Table of Contents
2018 Graduation Message of Secretary Leonor Magtolis Briones (English)
My warmest greetings to all the completers and graduates of School Year 2017-2018!
On behalf of the Department of Education (DepEd), I commend your determination, perseverance and hard work which led you to this milestone. Whether this is your moving-up, completion, or graduation ceremony, what matters is that you have triumphed in this journey.
It is our goal to ensure that the K to 12 Program empowers you, our dear learners, to become critical thinkers and problem solvers both in the local and global communities. I am positive that you have learned not only to memorize facts and formulae, but also to relate these facts and theories to what is happening in the real world. As stated in this year’s theme, “K to 12 Learners: Ready to Face Life’s Challenges,” we hope we have equipped you with 21st century skills and lifelong competencies through quality education that is accessible, relevant, and liberating for all.
As you reminisce your travails and rejoice your achievements, always remember that your teachers, parents, families, fellow learners, school officials and personnel, community members, education partners, and government leaders are always with you every step of the way. Let them serve as your inspiration to dream and strive not only for your own success, but more so for this country’s progress.
Whatever path you will pursue after this momentous occasion, may you continue to uphold the core values of your alma mater and DepEd – Maka-Diyos, Maka-tao, Makakalikasan, and Makabansa. Bear in mind that while education is your right, it also bestows upon you a greater responsibility to contribute to the betterment of our society.
To our future leaders and nation-builders, congratulations and mabuhay!
LEONOR MAGTOLIS BRIONES
Secretary
2018 Graduation Message of Secretary Leonor Magtolis Briones (Filipino)
Malugod na pagbati sa mga completers at mga magsisipagtapos ng taong panuruan 2017-2018!
Sa ngalan ng Kagawaran ng Edukasyon, malugod kong ipinahahatid ang aking pagkilala sa inyong determinasyon, pagtitiyaga at pagpupunyagi upang marating ninyo ang importanteng okasyon na ito. Kung ito man ay pagtungtong ninyo sa susunod na antas, o ganap na pagtatapos, ang mahalaga ay nagtagumpay kayo sa paglalakbay na ito.
Layunin natin na ang programang K to 12 ay mapalakas ang kakayahan ng ating minamahal na mga mag-aaral, upang sila ay masanay na mag-isip sa pamamaraang kritikal at lumutas ng mga suliranin nang buong kahusayan, maging sa lokal o pangdaigdigang pamayanan.
Ako ay umaasa na ang mga natutunan ninyo sa paaralan ay hindi upang memoryahin lamang ang mga datos o pormula, ngunit upang maiugnay ninyo ito sa tunay na kalagayan ng mundo. Kaugnay ng temang “Mag-aaral ng K to 12: Handa sa Pagharap sa Hamon ng Buhay,” ako ay umaasa na kayo ay nabigyan namin ng mga kakayahang akma sa kinakailangang kasanayan ng ika-21 siglo sa pamamagitan ng de-kalidad, abot-kamay at mapagpalayang edukasyon para sa lahat.
Sa inyong pagmumuni ng inyong mga pinagdaanan at kagalakan sa inyong narating, lagi ninyong alalahanin ang inyong mga guro, magulang, pamilya, kamag-aral, mga opisyal ng paaralan, komunidad, at mga katuwang sa edukasyon na silang kaagapay ninyo sa bawat hakbang sa landas ng buhay. Nawa’y magsilbi silang inspirasyon upang kayo ay patuloy na mangarap at magsumikap, hindi lamang para sa inyong sarili ngunit para sa inyong bansa.
Anuman ang landas na inyong tatahakin pagkatapos ng mahalagang okasyong ito, nawa’y isabuhay ninyo ang mga kaugalian natutunan ninyo sa inyong paaralan at sa Kagawaran – ang pagiging Maka-Diyos, Maka-tao, Makakalikasan, at Makabansa. Alalahanin ninyong karapatan ninyo ang magkaroon ng edukasyon at ito rin ang nagbigay sa inyo ng mahalagang responsibilidad na mag-ambag sa ikabubuti ng ating lipunan.
Para sa ating susunod na mga pinuno at tagapag-buo ng bansa, binabati ko kayo at mabuhay!
LEONOR MAGTOLIS BRIONES
Kalihim
Download the official Graduation Message in English and Filipino.