“Anong gusto mo rosas? tsokolate? stuff toy?
Pili na, NAGBEBENTA AKO nyan, order na kayo…”
-Sir Tino
Save the Date, February 14, 2017… dahil wala kang Date, nyahahaha, (ehem pareho lang pala tayo). Since wala tayong date kailangan nating mag-isip ng mga bagay na pwedeng gawin upang maaliw tayo at malibang dahil bawal tayong lumabas (nang matagal) dahil matutunaw lang tayo nang inggit sa mga magkasintahang pupuno sa kalsada at sa mga sweet kainan, sa tamis ng kanilang mga ngiti… mga rosas na magsisilbing daan sa pag-ibig at tsokolateng kukumpleto sa tamis ng pagmamahal eh wala po tayong magagawa kundi ang yakapin ang ating dalang bag sa lamig at yakapin ang katotohanan dahil wala pang dumadating sa ating buhay, (’di kaya pinagtitripan tayo ni kupido?)
Kaya ito na ang ilan sa mga nabasa ko, naisip ko at nang ilan kong Cotitser na magandang gawin sa Araw ng mga Puso upang maging kapana-panabik naman ang bawat sandali at hindi muna maging choice ang magmukmok at manood ng mga koreanobelang kumakain na ng sistema mo: (hinga muna nang malalim…)
Table of Contents
1. Bumili ng couple shirt
Bumili ng couple shirt ‘yung pinakamaganda na ang design pero mas maganda ‘yung may
“ IloveHer =>” tapos … “<= ILoveHim”. Gawin punda ang isa at yakapin sa gabing malamig, pagkatapos kapag handa ka na ibigay ang kapares sa tingin mong magiging better half mo sa future.
2. Sulatan ang sarili
Sulatan ang sarili, lahat nang magagandang bagay na nagustuhan mo sa sarili mo ilagay mo na… pasalamatan ang sarili dahil lagi siyang nandyan para sa’yo, ‘di ka niya iniwan.. Dahil nga sabi nga nila, Bago ka magmahal ay kailangan mo munang mahalin ang sarili mo… ang rule dito matapos mong umiyak, kailangan mong sunugin ang sulat… ibaon ang abo sa lupa upang matigil na ang sumpa at magkaroon ka na ng forever.
3. Manood ng sine
Pagkatapos ng klase, Makipagtalo sa sarili kung ano ang magandang panoorin sa sine, advice ko pa rin na love story pa rin ang panoorin dahil kung Horror wala namang hahawak sa’yo o makakapitan ka kapag kunyaring nagulat ka na! Tapos umupo ka sa gitna mga tatlong hanay sa harap ng screen, ‘yan! Hindi mo na makikita ang mga sweet lovers sa likuran mo kung ano ang kanilang ginagawa, rule dito: Huwag kang matutulog.
4. Magpost sa Facebook
Magpost sa FB, ng mga HUGOT tapos iOnly Me, sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin sa crush, nang-iwan sa’yo, ‘yung nanloko sa’yo at nagpaasa sa’yo itype ng nakacapslock para intense, hal. “IPOPOST KO ‘TO SA FACEBOOK, BWI*S@& KAYO! WALA TULOY AKONG KADATE!” don’t worry ikaw lang talaga makakabasa dahil nakaonly me nga hayaan mong wala nang makaramdam kung gaano ka kabitter sa Valentine’s Day, pero ngumiti ka pa rin, kinabukasan ha.
5. Maggala sa mall pagkatapos ng klase
Maggala sa mall pagkatapos ng klase, isa itong pagsubok dahil alam mo na ang mga sasalubong sa’yo mga magkasintahang nakaHHWW, ngitian sila tapos sabihan nang “walang Forever” tapos sabay takbo. Gawin ito sa lahat nang makakasalubong para masaya, maaari ring mahanap mo na ang kaforever mo kaya maging handa sa lahat ng oras, iready ang ihuhulog na PANYO, ang pamatay na tingin at ngiti… ‘yung parang nasa pelikula. Ang Rule dito huwag kalilimutang dumaan sa NB para bumili ng supply sa iyong classroom sayang din kasi nasa mall ka na.
