LET March 2015 Experience

10

Hello, everyone! Malapit na po ulit ang exam. Are you now ready? You know, I truly understand what you feel right now. Ganyan din ako nun. Let me share with you my experience when I took the LET last March 29.

Sa totoo lang, natatakot ako nun. Yes po, natatakot ako kasi self-review lang ang ginawa ko. Unlike sa mga kasama ko sa trabaho, nag-enroll talaga sila sa mga review centers. Gusto ko rin sana mag-enroll nun kasama sila pero every Sunday ang class. Ayaw ko naman na masacrifice ang pag-aattend ko sa church at ministry ko dahil dun. Nilabanan ko po ang takot ko dahil naniniwala ako na we can do all things through Christ!

May mga time na tinatanong ko na lang mga kasama ko kung ano mga nirereview nila. Nanghihiram ako ng mga notes nila at aaralin kong mag-isa. Minsan, gusto ko na sumuko kasi tinitignan ko pa lang mga librong dapat kong basahin e sumasakit na ulo ko. Pero go pa din! Iniisip ko na lang na lahat ng ginagawa ko may kahihinatnan. Kapag dumarating yung time na nahihirapan na ako o napapagod sa kakareview, tinitigilan ko muna. Ang gagawin ko nun, magkukulong ako sa kwarto, luluhod ako sa Diyos at magwoworship. Paulit-ulit kong aawitin ang “I love You, Lord. And I lift my voice to worship You. Oh, my soul, rejoice! Take joy my King in what You hear. Let it be a sweet, sweet sound in Your ear.”

Ang sarap sa pakiramdam na kapag nahihirapan ka na, may mapupuntahan ka, at yun ay ang ating Diyos. Let us all remember po that worshipping God won’t benefit Him, but it will actually benefit us. Gift po sa atin ni Lord yun.

Dumating po ang day ng pagtetake ng exam. Kabadong-kabado po ako. Nanginginig mga kamay ko at pinapawisan ng malamig. Nang mag-start na kami, nanalangin akong muli. Tandang-tanda ko pa mga sinabi ko sa Kanya “Lord, let Your will be done. If I won’t pass this, I will still praise and love you. But if I’ll pass this, let all glory be Yours!” Then, bigla na lang tumulo luha ko at naging kalmado na.

Nagsimula na akong sumagot, GenEd ang nauna. Hindi ako nagmadali. Hinayaan ko na ang bawat minuto ay magamit ko ng tama. May mga agad-agad na nagpass ng kanilang answer sheet, pero pinilit kong hindi mabahala. Hanggang sa tapos na ang lahat, at ako na lang ang natitira. May 5 minutes pa, pero tapos na ako. Ginamit ko ang 5 minutes na yun para icheck ang mga sagot ko. Paalala: hanggat maaari ‘wag na ‘wag magbubura.” Natapos ko ang GenEd. Aaminin ko, nahirapan ako. Pero ewan ko ba’t naging kalmado lang ako.

Pangalawang exam, sa ProfEd. Eto ang pinaka-nahihirapan ako, kaya medyo kinakabahan muli ako. Nang magsimula na kami, sa kaba ko ay napapa-ihi ako. Nagtaas ako ng kamay at nagtanong sa proctor namin kung pwedeng magbanyo saglit para umihi. At ang sabi niya’y hindi na pwede at nagsisimula na. Bigla akong nawala sa concentration. Sa sobrang gusto ko ng maka-ihi, minadali ko na ang exam. (Naiimagine mo ba ang hirap na nararanasan ko? Hehehe) Binasa ko na lang ang bawat tanong nang mabilisan. At sa exam na ‘yon, ako ang unang-unang natapos, dahil lang sa kagustuhan kong umihi. Paalala: gawin na ang dapat gawin bago magtake ng exam.

After nun, e bigla na akong nalungkot. Ang sakit ng loob ko sa sarili ko dahil sa nangyari. Inisip ko na wala na, bagsak na ako. Napapaluha na naman ako. Naisip kong bigla ang pamilya ko. Na sila ang dahilan bakit ako nagsusumikap na mapasa ko ‘to. Tinawagan ko ang aking kuya. Unang ring pa lang, sinagot na agad ng kuya ko. Agad niyang kinumusta ang exam ko. Hindi ko masabi-sabi sa kanya ang totoo kong nararamdaman. Kaya ang sinabi ko na lang “kuya, ipagpray niyo ako, please.”

May isang exam pa, ang major ko. At sinigurado kong naka-ihi na ako. Habang papasok muli ako sa room namin, bigla na lamang pumasok sa isip ko ang “trust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding.” Huminga ako ng malalim at sinabi ko na “Hoooh! I trust You, Lord” na narinig pa ng nasa harap ko at napangiti siya.

