Home » Teaching & Education » Graduation Message of Schools Division Superintendent Helen Grace Go

Graduation Message of Schools Division Superintendent Helen Grace Go

Department of Education
National Capital Region
SCHOOLDS DIVISION OFFICE
Marikina City
Shoe Ave., St., Sta. Elena, Marikina City

MENSAHE

Maligayang Pagtatapos!

Ang araw na ito ay tunay na napakahalaga sa iyo. Gayundin sa iyong mga magulang, mga kaanak, mga guro at sa aming mga namumuno sa DepEd pati na rin sa mga namumuno sa ating pamahalaan. Ang aming nakikita habang hawak-hawak mo ang sertipiko ng iyong pagtatapos sa mababang paaralan ay hindi isang pirasong papel kundi ang katunayan na ikaw ay nagtamo na ng mga kinakailangang kaalaman, kasanayan at pag-uugali na iyong gagamitin sa pagtungtong mo sa panibagong bahagi ng iyong buhay-ang mataas na paaralan.

Tanggapin mo ng may kaluguran ang panibagong hamon sa iyo. Ito ay ang pagsuong mo sa anim pang taon ng pag-aaral sa mataas na paaralan. Ang pagbabagong ito sa ating sistema ng edukasyon ang magkakaloob sa iyo ng mga pangangailangan upang harapin ang mga matitinding hamon ng buhay sa ika-21 siglo sa ating kasaysayan. Kaming mga humubog sa iyo sa anim na taon o higit pa sa antas ng elementarya ay naghahangad na pagkatapos ng anim (6) na taon pa ng pormal na pag-aaral, ikaw ay higit na handa na upang makatulong sa ating bansa sa kanyang pagsulong at pag-unlad. Ang makita kang isang produktibo at mabuting mamamayan ng iyong pamayanan ay maituturing naming malaking tagumpay sa aming misyon bilang tagapaghubog ng mga kabataan.

Muli, isang mabunying pagbati sa iyo, Batang Nagtapos! Hangad ko ang ibayo pang tagumpay para sa iyo. Pagpalain ka lagi ng Poong Maykapal!

HELEN GRACE V. GO
Pansangay na Tagapamanihala

Graduation Message of Schools Division Superintendent Helen Grace Go

Mark Anthony Llego

Mark Anthony Llego, a visionary from the Philippines, founded TeacherPH in October 2014 with a mission to transform the educational landscape. His platform has empowered thousands of Filipino teachers, providing them with crucial resources and a space for meaningful idea exchange, ultimately enhancing their instructional and supervisory capabilities. TeacherPH's influence extends far beyond its origins. Mark's insightful articles on education have garnered international attention, featuring on respected U.S. educational websites. Moreover, his work has become a valuable reference for researchers, contributing to the academic discourse on education.

Leave a Comment

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.