Single pa rin si teacher




Nagtataka ka ba kung bakit sa mahigit Pitong bilyong tao dito sa mundong ibabaw ay nananatiling nakasteady pa rin ang Status mo sa Facebook? Kung minsan It’s Complicated kapag may nararamdaman kang ikaw lang ang nakakaramdam tapos ibabalik ulit sa SINGLE… sa madaling salita hindi ka na makamove-on sa pagiging loner at SINGLE ! gel ! gel!gel! (umeecho pa). Alam ko hindi lang mga guro ang nakakaranas ng trip na ‘to, maging sa ibang propesyon o kahit na sino pa yan, walang sinisino ang STATUS na ito. Ako sa sarili ko, bilang si Sir Tino, aminadong single pa rin hanggang ngayon, wala eh, explain ko na lang next time, masakit pa eh (hihihihihi), ganun talaga.

Kaya… itatanong ko ulit, Bakit single pa rin si Teacher hanggang ngayon??? o sa iba na hindi Guro, bakit single ka pa rin??? Ewan ko sa’yo! buhay mo yan, pero naglista ako ng mga palagay-palagay kung bakit nga ba malimit sa madalas…

1. MAKAPILI –Pili lang ng Pili hanggang may mapipili, Hanap ng Hanap, o IBA ANG HINAHANAP??? Choosy pa kahit hindi na dapat, tinitimbang kung sino nga ba talaga, kalimitan ito yung mga taong utak ang ginagamit at sa huli nasisiraan ng bait.




2. SAY CHEESE – kapag lalaki, Natatakot manligaw dahil mukhang nakasimangot, kapag babae, nakakatakot ligawan dahil laging nakasimangot, tandaan nakakaganda at nakakapogi ang laging nakangiti (kaya pala kamukha ko si smiley)

3. but WAIT there’s More – Naghihintay sa taong hindi naman ang hinihintay. Hintay lang ng Hintay Ng kanyang destiny, sila yung mga Positive thinker pero minsan naiiwanan ng biyahe.




4. MOVING ON – kagagaling lang sa break, hindi coffee break kundi heart break. Huwag muna natin silang lapitan,nakakatakot baka mabuntungan pa tayo ng kanilang pinagdadaanan. Hindi pa sila handa para sa isang relasyon kaya ayan single pa rin.

5. ATTITUDE – hindi pedeng tanungin mo na lang siya ng: “May mali ba sa Akin?” tapos sasagot siya ng “BAKIT?” tapos sasagot ka ulit ng : “Hayaan mo na may TAMA naman ako sa’yo!” Lahat sa atin may MALI, nasa atin na lang kung paano natin dadalhin, pero yung iba pinangatawan na ang mga kamalian nila kaya ayan walang mangyari sa buhay pag-ibig. Masama ugali e.

6. ITSURA PA! – Hindi pa huli ang lahat kapatid! Kausapin mo ang salamin, mag-ayos-ayos din kasi ng sarili ‘pag may time, hindi yung mukha ka palaging bagong gising at galing sa panganganak.




7. NUMB-DUMB – Manhid! Nandyan na hindi pa nararamdaman(ayan na ayan na hindi pa nakikita) masahol pa sa naturukan ng sampung anestisya. Ewan ko ba kung talagang manhid o iniiwasan lang makiramdam, ayaw niya ata, kaya ang ending “it’s a tie” yung hindi maramdaman at walang pakiramdam ang dalawang single sa huli.

8. REBISCO – hindi masabi-sabi ang feelings. TORPE.(hindi ko alam ang tawag sa Babaeng Torpe, pero given na talaga na dapat kaming mga boys ang mangunguna) Paboritong Kanta: “Pangarap Lang Kita” ng Parokya ni Edgar. Rebisco ka nga kasi “ANG SARAP NA NG FEELING MO SA KANYA, hindi mo naman masabi-sabi ng harapan(kaya nganga).

9. TAONG BAHAY – walang mangyayari kung magmumukmok ka lang lagi sa bahay!Magpaalam ka paminsan-minsan kina nanay at tatay! Maglagalag ka! Party-party! Hindi yung laging kausap mo yung ipis, langgam at daga sa bahay, hindi mo alam mas Masaya pa sila kaysa sa’yo dahil may sari-sarili na silang love life. Mabuhay ang mga Hayop!

