Memorandum Pangkagawaran Blg. 24, s. 2016
Sa mga :
Direktor ng Kawanihan
Direktor Panrehiyon Tagapamanihala ng mga Paaralan
Pinuno ng mga Pampubliko at Pampribadong Paaralan
1. Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay mangunguna sa pagdiriwang ng taunang Buwan ng Wikang Pambansa tuwing ika-1 hanggang ika-31 ng Agosto alinsunod sa itinakdang Pampanguluhang Proklamasyon Big. 1041, s. 1997. Ang tema ng pagdiriwang sa taong ito ay Filipino: Wika ng Karunungan.
2. Ang layunin ng pagdiriwang ay ang mga sumusunod:
a. ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Big. 1041;
b. mahikayat ang iba’t ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado na makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko; at
c. maganyak ang mga mamamayang Pilipino na pahalagahan ang wikang pambansa sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga Gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa.
3. Ang lingguhang paksa sa loob ng isang buwang pagdiriwang ay ang mga sumusunod:
a. Filipino: Wika ng Edukasyon at Kalinangan;
b. Intelektuwalisadong Wikang Pambansa, Wika ng Umuunlad na Bansa;
c. Pagsasalin, Susi sa Pagtamo at Pagpapalaganap ng mga Kaalaman at Karunungan; at
d. Ang Wikang Filipino ay Wika ng Saliksik.
4. Ang mga nabanggit na lingguhang paksa ang patnubay at magsisilbing batayan ng lahat ng gawaing bubuuin at isasagawa sa isang buwang pagdiriwang. Ang mga ito ay hindi nakaayos ayon sa pagkakasunud-sunod upang magkaroon ng kalayaan ang lahat sa pagpaplano ng programa.
5. Para sa iba pang detalye o impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa:
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN)
Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel San Miguel, Maynila
Telepono: (02) 736-2525; (02) 736-2524; (02) 736-2519 Email: komfil@kwf.gov.ph; komisyonsawikangfilipino@gmail.com
Website: www.kwf.gov.ph
6. Hinihiling ang mabilis na pagpapalaganap ng Memorandum na ito.
Sgd.
BR. ARMIN A. LUISTRO FSC
Kalihim
ano po ang topic sa MALUWAG NA PAGTALAKAY ngayong buwan ng wika 2016?
Marami na akong pagsasanay at seminar na nasalihan sa Filipino noong nasa DepEd pa ako. May napansin akong mali sa Memorandum Pangkagawaran ng DepEd. Sa pagkakaalam ko, hindi ginagamitan ng ika kung Bilang 1 . Dapat Unang Araw ng Agosto hanggang ika-31 ng Agosto. Magsisimula lamang ang paggamit ng ika sa Bilang 2 ( ikalawa ). Sana naman gamitin ng DepEd ang tamang gramatika dahil sa nangunguna ito sa edukasyon. Tama po ba?
Maari po bang gumamit ng naiibang tema na magpapahayag ng parehong impormasyon at kalinangan?
Simulan sa sarili ang pagbabago.
Pwede po bang pa tulong ng kunting impormasyon sa pag gawa ng sa naysay tungkol sa ating tema ngayon sa buwan ng wika? Paki tulong po. Please
sasali lang po sana ako sa isang larong patalinuhan sa aming paaralan na naayon sa ating tema ngayon,,,hihingi lang po sana ako ng gabay kung ano ang aking importanteng dapat pag aralan,san poy itoy iyong mapansin
Ambot ni mo
naghahanap po ako ng piyesa para sa talumpating handa..
naghahanap po ako ng isang tula para sa aking mag-aaral sa Unang Baitang na naaangkop sa tema , sana po ay mapagbigyan ang aking hiling.
ask klang po sna, mlpit n po ang buwan ng wika. my competition sa informance at dagli. un daw po ang ibinababa ng deped sa bawat division. Sna lang po my mga seminars na inooffer sa mga trainer para malinaw ang kanilang sasalihang competition. kc un alam nila cyempre bka iba po sa alam ng mga magjujudge ng rehiyon. kawawa nman po cla. nagtatanong lang. fr. Caloocan.
jhshfsveeuevvbefrfggbbsd
So informative, maraming salamat po sa ganitong gabay para mas lalo pang mapalaganap at linangin ang paggamit ng Wikang Filipino. Naway maging sandata ito ng pagkakaisa at pagkakaunawaan.
…informative…helpful for us teachers
Maraming salamat po…Sapagkat natanto at nabatid ko ang mga layunin na inyong naibahagi upang maging matatag ang kasanayan at kaalamn sa pagpapalaganap ng wikang pambansa.Hari’y naway pagpalain po kayo ng poong Maykapal.
Gumagalang’
Bb. liberty Joy Dacaldacal
Guro ng Wika Pamantasan ng MATs College of Technology, Lungsod ng Dabaw