KaGuro anong klaseng COC character ka?




Anong TH ka na? ako Trying Hard talaga. Iniisip ko ano kung anong meron talaga sa larong ‘to kung bakit naaadik ang mga istudyante kong laging walang assignment. Kitang-kita sa kanilang mga langong mata ang puyat habang nagluluto ng pangwar( padonate naman oh!!!). Naisip ko din na ‘yung mga character ng COC parang may mga hawig sa’ting mga guro parang nananadya e. Salaminin mo nga kung anong klaseng COC character ka… pero kung wala ka pa sa listahan malamang kailangan ko pang iupgrade ang TH ko para maunlock kita…

Imulat na ang mga mata!

BARBARIAN

Barbarian Clash of Clans




Gurong astig! Ang tindi ng atake sa mga lesson! Attack ng attack pero minsan dapat hinay-hinay dahil minsan hindi na MAKASUNOD ang mga istudyante/ sila rin ang mga gurong laging handa sa mga observation.

BARBARIAN KING

Barbarian_King_info




mas pinaastig na guro, sila ang takbuhan ng mga bagong sabak na guro… tatay na master teacher!

ARCHER

Archer_info

ang LAYO ng pag-atake sa lesson, pero sa huli nagegets pa rin naman ng mga istudyante/ minsan long range din ang kalooban niya sa iba niyang mga kapwa guro (loner) dahil sa sobrang layo niya, sobrang layo. Mahilig mag-patama!




ARCHER QUEEN

Archer_Queen_info

mas pinaastig na Mam.. mommy… mas magaling magpatama sa mga maling nakikita sa eskwelahan! Salute!

GOLEM

KaGuro anong klaseng COC character ka?

Matabang guro este Bato, Manhid! Malaki! Mataba! Matibay na guro sa lahat ng pagsubok na dumadating, huwag gagalitin dahil nagiging DALAWA ang pagkatao niya.

PEKKA

P.E.K.K.A_info

hindi mo alam kung ano talaga! O sino talaga siya! Minsan hindi mo din alam ang ginagawa! Hindi pa talaga confirmed (pak! Ganern!)

GIANT

Giant_info

akala mo ang bait-bait pero malupit! Hindi naman plastic… Mabagal gumalaw pero kapag may humarang handa niyang pabagsakin!

GOBLIN

Goblin_info

gagawin ang lahat para makuha lamang ang inaasam, ehem! sa positive side gagawin ang lahat para matuto lamang ang mga istudyante (NAKS!)

WALL BREAKER

Wall_Breaker_info

gagawin ang lahat makapanira lamang, period.

BALOON

Balloon_info

mahilig manira ng mas mababa sa kanya, coteacher ni WALL BREAKER.

WIZARD

Wizard_info

mahiwaga ang pagkatao…minsan hindi mo magets pero kapag nagsalita ang sakit bumawas ng pagkatao, sila ‘yung mga prankang guro.

HEALER

Healer_info

masayahin! Mapagmahal! Mahilig sa mga HUGOT! siya yung tipong marunong magheal ng sakit at magaling magbigay ng advice sa kapwa guro pero sarili niya hindi niya nahiheal. (BURN)

DRAGON

Dragon_info

Hindi mapakali kapag may bisita, liko dito liko doon..nerbyoso! hindi mo makontrol! Nasa harap na ang bisita hindi pa alam sabay liko! Pero mas malupit dahil siya ang pinakaterror! umuusok kasi ang ilong!!! nyahahaha

MINIONMinion_info

 

mga cute na teacher.. 4’10 – 4’11 ang height, “fragile in our world” madaling masaktan at pikon sa mga jokes ni coteacher.

HOG RIDER

Hog_Rider_info

mahilig makisakay! mahilig tumalon! Sumasabay lang sa biyahe ng buhay! mahilig lampasan ang iba pero ‘yun lang ang trip niya wala siyang sinasagasaang tao, olryyt! Maging HOG Rider ka na lang uy!

VALKYRIE

Valkyrie_info

mga gurong amazona! Unang kita mo pa lang nakakatakot na… nawili sa pakikidigma sa loob ng classroom! kaya minsan tumatandang dalaga!!! hihihi

WITCH

Witch_info

mahilig mangkulam! (JOKE lang! hihihi)“never fights alone…” hindi siya nalaban ng mag-isa naglalabas ng alagad ‘yung iba sa kasamaan ginagawa ang galing nila sa pakikisama.

LAVA HOUND

Lava_Hound_info

Makunat na guro! Kaya ang daming naiipon! Kacoteacher ni Golem! Medyo NAKAKAANGAT sa buhay.

BOWLER

0019_TheBowler

bowlero! Magaling kumuha ng kalooban ng mga istudyante! At disciplinarian na guro! Isang saway lang sa mga istudyante nasasaway niya kaagad dahil kung hindi pagugulungin niya! (walang punch line, hihihi)

MINER

Miner_info

gagawa at gagawa ng butas para lamang makapanira ng kapwa… ayaw ng kaligayahan! masungit! mabilis mag-init ng ulo! Kaya samu’t sari ang bansag sa kanya ng mga istudyante! Nyahahaha


Inaamin kong hindi ako adik sa larong COC (pramis!) adik lang ako sa pagtuturo ng tama! At pagbibigay ng inspirasyon sa mga istudyante ‘yun lang naman di’ba?. Panghuli mga kaguro… isipin mo ha! kung maayos lang ang ating pag-attack sa mga magagandang bagay hindi lamang sa mundo ng pagtuturo, marami tayong MALULOOT na success at katuparan ng mga pangarap ng mga bata! (yakaaaap!) ATM: Level Up TH!

Hindi ako adik! Pero wait Giyera na!

Attack pa more!!!

Jhucel A. del Rosario
6/25/2016

READ: SINGLE PA RIN SI TEACHER

Photo Courtesy: Supercell

4 thoughts on “KaGuro anong klaseng COC character ka?”

  1. Ma. Arem Christine A. Jamero

    Hi sir Hahaha! natuwa ako sa article mo , nakakarelate kc ako, (na-adik ako sa COC kasi noong kolehiyo pa) ngayong guro na paminsan minsan na lang ako naglalaro! Siguro ako si Minion, HAHHA!

  2. Jenette Saburao

    Can this be post in my room, ok lng kaya? Astig din to khit diko kilala charactet sa COC, nkita ko sarili ko sa description, goblin ako, math teacher din poko. Thanks to sir jhucel

Leave a Reply

Are you taking the 2021 Principals’ Test/NQESH? Let’s put your name on the list of passers! Allow us to help you through TeacherPH.ENROLL NOW!
+
Scroll to Top