Home » Buhay Guro » Oras de Peligro

Oras de Peligro

“Natutulog, natutulog si Baldo! Si Baldo! atin siyang gisingin! Atin siyang gisingin! Ding dong ding… ding dong ding”

-Grade VI- Buhawi

Kakatapos lang ng tanghalian, mukhang nabusog ako sa pinagsaluhan naming  mga guro na laing at porkchop. Napahapit talaga ang kain namin, kaya naman dahan-dahan akong naglakad pabalik sa room.

Mukhang inaantok ako.  Sampung minuto na lang pm session na. Tumayo-tayo na lang ako para malabanan ang antok na hinehele ako sa pag-ub-ob at makagawa ulit ng power nap. Pero wala akong magagawa kundi ang labanan ang sumpang ito na syang itinatama pa sa pinakaastig na Subject na gustong-GUSTO ng mga bata, Ang Matematika. Hindi ko alam kung bakit dito nailagay sa oras na ito ang Subject na ito, oras kung saan, amoy pawis ang mga bata dahil sa pagsingit ng paglalaro sa ilalim na tirik na araw ng patintero o habulan at syempre oras kung kailan hinihila ng busog na bituka ang kanilang utak sa paghimbing, at utak sa pilik-mata para sa tuluyan nitong pumikit.

Strategy. ‘yan tayo eh, kailangan labanan ang sumpa.

Paano ko kaya papaikutin ang diwa ng mga bata sa oras na ‘to? Sabi nga nila effective kang guro kung walang naghihikab na istudyante sa oras na ‘to pero ang totoo naman ay ginawa mo nang batas ang BAWAL  ANG MAGHIKAB sa room.  Sige simulan natin ha. Ito ang mga ilan.

AWITIN. Pakantahin sila ng tinuro mong pampagoodvibes na mga kanta/awitin sa MSEP. Given na syempre ang Lubi-lubi, Leron-leron Sinta, Si Felemon, at ang walang kamatayang O, Kay liit ng Mundo. Huwag kunsintihin na puro Thinking Out Loud na lang ang kanilang inaawit, nakakaantok din ito, basta ang teknik kapag nakita mong medyo palakas na ng palakas ang kanilang pag-awit, nakow handa na sila sa isang malupit na discussion.

SAYAW. Kapatid ito ng pag-awit. Mas masaya kung patayuin mo na sila habang ikaw naman ang parang si Kuya Bodyi na kanilang pinaggagayahan ng Steps. Mas Bigay na bigay mas okay, hindi uso ang salitang Awkwardd sa mga ganitong sitwasyon, pero kung ayaw mong mag-amoy pawis ka kaagad, maaaring gumamit ng projector at magdownload ng mga Zumba-zumbahan, mas party ang tugtog mas masaya, at ang pinakamahalaga nakapag-PE ka na, wala pang aantukin sa gaslaw ng Zumba.

ANGRY MODE.  Magkunwaring galit kahit paminsan-minsan, Huwag ngumiti. Kunwari bad trip ka. Hayaang magtaka ang bata kung bakit, sa pag-iisip nila hindi sila aantukin o makakatulog, iisipin nila na baka may Surprise Quiz ka o di naman kaya’y may pamatay pusong Graded Recitation. Ang teknik pagpasok pa lang ng mga bata pag-untugin na kaagad ang kilay, pataray effect, pagalitan sila sa hindi nila kasalanan. Hal. “Bakit hindi kayo nagpulot ng kalat sa harap ng Grade I?(kahit Grade VI sila)” o kaya naman “Bakit hindi masarap ang Nabili kong Ulam dyan sa kanto??? Mas kakaiba ang galit, mas epektibo.  Kaya lang hindi nga sila aaantukin, magkakaroon naman sila ng sakit sa puso(kaya ‘wag na lang, nyihihihi)

ENERGIZER. Mag-assign ng mga kwelang bata, mula sa kanilang kwelang grupo para magbigay ng kwelang presentasyon. Maaaring gumaya ng mga Commercials, Umarte, o dipende sa kung anong gusto nilang gawin,ang twist dito basta entertaining sa audience mas maganda. Ang side effect lang po nito,maaaring maubos ang oras mo para sa remedial teaching, pero ok lang, dahil sa Buhay na buhay naman sila at aktibong –aktibo dahil sa inspirasyong binigay sa kanila ng nakatokang kwelang grupo, wala ka na ring ireremedial.

BANAT. Banatan ang mga bata. Mali ang nasa isip mong banat. Ito ay tumutukoy sa pagbanat kahit pasundot-sundot lang ng mga pangmalakasang Jokes mo o Banat na nakukuha mo sa Radyo, TV, Dyaryo o sa mga nabibiling Joke Books. Minsan nga tayo pa lang JOKE NA EH, nyihihihi. Mas masaya kasing magturo kung ang lahat ng mga istudyante masaya lang, nakakatawa kahit mahirap ang subject.  Example,( kahit Corny):

“Oh, Ayan mga bata nabuhayan ang ating mga dugo sa ZUMBA, alam nyo ba ang tawag kapag sa Gabi ito ginawa??

“hindi po….”

“Zumbang Gabi mga bata! Zumbang Gabi! Nyahahahah” ang teknik, unahan mo na silang tawanan, baka hindi sila matawa sa banat mo, masaktan ka lang,

Another corny example:

“Wow! Ang galing naman ni Carmen! PumeFirst Honor, pero Class alam nyo ba ang tawag sa Matalinong ISDA?”

“hindi poooooooo!!!

“Fish HONOR mga bata! Fish HONOR! Nyahahahahaha” sabi ko nga nung una… unahan mo na sila ng pagtawa at least ikaw napatawa mo ang sarili mo . (last mo na ‘yan Sir ha)

Ewan ko lang po talaga kung epektib ‘tong mga pormulang ito sa inyo, pero sa akin… okay naman.(EHEM). Nagkaroon kasi ng salitang antok para sa salitang PAGTULOG, hindi mapipigilan kapag nandyan na, kaya nasa sa atin na kung anung mga pambobolang katotohanan at strategies ang iaapply natin para sa oras na ‘to, at maging ACTIVE pa rin ang mga bata kahit malamya na ang kanilang mga mata.

(KAINGAYAN…)

Teka… kumakanta sila…

“Natutulog, natutulog si Baldo! Si Baldo! atin siyang gisingin! Atin siyang gisingin! Ding dong ding… ding dong ding” masayang kumakanta ang mga bata, may kalampag pa sa desk.

Habang kumakanta sila nakita ko sa sulok ang batang si Baldo, nakaub-ob pakaliwa, parang nasa America na ang kanyang Diwa.  Papalapit na ang pagtulo ng likido sa kanyang bibig hanggang sa naalimpungatan dahil sa kantang pang-asar sa kanya ng kanyang mga kaklase(tsk tsk tsk)very effective talaga ‘yung kantang ‘yon, hindi ko alam kung bakit, pero  sa ngayon kailangan ko na ulit ‘tong gawin.(astiiggg)

Jhucel Atienza del Rosario

He is the happiness ambassador of teacherPH, elementary teacher, creator of FaceBook Page: Ang Masayahing Guro, Artist @ GuhitPinas, Musikero kuno, komedyante sa gabi, adik sa kape... mangingibig. Follow him on Facebook.

Leave a Comment

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.