bagay, kahit dito ‘di ba? Tsaka, bakit hindi mo balikan at sabihin na mahal mo pa rin Sya, GO!, bawiin mo lahat ng pagkakamali mo, itama mo!” parang galit na si Mam

“Mam ‘kala ko nga po pede pa eh, kala ko kaya ko nang magmove-on, mapupuno na yung 100 percent, kaso nakita ko sya na may kasama ng iba, ang saya po nila, kaya bumalik na ulit sa zero, zero mam, ang sakit, kaya wala na pong pag-asa”(sabay tingin sa baba, tungo, at nakasara na ang mga daliri) parang lumiligid na ang luha ko nun.

“ AY!!! Bakit hindi mo kaagad sinabi!, huwag mo na ngang balikan!!! Aba! Masaya na pala e, kung mahal mo talaga sya, kung san sya masaya dapat pabayaan mo na” Seryosong usapan na ‘to.

“Mam pero dapat po ako yung nandun e,” sabi ko kay Mam

“Wala ka nang magagawa Tino, Pinabayaan mo, Nasaktan sya at ikaw, tapos…Tapos na,alam mo yang pag-ibig para ‘yang kape kapag mainit gustung-gusto kaagad natin inumin kasi baka lumamig, tapos kapag lumamig na minsan hindi na natin kayang inumin, kasi hindi nga tayo sanay uminom ng malamig na kape, isinasantabi na lang kung baga sa pag-ibig kailangan habang ramdam nyo pa ang pag-ibig nyo sa isa’t-isa, kailangan tuloy-tuloy lang huwag nyong pansinin ang oras ng paglamig, at kailangan kapag parang mauubos na buhusan nyo ulit ng mainit, tapos timpla ulit, hindi yung pinabayaan nyo na lang lumamig ng tuluyan hanggang sa tinapon na lang… kung ako sa ‘yo Sir huwag mo na silang guluhin, alisin mo na sya sa’yong sistema” (nakanganga ako) Mas Sumeseryoso na si Mam Catacutan(nakakatakot)

“…. ,…, ….” OO! Wala na kong naisagot kay Mam(matatapos na ang Report), pero tagos sa puso ang mga pinukol n imam na sinalo lahat talaga ng isipan ko. Pero…

Biglang bumanat ulit si Mam. Catacutan habang 3 minutes na lang bago magbell.

“ Alam mo Sir Tino, para talagang Kape ang Pag-ibig, NANGINGIBABAW dapat sa lahat ng oras, kaya Godbless, move on move on na din pag may oras, sa mga Co-teacher mo wala ka bang napupusuan??? Uyyyyy” parang pang-asar na sabi ni Mam.

:-), ngiti na lang ulit ang isinukli ko kay Mam, pero muntik ko ng isagot sa kanya na: “Mam last nyo na ‘yan ha” pero dinugtungan ko na lang ng ganito” Si Mam talaga, sige po mam salamat pos a Advice, punta nap o ako sa room ko at ibibigay ko na din ‘tong report kay Sir Rocs, at para maipabigay na din p o kay Mam Edith”
Lumabas ako ng office na pinagninilayan ko pa rin ang mga nasambit ni Mam, mukhang natauhan na ako, nyihihihihi, kaya ngayon magtitimpla na lagi ako ng KAPE.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

1 Comment
  1. Maridel manalo says

    Hahaha natawa ako sa kwento nyo sir. Pero tama nman po mahirap tlg humanap pg mahal nyo pa ang tao kya lng kung meron na syang iba hanap nlng kyo iba. Lalaki nman kyo khit tumanda kyo mag-asawa hndi nman kyo magmemenopause