Home » Buhay Guro » Mga Sintemyento ng mga Guro sa Integridad ng MOOE

Mga Sintemyento ng mga Guro sa Integridad ng MOOE

Isa sa mga importanteng reporma sa ating basic education ay ang decentralization. Nakasaad sa Republic Act 9155 of 2001 ang mga responsibilidad ng mga school head at isa na rito ang pagsasalin ng authority na mamahala sa lahat ng resources ng kanyang paaralan.

Ang DepEd Order No. 13, s. 2016 ay nagsasaad naman ng mga patakaran kung paano ibinibigay sa paaralan ang MOOE at kung paano ito gagamitin. Layon ng departamento na mapahusay ang paghatid ng pangunahing serbisyo sa mga mag-aaral upang tumaas ang learning outcomes. May sampung gamit ang MOOE na kung saan ang 70% ay para sa mga mag-aaral at guro at ang 30% naman ay para sa mga gastusin gaya ng mga repair sa paaralan, elektrisidad, tubig at communication, kasama na rin dito ang pasweldo sa janitor at mobility ng security services. Nakabatay sa bilang ng mag-aaral sa paaralan ang MOOE. Sa bagong formula, isinama na rin ang mga factors gaya ng bilang ng teachers, classrooms, bilang ng graduating at completing students pati na rin ang fixed amount para sa basic needs ng paaralan.

Napakaganda ng hangarin ng gobyerno sa repormang ito ngunit dahil sa magkakaiba ang kapasidad sa pamumuno sa pinakamababang level, nagkakaroon ng di pagkakaunawaan at hindi pantay pantay na implementasyon sa paggamit ng MOOE ang bawat pampublikong paaralan.

Ayon sa phenomenological research nina Normi Roxan C. Ochada at Dr. Gloria P. Gempes, may mga sintemyento ang mga guro patungkol sa integridad ng MOOE. Inalam din nila kung ano ang ginagawang hakbang ng mga guro sa pagharap sa mga ganitong suliranin.

Mga Sintemyento ng mga Guro sa Integridad ng MOOE

1. Biases in the allocation process

Isiniwalat ng mga guro na may kinikilingan ang kanilang principal sa mga gurong ipinadadala sa seminars at trainings. Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na makasali. Napag alaman din na kapag may student competition, malimit na “no funds available” ang kanilang MOOE.

2. Dishonesty on the procurement of supplies

Ang mga supplier daw na nananalo sa bidding ay nagbibigay ng malaking discount sa kung sino ang in-charge. Ang laging nananalo ay ang lowest bidder kung kaya naman low quality ang mga produktong nakakarating sa mga paaralan.

3. Unreliable report in the transparency board

Hindi kumbinsido ang mga guro sa mga nakapaskil sa transparency board dahil ang gumawa lamang ng report ang nakakaalam ng katotohanan at accuracy ng mga report. Wala ring pamamaraan upang masuri ng mga stakeholders ang katotohanan.

4. Preparation of the local school board budget

Hindi daw nakabatay sa SIP ang mga ito at ang plano na ipinapasa ng kanilang mga principal ay gumamit lamang ng “hit or miss fashion”.

5. Non-Involvement of Teachers in Financial Planning

Hindi lahat ng guro ay kinukunsulta sa kanilang pangangailangan nang ginawa ang kanilang SIP. Hindi rin nila alam kung magkano at kung saan napupunta ang MOOE.

Mga ginagawang hakbang ng mga guro sa pagharap sa mga ganitong suliranin

1. Openness and Acceptance

Tinatanggap na lang ng mga guro ang katotohanan na hindi lahat ng kanilang request ay maaaring ibigay dahil may ibang priority ang mga principal.

2. Teachers‘ indifference

Walang lakas ng loob angmga guro na alamin pa ang mga isyu sa MOOE dahil sila ay napagsasabihan na di sila dapat nakikialam sa MOOE dahil ang trabaho lang nila ay ang magturo. Ang pagsasawalang bahala nilang ito ay nagdudulot ng negatibong resulta: lack of motivation for working, low working efficiency, irresponsibility, resignation and sense of insecurity dahil na rin sa hindi na sila kuntento sa mga nangyayari sa kanilang paaralan.

3. Resourcefulness/Creativity

Gumagawa na lang daw sila ng sariling paraan dahil limitadong ang pondo ng MOOE. Upang matugunan ang kanilang instructional needs, napipilitan na lang silang gumamit ng sariling pera upang makapagturo ng maayos at masunod ang MOVs. Hindi na rin sila nakakapagreimburse ng travel expenses dahil kalimitang ubos na ang MOOE.

Ayon sa inyong sariling karanasan, may katotohanan po kaya ang ganitong saloobin ng mga gurong ginamit sa pananaliksik na ito?

Maraming hinahanap na pagbabago ang ating gobyerno lalo na sa kalidad ng ibinibigay nating edukasyon sa mga bata. Umabot sa P579.419 billion ang budget ng DepEd sa taong 2018 kaya naman napakarami ring inaasahang pagbabago sa ating mga guro ang taumbayan.

Kung ganito kalaki ang budget ng DepEd, nangangahulugan ito na malaki din ang alokasyon ng MOOE sa kadahilanang hindi naman umuunti ang mga learners. Kung sa sampung itinakdang pagkakagastusan ay pito ang dapat na ilaan para sa mga learners at teachers, bakit kaya hanggang ngayon ay kailangan pa nating gumastos ng sariling pera para sa ating mga instructional needs and professional development?

Margarita Lucero Galias

Margarita L. Galias began her career in education as a high school math and physics teacher in Immanuel Lutheran High School in Malabon City and Manila Central University, Caloocan City before serving as a public school teacher in Sorsogon City in 1995. She was a university scholar and graduated cum laude with a bachelor’s degree in Education, major in Math-Physics from De La Salle Araneta University. She also holds a master’s degree in Management, major in Administration and Supervision from Sorsogon State College. She is now currently employed in Mercedes B. Peralta Senior High School as a classroom teacher and a guidance counselor designate.

1 thought on “Mga Sintemyento ng mga Guro sa Integridad ng MOOE”

Leave a Comment

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.