“Single? Don’t worry cotitser! Maging masaya tayo, dahil okay nang maging Single kaysa nasa maling relasyon”
Ayon sa nabasa ko sa isang site, maituturing na daw na disability ang pagiging single o mga walang girlfriend at boyfriend, ouch! kung totoo man napakasakit namang tanggapin dahil ang tanging dahilan mo lamang ay… “Okay lang na maging SINGLE, basta wala sa maling realsyon”. Ayon naman sa isa kong propesor nung kolehiyo may certain part daw ng ating DNA na nagdidigta kung tayo ba talaga ay magkakaroon ng katuwang sa buhay o nakatadhana talaga ang isa na maging forever alone dahil ‘yun ang nananalaytay sa DNA nya, wala siyang ka M.U. kung baga (ewan ko kung inimbento lang nya ‘to pero nga pala! single rin si prof.)
Ehem. Dagdagan ko na po… Sa ating propesyon marami akong kaibigan na laging bulyaw sa akin ay, “Oy! May GF ka na?” Oy! Kailan ka mag-aasawa” ganon din sila sa iba ko pang cotitser na Single pa rin hanggang ngayon, Mga Bully! Pero mga cotitser… Magkapit-kapit kamay lang tayo at manalangin na dadating din si Mr. Right na maglalagay ng icing sa cupcake nyo at si Ms. Right na kukumpleto sa tamis ng buhay nyo. Kaya ito na ulit ako upang ihatid sa ‘yo ang isang ngiting makakapag-isip ka dahil sa bawat takbo ng buhay ay mas maganda pa ring tingnan natin ang mga positibong parte nito (pero minsan may sumisingit pa ring lungkot kahit kurot lang sa bawat tagpo)
Maging handa na kayo! DAHIL kapag SINGLE Titser ka…
Table of Contents
Ayos ka lang talaga magpagabi sa school…(wala namang yayakap sa ‘yo pag-uwi)
Tuwang-tuwa sa ‘yo ang school head mo at ang mga cotitser mo dahil join force kayo sa mga report na ipapasa na pala bukas, dito mo nasusukat ang kahalagahan ng oras nagiging masaya ka na sa mga kaibigang nakapaligid sa’yo TAG TEAM kayo… at dahil dito tapos ang mga paper works ng school (astiiiig) pero ang malungkot naman minsan nauubusan ka na ng kanin sa inyo, isipin mo ‘yun kahit kapamilya mo hindi ka titirhan ng kanin o kaya ulam, ang sakit… ihihiga mo na lang ang gutom at yayakapin ang unan.
Mas tipid dahil puro budget meal ang inoorder mo… (Wala ka nga lang kausap)
Mas mataba daw ang mga nasa relasyon, sabagay tama naman dahil may mga nagpapataba sa kanila kaso nga lang magastos… Kung single titser ka bukod sa Feeding, paglabas mo at nagutom ka matitipid mo ang sweldo mo dahil budget meal lang ang inoorder mo… ‘yung nga lang wala kang kahuntahan, nakatingin ka lang sa bintana tapos pinagmamasdan ang mga sasakyang maihahawig mo sa status mo.. (tuloy-tuloy sa una pero sa huli hihinto pa rin) Paalala: iwasan muna o minsan lang kumain sa isang fastfood chain at kung di na mapigilan huwag na huwag oorder ng Spicy chicken with extra Rice at pineapple juice… sa huli mafefriendzone ka lang cotitser! ‘Wag na ‘wag!
