Home » Buhay Guro » Anung Meron sa Ilalim ang kumakatok?

Anung Meron sa Ilalim ang kumakatok?

Mag-aalasais na ng araw na iyon at syempre wala ng bata, lahat nakauwi na bukod sa amin nila Sir Vincent, Mam Lucy at ni Mam Artes. May pinagawa kasi si Madaam sa amin , so kami na lang ang naiwan sa office. Dati ‘yang office na ‘yan wala pa yang CR na ‘yan sa bandang kanan, so hanggang dito lang ‘yan(sabay turo ni Mam Recy sa dating lugar), at ang CR dyan sa kaliwa, ‘yan! Dyan Mismo (sabay turo sa kaliwang lugar kung saan nandun ang File Cabinet ilang hakbang lang mula sa mesa namin).

Ewan ko ba kung bakit ako nakaramdam ng lamig, pero siguro dahil “Ber” Month na nun, so iniwan ko muna sa mga kasama ko yung dala kong bag habang sila naman ay naghahanda na rin sa pag-uwi.

“Wait lang, hintayin nyo ako! Huwag nyo kong iiwanan!” sabi ko nun.

“Paano ka namin iiwan nasa bag mo ang Susi nitong Office!” sabi ni Mam Lucy habang nakataas ang kanang kilay.

“Ay, oo nga anu!” yun ang huling sagot ko sa kanila bago ako pumasok sa Dating CR.

Nang makapasok na ako ay dali-dali kong hinubad yung alam nyo na at nakaswak kaagad sa upuan ng Toilet Bowl, ihing-ihi na talaga ako nun.

“UY! Anu ba ‘yan Madam reChi, parang nagkucooking ka ng pritong galungong!” sabi sa akin ni Sir Vincent, rinig ko pa yun mula sa loob, pero ewan ko ba kung pasigaw yun dahil parang bulong lang sa loob ng banyo.

Mas malamig ang pakiramdam sa loob ng banyo. Mas malamig kaysa sa labas. Ang ginaw. Kinikilig ako.

Tapos maya-maya ayun na…

Tugh! Tugh! Tugh! May kumakatok???

“uy sino ba yan lalabas na din ako saglit lang” walang sumasagot mula sa labas, inisip ko na baka iniwan na nila ako at baka ginugudtaym lang.

Tugh! Tugh! Tugh! May kumakatok!!!??? OO!! May kumakatok pero hindi pala galing sa labas!! Kundi galing sa IBABA, sa ibaba ng sahig ng banyo, sa ibaba ng tiles.

Tugh! Tugh! Tugh! Palakas pa ng palakas, habang ang katok ay may kasama ng mga  garargal na bulong na parang iyak na humihingi ng tulong.

Hindi ko na tinapos ang pag-ihi ko kahit parang may pahabol pa, ramdam ko kasi ang pag-angat at pag-uga mula sa ilalim ng taking at swelas ng dala kong pangsapin sa paa. Parang mababasag na yung flooring (tugh  tugh tugh!!!)

Dali-dali kong binuksan ang pinto ngunit hindi ko mabuksan parang may pumipigil mula sa loob. Lumalamig na din ang balikat ko, parang may nakatingin na sa salamin kaya nakapikit na lang ako at nagtataasan  na din ang mahaba kong buhok hindi dahil sa kinikilabutan ako ngunit ramdam ko na may humahawak na nito.

TULONG!! TULONG!! TULONG!!! Wala paring sumasagot mula sa labas. Hinahampas ko na ang pintuan pero wala paring magbukas.

Minulat ko na ang mata ko pero wala na akong Makita kundi kulay pula, hanggang sa nagdilim ang paligid at wala na akong maalala.

Paggising ko’y nasa paligid ko na sila, silang mga co-teacher ko, lubos akong nagpasalamat sa Taas nun dahil walang nangyaring masama sa akin.

“mam, anung nangyari! Ang tahi-tahimik mo sa loob kalahating oras ka ng nasa loob at hindi ka sumasagot sa mga sigaw namin! Nakalock pa kaya, sinira na namin ang pinto! Anu po ba talaga ang nangyari.. tanong ni Mam Artes.

“Ahhhhhm, nahilo lang ako” yan lang ang sinagot ko sa kanila at baka kapag kinuwento ko kaagad ay magtakbuhan sila’t iwanan pa ako.

Agad din naming nilisan ang office, kahit nagtataka sila na bumibilis ang mga kilos ko. Kinalaunan kinuwento ko na din sa mga kasama ko ang tunay na nanyare, at simula noon ay hindi na kami nakikiCR sa banyo sa Office.

Jhucel Atienza del Rosario

He is the happiness ambassador of teacherPH, elementary teacher, creator of FaceBook Page: Ang Masayahing Guro, Artist @ GuhitPinas, Musikero kuno, komedyante sa gabi, adik sa kape... mangingibig. Follow him on Facebook.

Leave a Comment

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.