Home » Buhay Guro » Payo para sa mga single na bumabyahe

Payo para sa mga single na bumabyahe

  1. Mahaba ang byahe.. Kasinghaba na rin ito ng paghihintay sa tunay na pag-ibig… Magdala ng ear phone o head set, magsound trip ka, maglibang (advice ko din na huwag love song ang ipalo sa playlist… Yung puro beat na lang sabay tango-tango okay na yan)
  2. Umupo sa tabi ng bintana… Bakit? Wala lang… Nakakaaliw tingnan ang tanawin sa labas, malas lang minsan dahil puro magkasintahan ang nakikita sa daan, inggit ka na naman. Swerte naman kung may umupong kastatus sa tabi (ninja moves na yan!)
  3. Maging mapagmatyag. Maging matanglawin, tingin-tingin din sa paligid. Baka nasa tabi-tabi mo na si Forever. Malas mo nga lang kung sya pala ay holdaper
  4. Ilagay ang bag sa harap at yakapin, bukod sa iwas sa laslas Bag gang, may kayakap ka ng kapiling
  5. Huwag uupo sa likod, nakakahilo… Nakakahilong inggit dahil tanaw mo dito ang mga matatamis na akbay, bulong, ngiti at kasweetan ng mga magbf at gf. Huwag bitter… Maging masaya ka na lang para sa kanila
  6. Magbayad ng sakto, para hindi ka na matanong na “kung ilan ‘to?” Sasagot ka na naman… “Isa lang ho”..malas mo pa kung binge ang driver o konduktor, uulitin mo ulit! Nakow masasaktan ka ulit!
  7. Kung may katabing magkaholding hands, ‘yung tipong halos hindi na sila bibitaw sa isa’t isa, higpitan mo na lang ang kapit sa hawakan, hindi ka pa malalaglag
  8. Pinakahuli… Wala ka ng magagawa kundi mag-intay sa susunod na estasyon…(pag-ibig)…mata ay ihele, Matulog ka na lang sa byahe

Basa: 

  1. Single pa rin si teacher
  2. “I Love my Principal” (Weeeeehh ‘Di Nga?)

Jhucel Atienza del Rosario

He is the happiness ambassador of teacherPH, elementary teacher, creator of FaceBook Page: Ang Masayahing Guro, Artist @ GuhitPinas, Musikero kuno, komedyante sa gabi, adik sa kape... mangingibig. Follow him on Facebook.

1 thought on “Payo para sa mga single na bumabyahe”

Leave a Comment

Are you taking the March 2022 National Qualifying Examination for School Heads (NQESH)?

Join this year’s review sessions and let us equip you with the knowledge to hurdle the difficult test that will be your passport towards your dream of becoming a school head to fill the many vacant Principal I items in the country.