“TAASAN! TAASAN! TAASAN!”
BUOD. Ang tubig putol na, sa poso na lang muna kami nag-iigib, eto ako ngayon nakapila. Ang kuryente? nakow! May disconnection notice na din, ayun pakikuha, nakamagnet sa patay na pridyider. Tadtad na ng promissory note ang bag ni Junior, ‘san kaya makapagloan? Ang utang pinangbayad na din sa Utang, tapos uutang muna ulit. Ang ATM nakasangla, pero malapit ko na syang tubusin sa isang taon, malapit na.
Sabi nila kung bakit daw kaming mga Guro ay daing na lang ng daing sa pagtaas ng sahod… aba’y syempre naman po ayaw ngang taasan eh, paano kami titigil. Nandyan po ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin, gasolina, kuryente ulit at mga bayad sa kung anu-ano, buti nga ‘tong mga ‘to nataas, ANG SWELDO? NGEEEBOYYYY!!!.
Katuwa nga may nabasa ako tungkol sa iba’t-ibang klase ng sweldo, hindi naman direktang tungkol sa mga guro pero tinamaan ako, tagos sa puso. Ang pinakatumatak sa akin ay nang makumpara ang SWELDO sa isang “SIBUYAS” kasi daw kapag hinati-hati mo na ay maiiyak ka na tapos hahagulgol ka na sa huli kasi wala ng matitira, maggigisa ka na lang ng sibuyas at saka sardinas para sa hapunan.
Read: Top Reasons Why Public School Teachers Should Get a Well-deserved Salary Increase
Pero totoo naman po talaga eh, hindi naman kami umaarte, o trip lang naming itaas ang salary dahil gusto lang naming mapansin sa dyaryo o Makita sa TV, hindi lang po kame pati ‘yung ibang sektor ng mamamayan na nangangailangan, at kailangan ng pag-unawa, idamay na din po natin. Bakit? anung Bakit po? Eh, kailangan nga ho… Iisa-isahin ko pa po ba? ‘Yung mga Allowance po? ‘yung Bonus? Sa utang na din nga po napupunta, Kulang na kulang po talaga, kaya baka naman…, maliit na bagay??? Haha! Hindi nyo lang po alam kung anung mangyayari kapag natupad ang maliit na bagay na ‘yan siguro mapapakanta po kami ng “CELEBRATE GOOD TIMES CAMOO” (camoo?) with Party Moves kapag nangyari, basta po masaya kapag natupad.
No HURT feelings po ah. Hindi naman po kami nagtatampo. Para naman po kasing hindi naririnig ang mumunting tinig ng nagmemegaphone dun sa may kanto at ‘yung mga sumisigaw na may hawak sa kartolinang may nakasulat na “Kung hindi ngayon, kailan pa?Ehemm.. HINDI PO nga kasi LAHAT NG GURO MAYAMAN, kaya po, sige naaaaa..please….
Anu po? Nandun na nga po ako, Hindi nga po natin maaalis na bukod dito may nakapatong pang mga problema sa bansa, pero matagal na po ‘to eh, hindi nga lang nakapatong, nakapangko, nakachubibo na nga po sa inip. Opo, opo, opo… Alam ko naman po na ginagawa ng gumagawa, at ‘yung dapat may ginagawa ang kanilang tungkulin, pero isa lang po talaga ang aming hiling at sana’y lingunin, “yung nakasulat sa itaas pagkatapos ng pamagat”.
Sa totoo nga po nyan, wala pa ‘yung sweldo ko pero ubos na, oho, sa totoo lang. (medyo malalim ang kasunod)
“MAHAL PO NAMIN ang PAGTUTURO, buhay ko ‘po ito at mahal din po namin ANG AMING PAMILYA, at sila ang buhay namin”, opo… kahit ganito ang sistema hindi po namin pinapabayaan ang kalidad ng edukasyon para sa kabataan, buong lakas, tiyaga, sikap at kaalaman ang sinasalin namin sa isinapuso na naming propesyon, tuloy pa rin ang buhay… tuloy pa rin ang buhay… bigay kung bigay kahit minsan wala ng maibigay. (YAKAP)
True lahat ng sinabi mo, kulang pa nga eh.. Kaya binansagang taga London ang mga teachers o nagtitinda na rin sideline o mag abraod nlang dahil sa kakulangan ng sweldo . Hindi niyo ba alam ang sobrasobrang sacrifice ng teachers sa trabaho nila at sa mga studyante nila? Ang responsibilidad namin bilang ina at bilang asawa ay nakakalimutan na. Alam nyo ba kung bakit? Uuwi ng bahay alasais na o gabi na dahil nag oovertime sa paper works , pagkatapos kumain alasnuebe na pala, gagawa pa ako ng lesson plan at magreresearch pa oh magbasa ng ituturo kinabukasan , alasdose na ng gabi ako matutulog tas magising ako ng 4 a.m. Sa totoo lang pinaghihirapan kung turuan ang ibang tao ni hindi ko maturuan ang anak ko sa assignment nila dahil tutok ako para sa studyante ko. Week ends mang home visit ka sa mga ibang studyante mung nangangailangan, di mo nga masolve problema sa bahay mo eh nagagawa mo pang isolve ang problema ng studyante at pamilya niya kung paano ka makakatulong sa kanila… , bigyan mo pa ng pagkain nya, pamasahe o papel ang mga batang walang wala dahil sa awa mo at kagustuhan mong papasok lang siyang mag aral , ni sa bahay mo mismo tuyo at kamatis na lang pagkain. dipa ba ito sapat na sobra ang sacrifice ng teachers, maawa po kayo sa amin, itaas pa more ang sweldo kasi ito ang aming lakas sa pagta trabaho. Sa ibang department kaya nagagawa nila itong sacrifices , ang sarap ng tulog nila habang lahat ng teachers nagpupuyat gumagawa ng lesson plan o ibang paper works. Kaya dapat lang taasan ang sweldo….. salamat sa inyong pag unawa sa aming mga guro..