Home » Buhay Guro » Parabula ng Chalk

Parabula ng Chalk

Bumili ako ng isang kahong chalk. Noong una, magkakapareho sila ng sukat at kulay puti, pero napansin kong hindi lahat sa kanila ay buo, may mga putol may mga bali, iba-iba ang haba ng pagkaputol nila. Hindi pantay-pantay. Alam mo ba ang aking ginawa? Isinantabi ko muna ang mga buo sa putol, hindi naman sa baka mahawa yung iba dahil may makakaing espasyo na sa loob ng kahon ang mga putol na Chalk, sayang baka maputol din yung iba. Hindi. Una ko kasi silang ipansusulat sa pisara, una ko muna silang gagamitin, tsaka na yung ayos at buo pa.Inuna ko munang ipangsulat yung maliliit na parte hanggang sa lumaki na  ng lumaki ang  aking ipinansusulat. Araw-araw ko itong ginagawa, araw-araw ding may nauubos na chalk, kuha lang ako ng kuha sa kahon, araw-araw ko ding binubura ang mga sulat ko, para bang walang nangyari sa maghapon. Bawat araw ay iba sa kahapon, ngayon, bukas at sa hinaharap. Dumating ang araw ng nawala na ang mga putol na Chalk sa kahon, ang mga ito’y tuluyan nang naging alikabok, ang natira na lamang ay yung mga buo.

Pero ganun din  pala ang mangyayari sa mga natira, hindi mo maiiwasang may mabali, pupulutin mo sa lapag sabay tabi, tapos sulat ka ulit. Kung anong bilis kong isinulat ang mga putol na chalk ay ganun din sa buo. Napatunayan kong walang IBA, lahat ay pare-pareho, walang may sira at walang maayos, depende na lang kung paano mo sila isusulat at bibigyan ng halaga.

At…

Ngayon ay pasahan na, ubos na ang lahat ng chalk sa loob ng kahon, alikabok na silang sumasayaw sa hangin at kung saan sila patungo, tanging sila lang din ang makakasagot.

So, Paano… punta muna ko sa tindahan bibili akong muli ng panibagong kahon ng Chalk para sa darating na pasukan.

Jhucel Atienza del Rosario

He is the happiness ambassador of teacherPH, elementary teacher, creator of FaceBook Page: Ang Masayahing Guro, Artist @ GuhitPinas, Musikero kuno, komedyante sa gabi, adik sa kape... mangingibig. Follow him on Facebook.

Leave a Comment

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.