Gagamitin sa Alternative Delivery Mode (ADM) ang self-learning modules (SLM) na isinulat ng mga guro at superbisor mula sa iba’t ibang Rehiyon ng bansa alinsunod sa K to 12 Curriculum Guide at ADM Learning Resource Standards.
DEPED SELF-LEARNING MODULES (SLM)
Ang self-learning modules (SLM) ay kagamitan ng mag-aaral na naglalaman ng isang aralin na isinulat sa paraang madaling mauunawaan at magagawa ng mag-aaral kahit wala ang guro sa kaniyang tabi. Ito ay isinulat para sa distance o remote learning.
Ang K to 12 Curriculum Guide, Teacher’s Guide/ Teacher’s Manual, Learner’s Material/Textbook ang naging gabay sa pagsulat ng mga ito.
Ang bawat SLM ay naglalaman ng pre-test upang matiyak ang kaalaman at kahandaan ng mag-aaral sa bagong aralin.
Mayroon ding post test upang matiyak naman ang natutuhan sa natapos na module.
Naglalaman ito ng mga gawain upang malinang at masukat ang natutuhan ng mag-aaral at matugunan ang iba’t ibang pangangailangan at kakayahan ng bawat mag-aaral na gagamit nito.
Nilagyan din ito ng Notes to the Facilitator/Parents upang maging gabay nila sa pag-alalay sa mag-aaral sa kaniyang distance/remote learning .
Ang mga DepEd self-learning modules (SLM) na ito ay isasalin din sa iba’t ibang format , gayundin sa radio at TV scripts upang magamit sa online distance learning (ODL) at sa TV/ Radio-Based Instruction (TV/RBI).
Ang SLM sa orihinal na format ay gagamitin sa modular distance learning (MDL), sa blended learning na Face to Face (F2F) at MDL.
ADM FOCAL PERSON
Angelika D. Jabines
Bureau of Learning Delivery – Teaching and Learning Division
4th Floor Bonifacio Building, DepEd Complex, MERALCO Ave, Pasig City, Philippines
+63 28638 47 99/+63 920 956 3694 via Viber/Whatsapp/Telegram
alternativedeliverymode@gmail.com
Leave a Reply