6. I treat ang sarili
I treat ang sarili… dahil walang magtitreat sa’yo umorder nang pangdalawahan, pangcouple… titigan ang pagkain sa kabila.. tapos ubusin pagkatapos mong kainin ang para sa’yo (Sayang eh). Maging handa ka nga lang sa tanong ng crew Hal. “Table for two po?” (Ang sakit Bes…) kaya sumagot ka na lamang nang ganito: “ Sa ngayon pang-isahan na muna, at sana pagbalik ko dito may kasama na ko” Naku! Baka bigyan ka pa ng discount. P.S. Pero kung nagtitipid ka talaga magluto na lamang sa bahay, It’s a family date, cotitser!!!
7. Ubusin ang oras sa school
Ubusin ang oras sa school… magturo… parang regular na araw lang… tapos gawin na ang DLL, Instructional Materials, para pag-uwi tutulog ka na lang. Period.
8. Gumawa ng Valentines Card
Gumawa ng Valentines Card, ipangakong ‘di ka na magiging choosy, tatanggap ka na ng manliligaw o manliligaw ka na, ‘di ka na magiging bitter at magmu-move on ka na dahil ‘di na tayo bumabata kailangan nating sabayan ang panahon ng pagmamahal. Pusuan mo nang marami ang card, tapos ilagay sa ilalim ng unan. Sweet Dreams.
9. Maggala sa parke
Maggala sa parke, magmuni-muni bumili nang kahit isang rosas, para di talaga akalaing wala kang kadate, umupo sa isang bench… tingnan ang kasweetan ng mga tao sa paligid, don’t worry dahil ang nasa isip lang nila ay ganito, kung Female Teacher:“ Tingnan mo oh, binigyan na siya ng red rose ang sweet naman”, Kung Male Teacher: “Para kanino kaya niya ibibigay ang pulang rosas na hawak niya? Ang sweet naman niya” oh! ‘di ba? Effective! P.S. pagkatapos, ialay na lamang sa malapit na altar ang bulaklak, then pray.
10. Magbenta ng rosas, tsokolate, stufftoys at load sa valentines day
Magbenta ng rosas, tsokolate, stufftoys at load sa valentines day, “Anong gusto mo rosas? Tsokolate? Stuff toy? Pili na, NAGBEBENTA AKO NYan, order na kayo…” bentahan ang mga cotitsers and other friends, may extra income ka na, nakatulong ka pa sa kanilang pagiging sweet. Ang rule lang dito ay dapat pilitin mong ubusin ang mga paninda mo hindi dahil sa malulugi ka kundi masakit tingnan na sa’yo din galing ‘yung mga natirang ibibigay mo sa sarili mo. Ang sakit talaga!
11. Magroadtrip
Magroadtrip, sa trip na ‘to walang rule, dala ng pagod sa maghapong pagtuturo sa tingin ko nama’y masarap pa ring maglakbay at damhin ang hampas ng hangin sa atin, kahit gaano kalayo basta ipangako mong babalik ka dahil may pasok ka pa kinabukasan. Tandaan: Sa paghahanap ng pag-ibig, mas mahalaga pa rin ang paglalakbay kaysa sa mismong destinasyon.
Pinakahuli…
12. Maging masaya ka na lang sa araw na ito!
Dahil wala ka nang choice… Maging masaya ka na lang sa araw na ito!, huwag tanggalin ang HAPPY sa Happy Valentine’s Day, tanggapin lahat ng valentine’s card na ibibigay sa’yo ng mga istudyante mo at tanggapin ang matatamis na pagbati ng mga taong nakapaligid na nagmamahal sa’yo… dahil darating at darating ang tunay na pag-ibig, maging handa ka lang sa lahat ng oras.
Last na…
Alam mo cotitser, may dahilan ang lahat… may dahilan kung bakit hindi pa siya nadating o nandyan na pero hindi ka pa talaga handa, pero ang alam ko lang ‘yung nasa Taas may isang sorpresa at sa isang sorpresa ‘di ba kailangan munang patayin ang ilaw? para pagbukas nito may mas malaking sorpresa? SURPRISE! Ang pag-ibig ay nasa paligid, nasa sa’tin na ito kung paano natin ito titingnan, iingatan at pahahalagahan. Nandyan na siya ‘di mo lang napapansin. (Yakap)
Pero pinagbabawal talaga manligaw ng teacher eh.. sayang