Nang itake ko na ang major ko, napangiti ako kasi halos lahat ay alam ko. Basta ang alam ko lang e hindi ako nahirapan. Kaya nabuhayan muli ako ng loob. Tandaan: walang imposible sa ating Diyos.

At yun nga’y natapos na ang exam. Pinilit kong hindi na isipin ang exam at pinilit kong pinayapa ang isip ko. Habang naglalakad ako papunta sa sakayan pauwi, naisip ko na pag-uwi ko, yayakapin ko si papa at mama, pati mga kapatid ko. Dahil naisip ko, sa bandang huli, pumasa ka man o hindi, nanjan pa din sila para suportahan ako.

May 23, 2015. Lumabas na ang resulta…Yes!!!

All glory to the only wise God!!

After reading my story po, I want you to listen to this song. Let this song be our prayer. May God richly bless us. Thank you so much po.

2016 LET Reviewer for Android Released

Get it on Google Play

Leave A Reply

Your email address will not be published.

10 Comments
  1. Jen says

    Thank u po kabado din po ako il be taking march 26

  2. Nelson C. Macabocsit says

    Praise God for that testimony. God works in mysterious ways ika nga. I cant help but to fall in love with Jesus more. I’ll be taking the LET this sunday, Sept 27th. Five days before the board exams and here I am, feeling kabado. Self review din lang ako. Binalak kong mag review pero walang pan review. I ended up working, a month after my graduation. Working at the same time reviewing, mahirap siya.. Im not sure, kung anung kalalabasan. But one thing is sure, God is there to intervene and provide all the knowledge and wisdom that we need on that big day.. Bro, include us in your prayers…Sa kapwa kung mag take ng LET this 27th,,, panghawakan lang po natin to….
    1 Peter 2: 6
    ” Look! I lay a stone in Zion,
    a choosen and valuable cornerstone
    and the one who believes in Him
    will never be put to shame..”

  3. Luisa Arellano says

    Brother in Christ, Thank you for your inspiring message.. as of now self review nlng ako, nakaattend lan kasi ako ng review center during my school days, and nahirapan pa nga dn ako nun kc sat. and Sun ang pasok, bale saturday lng ako pumapasok kci ayoko dn pabayaan ang ministry ko..inisip ko na si Lord nlng bhala khit di mn ako mkareview ng maayos and ’til now wla tlga ako maayos na review, and bilang nlng ang tulog ..this Sept 27, 2015 dn exam ko, cnsbi ko sa srili ko na i do not need to prepare for that Big Day, instead, I must prepare spiritually. Please do include me in your prayer. Thank you so much. You are always Blessed! 🙂

  4. Jessie Wamar says

    Wow,what an amazing faith. I’m still studying and sa ngayun pa lang kapag naiisip ko ang LET exam, mukhang kinakabahan ako. God has always a good plan to us basta’t hindi lang natin siya kakalimutan. Nakakainspired ka, talagang ‘yung ministry mo at si God ang inuna mo. Bilib talaga ako sa’yo, isa kang Totoong Kristiyano and I want to have a faith like you have. “Yung uunahin talaga si GOD kahit alam mong maiinsantabi mo ‘yung mga worldly disires and wants.. GOD BLESS 🙂

  5. mbacs says

    Thank you for your testimony. Your message inspire me. Indeed God is so good. I’m going to take the LET also this coming Sept. 27, 2015 and same with you, I did not enroll with review classes due to schedule conflict, I have work till Saturday and church day on Sunday.
    Please include me also to your prayer. Thank you and God Bless! To God be all the glory. With God all things are possible. 🙂

  6. Valeriano Mendoza Llagas says

    Thank you sa paginspire sa mga tulad namin,, Kukuha na din ako sa September 7, pasama namn sa pray mo 🙂 Godbless

  7. Katherine Tagalog Saraos says

    Thanks for inspiring me. Please include me in your prayers.I will also take the LET Examination on September 27, 2015. Thank you, and God bless you. Lord, your Will be done.

  8. Bea says

    Please do include me to your prayers. I will also take the LET on September 27, 2015. Thank you, and God bless you.

  9. Dodi Dela Rosa says

    Indeed inspirational. A self-reviewee turned out to be a licensed professional. It is a week before the exams now and somehow I feel that I’m still in need of that missing piece. Well as much as I can, I prepared, I reviewed, I even enrolled at a review center. All my fears and anxieties are lifted up to HIM. Pray for us LETers for this September 27, 2015 Board Licensure Examination for Professional Teachers. Thanks for this blog! All praise and glory in HIS name. AMEN!