Professional learning online community of teachers and for teachers.

Senyales na may Kasabay Kang Titser sa Pagbyahe

0

“May mga kwento ang bawat pagbyahe, mas makikita mo ‘to kung ikaw ay isang mandirigmang commuter” – Sir Tino

Magandang Umaga, Pilipinas! Mabuhay! trapik na naman, buti na lang SANAY na ako. Ginagawa ko na lang joke ang trapik, at inaagahan ko na lang ang paggising upang maagang makarating sa school. Digmaan ang bawat umagang susuungin mo ang usok, ang pagpila, dami ng tao at ang kabang makakaabot ka ba sa first period o subject mo. Ganun din po sa pag-uwi.. BUTI na lang kasabay ko ang mga Friendship kong mga astig na coTitser! Be aware po! Pasensya na po sa amin, pero para hindi kayo mabigla ito po ang mga senyales na may kasabay kayong Titser sa Pagbyahe.

Jhucel del Rosario

1. Nakaspeaker mode ang mga cellphone o malakas ang boses kapag may kausap parang siya lang ang tao sa sasakyan.

Malas ninyo pa po kung may kasama pang malalakas na tawa ang aming mga kwentuhan Minsan tungkol lamang po ang mga ito sa buhay-buhay kung paano nakakaraos, tungkol sa mga bills na due date na, mga paper works na hindi pa tapos at masayang oras sa paaralan. Pasensya na po at kulang talaga ang huntahan sa loob ng eskwelahan. (Minsan nga po nakalimutan naming magbayad sa jeep kakatawa, hinabol pa kami ng driver) Nyahahahaha.

2. Buong 500 ang binayad, at may hawak na forms sa folder… Alam na po! Pauwi na po kami galing London.

‘Yung kulang na lang ay bayaran ang pamasahe ng lahat ng sakay ng sasakyan, ganun po kami kayaman kapag naapprove ang inaasam. Kaso po kapag kabaligtaran, at hirap na hirap makahanap ng coins sa bulsa at BARYA nga lamang po ang naibayad tapos malamlam ang pinta ng mukha malamang po’y hindi nakaabot ang digits ng aming payslip kaya hindi po naapprove ang aming papel. (nganga)

3. Kapag parang may TALK Show sa kwentuhan tungkol sa pangyayari sa school at BONUS.

Kadugtong na po ito ng number 1, kapag masyado na pong malala ang kwentuhan at alam nyo na po ang pinag-uusapan na may naririnig na kayong mga Observation, seminars at Bonus, CONFIRM kami na po ‘yon! Pasensya na po talaga hindi po namin sinasadya, isa po itong paraan upang ilabas ang stress at kagalakan sa buhay. PEACE! ( minsan din sa sobrang ingay, hindi na naririnig ng driver ang pumapara, napapakamot na lang ang bumababa dahil nakalampas na po siya)

*mula sa isang komento sa FB page #AngMasayahingGuro: “Ganyan din experience ko… minsan may seminar ako di ko alam ang venue… ginawa ko sinundan ko na lang ‘yung grupong maingay sakto nakarating ako ng matiwasay sa venue” (KITAM? It really works!!!)

4. Kapag may nakatabi kang tingin nang tingin sa relo o sa cellphone.

Late po siguro kaya ganyan, basta nakauniform po na guro ha. Lam na. (tinanghale po dahil sa mga report, sa mga report na due date na hindi pa alam, paghahanda sa mga monitoring at observations, DLL at paghahanda ng mga instructional materials).

5. NakaT-shirt ng Brigada Eskwela, polong may tatak sa tagiliran, sa gilid pero purong black pants at black shoes.

Nakow! Alam na alam ko din po ito, at aminado ako, dahil trip na po namin ang magpatatak ng mga damit sa bawat event ng school, hehehe… at counted na nga po na meron kami na sobra-sobra ay ginagawa na lang po namin itong pamalit. ASTIIIGGGGG. Tandaan nyo po ha. Hihihihihi

6. Kapag may dalang mga school supplies.

Nagshopping hindi ng damit at gamit sa bahay kundi mga school supplies tulad ng mga nakarolyong cartolina, markers, tape, manila paper, and others. Basta po para pong pinopromote niya ang mga gamit sa school. Period. (minsan nauuna pa po talaga ang gamit sa loob ng classroom kaysa sa sarili naming gamit) *sad

At panghuli, pero ang pinakamalupit…

7. Tulog habang akap-akap ang maleta bag niya.

Sa pagod na siguro ito, kadugtong din po ito ng number 1 dahil kung bagong sakay lang kayo, ay malamang tapos na po ang kwentuhan, at tulog na kami dahil sa pagod… PAGOD galing sa eskwelahan. Hihihi. (minsan takot din po kaming manakawan, pero minsan kahit yakap-yakap mo na nananakaw pa rin, kahit magpumilit ka ay wala ka nang magagawa kundi ibigay na lang kung anong meron ka)

*Mula muli sa isang komento sa FB page na #AngMasayahingGuro: “May additional p mam, ‘pag 2 ang bag… isang shoulder bag at isang lagayan ng forms ‘pag mas Malaki ang bag may negosyo,haha.”

Ang saya sa Pilipinas. Trapik na tapos iba’t ibang kwento pa ang maaabutan mo sa pagbyahe. Bawat isa may kwento, mula sa mga istudyante, nag-oopisina, dispatcher at maging si manong driver may kanya-kanyang kwento. Pero ni isa ba may kakilala ka? Kakilala mo ba ‘yung kasabay mong Titser? ‘to naman hindi mo kilala? Siya ‘yung teacher mo nung elementary… kamustahin mo naman.

Nga pala, nakakatuwa na may nanlibre sa akin nung isang araw sa dyip, istudyante ko daw siya nung grade six sabi niya: “Mam namiss ko po ‘yang tawa niyo… tapos pati po ‘yung mga aral na tinuro nyo po sa amin, ako po si… (sinabi niya ang kanyang pangalan, inalala ko siya… tiningnan ko siya at pilit na kinikilala… at NAALALA KO ang isang batang tahimik sa isang sulok sa loob ng aming classroom dati, nakaputi na siyang damit ngayon…), Ma’am Nurse na po ako ngayon, ‘to na po ang bayad nating dalawa, salamat mam.”

Ngumiti ako at tumahimik, bumaba naman siya sa kanto… at may tuwa sa pakiramdam akong kumaway sa kanya.

*Tuloy lang sa pag-abante, mas mahalaga pa sa pagpara ang pagbyahe. – BLKD

Leave A Reply

Your email address will not be published.