Home » Buhay Guro » Hampaslupa at Timawa nga ba ang mga Guro?

Hampaslupa at Timawa nga ba ang mga Guro?




Marami sa ating mga leaders ang may kontrobersyal na kaisipan na tanging sweldo at benepisyo lamang ang habol natin kaya pinili nating mapabilang sa pampublikong paaralan. At dahil mas mataas nga ang sweldo natin kaysa sa mga pribadong paaralan, sinusulit ng husto ang ating mga serbisyo na kung saan hanggang pag uwi ng bahay ay kinakain ng ating mga obligasyon sa paaralan ang oras na dapat ay nakalaan na sa ating mga pamilya. Kaakibat na rito ang paggastos ng personal na pondo para maka comply sa kanilang mga work expectations sa atin.

Naibigay ang PBB at clothing allowance, ngayon naman ay sabik na naman tayo sa Mid-year bonus at Chalk allowance. Sa mga pag-iingay natin na agarang matanggap ang mga ito, may mga ilan na tinitingnan tayo na mababang uri ng empleyado na sa pera lamang nakatuon ang atensyon at hindi sa trabahong ating sinumpaan. Mga hampaslupa at timawa!

Noong tayo ay nag aapply pa lamang, punong puno tayo ng energy, enthusiasm at confidence na marami tayong maiaambag sa departamento. Kilala natin ang ating mga sarili at alam natin kung ano ang ating kakayanan. Ngunit habang nagtatagal, bakit nakakaramdam na tayo ng panghihina, pagkasawa at pagod?




Sa aking pananaw, ang ating discontentment ay sa dahilang uhaw tayo sa less-tangible benefits gaya ng tiwala at respeto sa ating kakayahan na nag ugat sa malabong oportunidad ng career path at nakakadismayang pamamalakad ng ilan sa ating mga school heads. Dagdag pa rito ang mga pag-aaral ng ilang eksperto sa management and leadership ay ang bullying in the workplace, administrative hassles, low social support, poor organizational resources, stressed leaders and negative leadership kung kaya burnout ang mga guro.

Screen Grab from TeacherPH Facebook Group

Sa aking post na Empowerment and Disempowerment, nakakalungkot isipin na maraming guro ang nakarelate sa mga negatibong pamamalakad ng school head na tinutukoy. Isa itong patunay na isang malaking factor ang pamamalakad sa paaralan kung bakit demoralized ang mga guro. Tayo ay parang sinusumbatan na may pamilya tayong magugutom sakaling tayo ay umalma sa mga nakikita nating hindi kanais nais. Kung kaya naman, ginagawa na lamang nating konsolasyon ang pinansyal na aspeto na maaari nating makuha sa ating pagseserbisyo, itinuturing na premyo natin sa ating sarili kapalit ng inaasahang less tangible benefit kabilang na ang pagkilala sa ating tapat na pagtupad ng tungkulin na malimit pang ipinagkakait at ibigay sa tamang panahon. Dagdag insulto na para bagang mga asong tinatakaw sa mga butong winawagayway muna bago tuluyang ipakain, inaantay na tayo ay dapat laging nag-iingay at kainisan bago ibigay ang mga ito.




Kung tayo lamang ay binibigyan ng atensyon, tinatrato na may respeto ng mga namumuno, binibigyan ng transparency sa mga insentibo at promotion at inaalagaan na makamit ang ating mga inaasam na professional advancement, mas magiging makabuluhan ang ating panunungkulan sa DepEd, magkakaroon ng kaliwanagan ang mga guro na pinagtataguan ng impormasyon sa kanilang mga karapatan. Di na kailangang mangalampag dahil alam natin na ang mga leader natin mismo ang syang mag aaangat sa atin. Kung ganito lamang sana, walang taong magtuturing sa atin na ambisyoso, hampaslupa at timawa!

Leave a Reply

Scroll to Top