Home » Buhay Guro » Mam Hulya S. Agot

Mam Hulya S. Agot

Mam Hulya S. Agot
(unang sulat na pull out)

Ayon mismo sa kanya mga sawi daw sa pag-ibig ang ipinanganak sa buwan ng Hulyo, pero swerte niya at pinanganak siya sa buwang ito. Subaybayan natin ang kanyang landas sa pag-ibig…

Sa SM…

Nagtanong si Mam Hulya sa saleslady…
Mam Hulya: “ matibay ba ito???” (itinuro ang isang bag)
Saleslady: “opo, mam ‘yan na po last stock, kasi po benta ng-benta po talaga, tsaka patok sa uso…
Mam Hulya: “magtatagal kaya ‘to sakin???, kasi yung BF ko humanap ng iba, pinagpalit ako eh” (nagulat ang sales lady) “tsaka bakit may natira pa?, para ba talaga ‘to sakin o last option ko na ‘to? Kasi SIYA… hindi pala ako ang huli!!!” hindi… hindi ‘to para sa akin siguro nawala na sa uso ang pagmamahal niya sa’kin.
(saleslady- unspoken)

Sa Bookstore…

Nagtanong si Mam Hulya sa saleslady… “meron ba kayong Glue?”
Saleslady: Mam ano pong glue yung clear po ba? Kasi po ‘yung white ‘yun ang mas madikit.
Mam Hulya: Kahit ano basta, kayang ipagdikit ang puso kong dinurog niya…pinaghiwa-hiwalay niya!
Mam Hulya: Tsaka isang box din ng chalk, ‘yung hindi maalikabok!
Saleslady: Mam bakit po may allergy po kayo?
Mam Hulya: oo eh, lalo na ang puso kong nagkaallergy na rin dahil sa mga pangako niyang naging alikabok na lamang sa hangin
Mam Hulya: samahan mo na rin ng marker ineng…
Saleslady: broad or fine po?
Mam Hulya: Im fine na… tanggap ko na wala na siya, kahit masakit ganun talaga , kaya ‘yung broad na lang…para magkaroon ng mas malawak na linya ang pagitan namin sa isa’t-isa.

Papunta sa palengke…

Sumakay si Mam sa Tricycle…
Mam Hulya: Manong sa palengke lang…
Manong Driver: Mam sa’n po tayo papasok? sa may talipapa po ba o sa tindahan ng mga damit, dalawa po kasi daan doon eh…
Mam Hulya: Doon ako manong sa may talipapa, bakit kasi nagkaroon pa ng dalawang daan diyan, sana lahat ng bagay iisa na lang ang daan para wala ng titingin sa iba…
(tumango lang si manong sabay sabi ng “You have the point Mam”)

Nasa talipapa na…

Mam Hulya: Manong, bayad oh…
Manong Driver: Mam wala ba kayong barya kinse lang po, laki-laki po ng pera nyo mam eh.
Mam Hulya: ah sorry manong, para ka rin palang SIYA, nagsosorry kahit malaki na ang natatanggap mula sa akin, sa bagay kailangan suklian ang lahat ng bagay, maliit man o malaki ang natanggap, pero siya ba may ibinalik, ako lang ang ewan na hindi nag-aantay ng kanyang maibabalik…
Manong Driver: Mam, kayo pa lang po talaga pasahero ko ngayon, Buena mano po kayo eh, kaya pakibilisan na po mam, mamaya na po ‘yan may nakita po kasi akong sasakay…
Mam Hulya: (nagbayad ng bente)oh., eto manong sa’yo na rin ang sukli, huwag mo ng ibalik ang sobra, kung Masaya ka Masaya na rin ako.

Sa Talipapa…

Tindera: Suki! Mam! Anong sa’yo?
Mam Hulya: ah bangus isang kilo, magsisigang ako…
Tindera: ah, eto suki sariwang-sariwa oh, malinaw pa sa tubig ang mga mata niyan…
Mam Hulya: Haha, kasinglinaw ba nyan ang katotohanan na talagang hindi na siya babalik?, o kasing linaw ng luha ko gabi-gabi?
Tindera: (natulala, tapos slow mong ibinababa ang hawak na isda sa timbangan)
Mam Hulya: Oh yang timbangan bang ‘yan walang daya? Naninigurado lang po, hindi kasi sa lahat ng pagkakataon kailagan tayong magtiwala…
Tindera: oo naman suki, promise na promise…
Mam Hulya: Wala bang tawad ‘yan?
Tindera: Sige, tawad ko na’tong siling pangsigang…
Mam Hulya: buti ka pa marunong magpatawad…
Tindera: Oy! Suki okay lang ‘yun may tubo na ko diyan…
Mam Hulya: Sa pagmamahal talaga may nalulugi may tumutubo, Paki doble naman ang supot para walang mahuhulog sa mga bitbit ko, masyado na kasing mabigat ‘tong mga dalahin ko eh, tapos dumagdag pa siya, kaya sige na…

Sa Classroom…

Time na ni Mam Hulya( MATH ang subject)
Mam Hulya: ‘nak pakibura naman ang sulat sa board…
Bata: mam lahat po pati po ‘yung kabila?
Mam Hulya: Oo, gusto ko ‘yung lahat mabubura ha, walang maiiwang sakit, walang maiiwang marka.

Discussion…

(Class what is the formula in getting the circumference of a circle?)
(-may sumagot, tama)
(May batang nagtaas ng kamay)
Bata: Mam ilan po ang sulok ng Circle?
Mam Hulya: ahm, walang sulok ang circle anak, may mga bagay na akala natin meron, pero wala talaga, sana lahat nasa circle, kasi wala itong sulok wala tayong maitatago, ikot lang tayo ng ikot, babalik at babalik tayo sa katotohanan .
(May batang sumigaw) Baldo: “Mam walang forever!”
Mam Hulya: Meron Anak… (Sabay turo sa Taas si Mam, tapos turo sa puso) pero dito wala, tama ka! Plus two ka sa recitation! Bigyan nga natin si Baldo ng Regine Clap!
Mga Bata: 1 2 3! 1 2 3! REGINE! Woooooooohhhhh

(Huli sa unang sulat)

p.s. Spread the love like liver spread.

Jhucel Atienza del Rosario

He is the happiness ambassador of teacherPH, elementary teacher, creator of FaceBook Page: Ang Masayahing Guro, Artist @ GuhitPinas, Musikero kuno, komedyante sa gabi, adik sa kape... mangingibig. Follow him on Facebook.

Leave a Comment

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.