Tula ni: Gleyden Devera Callejo ng Mauban, Quezon
I
Kabutihan ng mga guro’y hindi matatawaran,
Pagpasok palang sa aming silid-aralan,
Damang-dama namin ang kanilang kagalakan,
Na magbahagi ng mga bagong kaalaman.
II
Minsan ang mga guro’y parang tunay na kapatid,
Pagmamahalan at tawanan nami’y walang patid,
Kasayahan at kaalaman ang kanilang hatid,
Ang lahat-lahat ng iyan ay aming nababatid.
III
Bayani ang bansag ng mga karamihan,
Sa angking kabaitan at katalinuhan,
Nang mga gurong tunay na maasahan,
Saludo ako sa kanilang kakayahan.
IV
Mga guro’y nagsisilbing aming hagdanan,
Patungo sa pangarap na aming kinakamtan,
Kagandahang impluwensya’y hindi naming kalilimutan,
Salamat po mga kaguruan salamat po ng lubusan.