Maaga ka lagi Nakakapasok (Wala ka kasing kaChat o katext)
Yung tipong nauuna ka pa sa utility o helper nyo sa canteen… ang aga-aga mong pumasok dahil wala kang kausap tuwing malamig ang gabi, minsan kung meron ang mga cotitser mo sa iba’t ibang Group sa FB para makahiram ng ready made na DLL o materials sa lesson mo. Okay lang ‘yan Mam/Sir maaga ka naman. nyahahaha
Nasasanay ka na sa mga green jokes ng mga co-titser mo. (Mas malakas pa nga ang tawa mo sa kanila)
Minsan sa tuwing break nyo ng mga cotitser mo dito lumalabas ang mga kwentuhang nakatatanggal ng stress, mga banat nila sir at mam na sumusuporta upang mawala ang mga stress sa maghapon, pero minsan aminin natin na may rated SPG na banat pero sa tagal mo nang pagtambay sa status mo nasasanay ka na at mas natatawa ka na kaysa sa mismong bumitaw ng banat. (slow clap)
Sarap gumala lagi kang nakatravel GOALS (wala nga lang umaalalay sa’yo)
Sa magulang ka lang nagpapaalam, walang ibang magagalit sa mga biglaang lakad, enjoy na enjoy mo lang ang ganda ng buhay YOLO! Lagi kang nakahushtag #YOLO! Gala dito… gala doon… wlang katapusang Road trip!vPero aminin mo cotitser mas masarap pa ring maglakbay kung kasama mo ang magiging destinasyon ng puso mo! (Slow clap ulit)
Nirereto ka na kung kani-kanino, mas excited pa sila (Kahit sa di mo pa nakikita)
Taas ang kamay ng mga gurong suportado ng kanilang mga cotitser pagdating sa kanilang mga love life, ‘yung tipong inip na inip na sila at parang may ipamamana silang lupain sa’yo at sila ang mga tunay mong magulang dahil nais pa nilang masilayan ang kanilang mga apo. Ito ang eksena, “Uy may ipapakilala ako sa’yo si…” Mam/Sir may papaadd ako sa’yo sa facebook, mabait ‘yun”, ‘cher may gustong makipagkilala sa’yo, ito no. oh” yaaaannnnnn! yan tayo eh, tapos sa dami nang pinakilala sa’yo sa huli mahihirapan ka naman kung sino ang pipiliin at mamahalin mo, kaya sa huli SINGle ka pa rin! Mabuhay! Mabuhay ang mga single! Mabuhay!
Mas mayaman ang sahod mo sa kanila. (medyo wala ka pang loan)
Maliligaw ka pa sa mga bangko sa unang pagkakaton dahil ‘wala ka pang loan, masaya ka pang maibahagi sa’yong kapamilya ang parte ng ‘yong sahod at ‘yung tipong classroom mo na lang ang pinakakagastusan mo. Kung baga mabibili mo pa ang mga gusto mong bilhin kahit paisa-isa lang, kaso nag-iisa ka lang. ouch! Mahalaga nagmamahalan kayo ng ‘yong pamilya.
Puro HUGOT ka sa lesson ♡♡♡, sa Status sa FB at selfie mo lang lagi ang DP mo(mahalaga maganda at pogi ka sa filter mong pinili)
Minsan nagiging normal na lang na sa bawat lesson mo ay pumapag-ibig ka tapos ‘yung mga istudyante mo biglang magsasabi ng sabay-sabay.. “uuuuyyyyyyyyyyy si Mam/Sir oh, Hugot! Walang Forever Mam/Sir! Kakapanood mo sa mga koreanovela, mga love stories at kakapakinig sa radio ng mga malupit na buhay pag-ibig, ayun! Narerelate mo na sa pagtuturo, kung effective ituloy mo lang pero kung magiging dahilan lang ito ng ‘yong kalungkutan itigil mo na, masasaktan ka lang mam/sir, masasaktan ka lang.???? ???? ????
Just a minute of Silence then insert the song: … (‘wag ka ng Umiyak) “kung wala ka nang maintindihan kung wala ka nang makapitan,,, kapit ka sa akin… kumapit ka sa akin.. hindi kita bibitawan..” cotitser kapit lang! kung nakarelate ka man o hindi, mahalaga single ka pa rin ESTE ang mahalaga at lagi kong sinasabi ay MASAYA KA, masaya kang naghihintay at naghahanap ng tunay na pagmamahal, tunay na pagmamahal na yayakap sa’yo hanggang sa dulo, hanggang siya na naghihintay rin sa’yo ay maging panatag na ang puso.
Lingon-lingon sa tabi, madaming pag-ibig sa paligid cotitser. (yakap)
Ung tipong solo meal palage????taz makikita mo kabilang tables na may pamilya at magkasintahang kumakain????
Haha relate na relate naman ako sa author????????
Depende ,,,, pag time na ,vmy meant to be ka then , why not but if wala then enjoy lang pagigibg single mo .