Home » Buhay Guro » Paano gumawa ng SMART objectives para sa iyong lessons

Paano gumawa ng SMART objectives para sa iyong lessons




Katuwaan lang po, wag masyado seryosohin.

Ang pinaka-una at pinakamahalagang step sa paggawa ng magandang lesson ay ang pagtukoy at paglikha ng mga objectives mo. Lubos na makatutulong ang abbreviation na SMART sa paglikha nito. Ang kahulugan ng SMART ang ating isa-isahin sa ngayon sapagkat hindi naman natin kayang isa-isahin ang mga kalokohang pinag gagagawa mong letsugas ka.

S for Specific.

Hindi malawak o general objectives ang dapat gamitin sapagkat magiging malabo ito. Alam mo dapat kung ano ang specific na gusto mong patunguhan o gawin. iwasan mo yang pagiging malabo mong kausap. Kung wala ka naman talagang balak gawin, wag mo na isama sa objectives. Paasa ka eh.




M for Measurable.

Nararapat lang na kayang sukatin ang progress ng mga estudyante sa iyong objective. Makatutulong ang sumusunod na tanong sa paglikha ng measurable na objective:

  • Masusukat ba sa objective mo kung gaano kalaki ang natutunan ng mga estudyante?
  • Masusukat ba kung may improvement sila sa skills o knowledge?
  • Eh yang kalandian mo nasukat mo ba?
  • Yang dami ng lalaki mo, nabibilang mo pa?
  • Ilang calculator ang kailangan mo para magcompute nito?

Ang mga Indicators ay dapat quantifiable.




A for Achievable.

Kung lilikha ka ng objectives ng lesson, dapat ito ay hindi extreme na nagdudulot ng labis na frustration at hindi rin masyadong mababa sa level ng mga estudyante na nakakaboring. Tandaan mo. Hindi dapat FRUSTRATING AT BORING! Ganyan na ganyan ka eh! Sa umpisa ka lang magaling!

R or Realistic/Relevant.

Isampal mo sa bunganga mong mahilig mangako ng walang kabuluhan at di makatotohanan. Wag kang magbibigay ng objective na hindi naman kayang gawin sa lessons mo. Dapat din relevant. May saysay. May kabuluhan. Wag puro salita! Wag puro pangakong napapako! Ikaw kaya ang ipako ko? Mag effort ka naman Huy!

T for Time bound.

Time management ang kinakailangan sa pagtupad ng mga objectives mo. Magaling ka dyan. Nagawa mo ngang pagsabayin mga lalaki mo eh. Importante na ang goal ay magagawa sa isang panahon o time frame. Wag mong sayangin ang panahon ng ibang tao dahil dyan sa mga kalokohan mo. Bukod pa doon, Ang commitment sa isang deadline ay makatutulong sa mag-aaral na magfocus ng kanilang efforts sa ikagaganda ng gawain. Syempre hindi mo alam yung word na commitment at effort. GMG!




Hindi rin magiging problema ang dami ng iyong goals sa lesson na kasing dami ng harot hormones mo sa katawan dahil makakatulong ang parte na ito ng SMART para maisakatuparan silang lahat depende sa iyong priority. At wag mong sabihin na priority mo ang isang bagay kung iba iba naman yang pinagkakaabalahan mo. Di mo ba alam yung priority?

Buti pa yung Objective, SMART.

Ikaw?

Author: Alvin Calora

3 thoughts on “Paano gumawa ng SMART objectives para sa iyong lessons”

  1. Rumaragasang Putik

    hahaha! ang sarap mong tumarantado ah hahaha! sarap basahin..ulit-ulitin..ganun hehe! nice idea..!u gave a great message..huy mga ungas..magsitigil sa kaharotan..unahin ang SMART hehehe!

Leave a Reply

Scroll to Top