10. ASANESS – para sa mga umasa, pinaasa at nagpapaasa. Congrats!!Single ka pa rin. Umasa sa CHAT sa FB, Blind Date, at Crush ka rin niya, Pinaasang liligawan, sasagutin tapos magugulat na lang sila dahil nasa banyo na sila nag-eemote. Para naman sa Nagpapaasa –Sumpain kayo! Mga Player! Kaya ayan karmang digital ! Single ka din!

11. HEREDITY – namamana? Nasa lahi man ninyo ang tumatandang dalaga o binata nasa ‘yo naman yan kung paano mo babasagin ang sumpa. Wala sa lahi yan nasa puso yan.

12. Love is a Choice – Mga taong Mahihilig sa KESO, kase daw… KESO GANYAN… KESO GANITO… Maraming dahilan, kapag tinatanong kung bakit single parin sila hanggang ngayon. Mas pinili na lang daw nila yung ganitong status kaysa maguluhan pa, marami pa daw silang dapat unahin, laging bukang bibig “ DARATING DIN YAN pero sa ngayon ito na muna.”

Ika nga ni Ron “ang pag-ibig pag inisip ito ay nasa puso, ‘pag pinuso nasa isip masisira lang ang ulo” Single ka man o hindi ikaw na ang bahalang gumawa ng sarili mong love story. Kaya hindi na ako mag-eexplain kung bakit Single pa rin ako, walang basagan ng Trip, gabi na… may report pa akong ipapasa bukas at dalawa palang ang naisusulat kong Lesson Plan kaya paalam na muna.(ngiti)

 

32 thoughts on “Single pa rin si teacher”

  1. ???? Bongga itong si Sir Tino! Mukha yatang naranasan ko na halos lahat nang nasa listahan mo ah! So, paano po ba ‘yan? Eh mas marami pa po ang mga concerns na dapat nating unahin para sa mga bata eh. You know naman po, halos liberated na talaga mga bata ngayon. Kaya ako imbes na magtelebabad with manliligaw, ang kausap ko lagi mga papel at confessions ng mga estudyante ko. ???? ???? ????

  2. Relate much! Haha. Cheers!
    Sabi nga, it’s better to have loved and lost that never love at all. Sana someday… Darating din cya.

  3. now ko lang nabasa to…
    and honestly speaking, sapul na sapul nga…
    majority ng mga nilagay ni sir ay tama…
    tamang tama!!!

    pero kahit single man ako, masaya pa din…
    masaya maging teacher eh…

    🙂 🙂 🙂 🙂

  4. Di pa din ako nawawalan ng pag-asa… kahit nakakarelate ako sa mga nakasulat dito, tiwala lang 🙂 hahaha

  5. Nakakatuwa naman ng story nyo sir. Destiny din siguro ako kase pinalad na nagmahal ng minsan kaso, minsan lang yata talaga! Nauna na kasi sya ……. sa langit! Kaya single ulit for the second time!

  6. pg nakatadhana kn single tlg wla na magagawa just accept your fate kesa naman merid ka nga khit binubugbog kn ng asawa mo marami bisyo basta masabi ka na merid khit miserable knman d mas ok na ang single mga sir/maam

  7. Roubie V’ray – hindi din dahil sa istudyante napupunta atension… Im single dahil mas pinipili kong ibaling ang sarili ko sa mas importanteng bagay kaysa ibigay sa sarili ko sa hindi karapat dapat… cguro kaya madaming teachers na single dahil mas inuuna yung career bago lovelife… mas inuuna ang pamilya bago ang love…

    Tama!

    1. Now ko lang to nabasa, since naka relate ako mag rereact din ako.. I strongly agree dito sir.. selfless love ganun ang drama kaya until now single parin.. nakakatuwang isipin na may mga ka tropa padin pala ako.. kaway kaway! single basta Happy diba sir? 🙂

  8. Acts 20:35 – it is better to give than to receive. *sorry kung gumamit ako ng bible verse, lagi kasing nasa isip ko ito. so maybe it is my reason why…* ^_^

  9. hahaha… relate much… status ko from birth up to now: the same… ^_^
    keribels lang… enjoy life…

Leave a Reply

Are you taking the 2021 Principals’ Test/NQESH? Let’s put your name on the list of passers! Allow us to help you through TeacherPH.ENROLL NOW!
+
Scroll to Top