Home » Buhay Guro » “I Love my Principal” (Weeeeehh ‘Di Nga?)

“I Love my Principal” (Weeeeehh ‘Di Nga?)

“Ang Principal Dapat Masaya kapag nasa school, hindi kapag wala eh mas Masaya ang mga guro”

Ako gusto ko talagang sabihin na mahal namin ang aming Principal, walang halong pagsipsip at pagkaplastik ang mga salitang ito dahil sa sobrang bait niya talaga eh ikaw yung tipong ayaw mo na siyang umalis ng paaralan, gusto mo lagi na lang nandun Sya, gusto mo lagi ka nyang Inoobserve, yung tipo bagang hahagulgol ka kapag alam mong lilipat na siya dahil overstay na siya, minsan daig pa nga ang may inihahatid sa huling hantungan(parang O.A. na ako). Nagpapasalamat nga ako dahil siya ang naabutan ko dito, mabait talaga si Madaam ako na ang magsasabi sa iyo, swerte lang kami malas kayo(BIRO).

May iba’t-ibang klase daw ng Principal ang napapansin sa kasalukuyan, mayroong paparating pa lang sa gate ay sasalubungin na ng Good Morning with happy emoticons, at ang malungkot eh yung nasa gate pa lang ay pinapanalangin nang madapa at matalisod …Pero ito pa, unahin ko na ang katulad ni Madaam…

TAMA LANG ANG HIGPIT, trabaho kung trabaho pero kapag sa labas na ng trabaho, ay naku para lang magkakapatid, sabi Niya nga samin, “bakit ako maghihigpit eh naranasan ko na din naman yan nung Teacher pa lang ako, alam ko ang Hirap at pagod, ang sa akin lang po mga Ma’am at Sir ay kapag trabaho,TRABAHO, gawin lang natin nang tama ang mga bagay sa loob ng School, Tiyak magkakasundo tayo” Sabi ni Madaam, pagkasabi nya nun parang bigla na lang kaming nagkatinginan ng MABUTI sa mga mata ng mga co-teachers ko. Ayun na nga ang nangyare ginawa namin ng maayos ang lahat, habang si Madaam nakangiti palagi, good vibes! Dahil dito sa sobrang bait niya ay MAHIHIYA kang hindi gawin ang iyong parte, ewan ko masama daw magalit ang mabait. MAS MADALI NGANG MAGTRABAHO KUNG MASAYA LANG ANG PALIGID, ang saya lang isipin na may gumagabay sa amin bilang mga Guro, at nagbibigay ng mga payo IN A VERY GOOD WAY.(hihihihihi : )

At ngayon, Syempre sasabihin ko na ang mga kabaligtaran, at masasabi kong ang pinakaayaw na uri ng P sa Lahat, anong type? May PERFECTIONIST- pero di ba nga may kasabihan na “nobody is perfect, so don’t judge the book by its cover”, sa sobrang perfectionist kasi eh puro na lang MALI ang hinahanap, kamusta naman yung TAMA? “bakit ganito?, bakit ganyan? Eh bakit yung ibang School ganito? Dapat mas maganda ang sa atin!” Pero ito ang twist sa sobrang perfectionist ay nagiging deadline na tuloy ang mga projects at ang mga dapat isubmit. Mayroon din namang MALUMAY, malumay kumilos, malumay magsalita at MALUMAY MAG-UTOS,(isa lang po ang masasabi ko sa mga umaangal, wala po kayong magagawa sila po ang Boss.) Inimbento ang utos para sundin, pero ito na ang hindi ko magets sa lahat yung mga P na idol po yata si MS. TAPYA(mas malalang version) Iba. Iba talaga.

“Naranasan ko minsang maging Guro, kaya ngayong next level na ako kailangan ko ding ipadanas sa kanila ang hirap at pagod” (Bwahahahahaha) “Inobserve ako ng inobserve noon! Kaya mas doble ang gagawin ko ngayon, am at pm session, everyday” (bwahahahahahahah) “Ako lang ang Boss at desisyon ko lang ang masusunod, no second opinion” (bwahahahahahah)Poker face dapat ako palagi para kapag nasa gate pa lang ako ay matataranta na sila sa paggawa” (bwahahahahahah) -witch laugh-

Ano? Kita mo na ? Di ko ba alam kung anong meron sa pagiging masungit at kinarir na nila. Minsan nga naiisip na nung iba na dumating naman ang araw na sila naman ang mag-evaluate sa mga P nila, at sigurado ako, walang mapropromote na P, kung palaging ganito, ganito ang nangyayare.

Mukhang nakakapersonal? OO, kasi minsan sobra na, HINDI, kasi nasanay na sa sakit at higpit. Hindi ko hinuhusgahan ang ganitong uri ng P, malay ba natin na isa lamang nila itong strategy to become the best, to have a very best job para sa paaralan, pero ang sa akin lamang mga kabaro kapag O.A. na ang Higpit at sungit MASAMA NA, ibang usapan na yan, tao lang din naman mga guro, napapagod,nasasaktan. Sana kapag tayo naman ang nasa sapatos na nila ay piliin natin yung sapatos na kakasya din sa mga paa ng kasama natin, sa kung saan lahat ay MASAYA, uulitin ko ulit ”MAS MADALING MAGTRABAHO KUNG ANG LAHAT AY MASAYA”

So paano ba yan, ‘gang dito na muna mga Ma’am at Sir may ipapasa lang akong report, kailangan na ito sabi ni Madaam, pero don’t worry, hindi sya galit, nakangiti syang nag-utos.

Jhucel Atienza del Rosario

He is the happiness ambassador of teacherPH, elementary teacher, creator of FaceBook Page: Ang Masayahing Guro, Artist @ GuhitPinas, Musikero kuno, komedyante sa gabi, adik sa kape... mangingibig. Follow him on Facebook.

9 thoughts on ““I Love my Principal” (Weeeeehh ‘Di Nga?)”

  1. Nahihiya na ako sa sarili ko dahil sa ginawa ng Principal at co-teachers ko sa akin. Hidi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ang pagtuturo dahil sa mga pangyayaring hindi binigyan ng liwanag. They just easily judged and accused me without knowing the truth. Para akong basurang tinapon na wala ng halaga at silbi. Ang lupit nila.

    Reply
  2. I am inspired by your sharing madam. How I pray most of the teachers are positive receiver. Just do all the way how you become a good partner of molding the school you are teaching. Think of this , school heads are always after the betterment of the school. So keep up of being good a good performer of the school you are teaching.
    Ok. God bless you continually.

    Reply

Leave a Comment

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.