Home » Buhay Guro » Importance of Flag Ceremony in Schools

Importance of Flag Ceremony in Schools




Dear Parents, 

Ang sarap ng gising ko ngayong araw na ito. Bitbit ko na naman ang aking baong lakas ng loob upang suungin ang gatambak na pagsubok na araw-araw kong buong tapang na hinaharap. 

Time check. 5:30. Kailangang umalis ng maaga. Bagaman ala siete pa magsisimula ang klase, kailangan ay isa o dalawang oras bago nito ay nasa paaralan na ako. Lunes ngayon. May flag ceremony. Kailangang sa gate pa lang ay nakaabang na ako para papilahin at ayusin ang mga bata. Kung hindi ay maloloko na!  Kailangan ay siguraduhin kong ipapakita nila ang wasto o tamang disiplina sa harap ng madla. Hindi dahil sa takot ako sa prinsipal ko. Kundi dahil alam ko ang pangmatagalang epekto sa kanila nito. Mga magulang, hindi lamang po basta basta ang flag ceremony! Wag po nating i-ismolin ito. Sa pamamagitan nito, naituturo sa mga anak n’yo ang disiplina ng pagpasok sa tamang oras gayon na rin ang pagpapahalaga sa ating bansa. Sa paulit ulit nilang pagbigkas ng panunumpa ng katapatan, naipapahayag nila’t nalalaman ang kahalagahan ng isang pagiging tapat na mamamayan. O baka naman po…. sa tahanan n’yo pa naririnig ang mga katagang: “HAYAAN MO NA… FLAG CEREMONY LANG YAN!”; “BAKIT AKO IPAPATAWAG? FLAG CEREMONY LANG NAMAN ANG NA MISS MO HAH?” 




Mga mahal na magulang, sa tahanan po nagsisimula ang pagkatuto ng disiplina. Sa tahanan nagsisimula ang pangangaral tungkol sa pagiging isang tapat na mamamayan. Kung sa inyo pa po nakikita ng mga anak n’yo na kayo mismo ay hindi pinapahalagahan ang mga gawaing nagbibigay sa ating simbolo bilang mamamayan ng bansang ito, ano kaya ang mararating ng ating bayan sa hinaharap? 

Wag ng magtaka kung bakit napakaraming buwaya sa senado, sa konggreso at munisipyo na binabayaran ng buo pero LATE naman lagi pumapasok. Well, sila lang naman ang produkto ng mga magulang nilang kinunsinti sila noon. Tapos magtataka kayo kung bakit walang disiplina sa simpleng pagpila sa grocery store o sa  sakayan ng jeepney ang mga kabataan ngayon? Hindi ba tayo ang kanilang modelo? Kanino nga ba kaya nila natutunan nito? Malamang, hindi sa paaralan. Dahil hindi layunin ng paaralan na magturo ng kabuktutan. 
Ang simpleng maling bagay, kapag hinayaan ay lumalaki.




READ:

How is Flag Raising and Lowering Ceremonies Conducted in Schools?

CSC Memorandum Circular on Flag Ceremonies




Leave a Reply

Scroll to Top