Narito po ang interview ni Ricky Rosales ng DZMM Kabayan noong Thursday, October 26, past 6:00AM kay TDC Chairman Benjo Basas. Sa araw na iyan ay expected na mag-convene sa hapon ang DepEd Executive Committee. Tinalakay sa panayam ang detalye ng usapin hinggil sa net take home pay na P4000 at ang masamang epekto ng DepEd Order No. 38. Gayundin ang pagkakalubog sa utang ng mga guro at ang pangako ni Pnagulong Duterte na umento sa suweldo. Nung hapon rin na yun, inanunsiyo ng DepEd na pinawawalang-bisa na nito ang DepEd Order No. 38 sa bisa ng DepEd Order No. 55.
Narito ang suma ng ilang puntong lumutang sa interview:
1. Nagkagulatan dahil hindi naipaalam sa mga guro ang implikasyon ng DepEd Order No. 38, s. 2017 at walang banggit na maaaring bumaba sa NTHP na P4000 ang sahod, bagamat nailabas ito noon pang July 31 at posted sa DepEd website
2. Walang konsiderasyon sa kalagayan ng mga guro ang ginawang ito ng DepEd sapagkat sa P4000 kada buwan ay mahirap nang mabuhay, paano pa kaya sa P180.00?
3. May humigit-kumulang 300 private lending institutions ang nag-uunahan sa suweldo ng mga guro dahil convenient ito na makasingil thru automatic payroll deduction system kung sila ay accredited ng DepEd
4. Primarily, economic ang problema dahil sa napakaliit na sahod at P19,620 basic pay, dahil dito pa kinukuha ang mga gastusin hindi lang ng pamilya at sarili kundi pati ang mga gamit sa kanyang pagtuturo- internet, printer, laptop papel etc. Pati ang mga dalaga’t binata na walang pamilya ay kakapusin sa sahod na ito.
5. Beyond economic, the system allows the teachers to borrow. Ang DepEd both ay collecting agency at regulator. Dapat tinitiyak niyang ang mangungutang ay may capacity to pay at siya rin ang dapat mangulekta nito. Sa payment/deductions naman ay dapat unahin ang GSIS at HDMF sa queuing system along with mandatory deductions, pero bakit mas nauuna pa ang mga PLIs sa deductions
6. Bagamat may over-borrowing, hindi pa rin ito solely kasalanan ng mga guro dahil nga lenient ang DepEd sa pag-implement ng rules on borrowing at idagdag pa ang napakaraming PLIs na nag-entice sa mga teacher at alam nila kung sino ang mga possible clients.
7. Nagbanta ang GSIS na kasuhan ang DepEd dahil sa non-payment at iyan ang dahilan ni Sec. Liling Briones kaya inilabas ang DepEd Order No. 38, ibig sabihin ang mga guro na walang kasalanan kung bakit lumobo ang utang sa GSIS ay siyang parurusahan. Hindi ginawa ng DepEd ang kanyang trabaho kaya ito umabot sa ganito.
8. Dahil nga sa kakapusan sa buhay, kahit ang sangla-ATM scheme ng pangungutang ay pinapatulan na ng mga guro. May isang utangan sa Talavera, Nueva Ecija na inuutangan ng mga guro from NCR and Central Luzon na sa bandang huli ay nagsasampa ng kaso sa PRC laban sa mga guro na hindi na nakakabayad sa utang.
9. Ang tangi lang solusyon ng DepEd ay ang financial literacy program, ok naman yun, pero ang unang kailangan sa financial management ay ang finances na ima-manage. That is a long-term solution pero mas kailangang iresolba ang problemang ito ngayon.
10. Sa mga guro na sumahod ng mababa sa P4000 ngayong buwan halimbawa ang sumahod lang ng P180, may apela na ang TDC sa DepEd at tuluy-tuloy naman ang usapan sa mga DepEd officials bago ang ManCom meeting. Ito ang demands sa DepEd:
a. Suspend the DepEd Order No. 38
b. Mapagtawag ng wide consultation/dialogue
c. Kausapin ng DepEd ang PLIs at GSIS para sa loan restructuring at iba pang konsiderasyon
d. Condonation of loans/i-waive na ang interest sa mga sobra-sobra nang nakasingil sa mga guro
e. Pag nagawa na yun tsaka lamang tayo papayag sa sinasabing financial literacy program, but most of all, dagdagan muna ang sahod ng mga guro
11. Dapat kumbinsihin ni Sec. Liling ang Kongreso at Senado at si Pangulong Duterte. Noong December 2015 pa lamang ay may pangako na ang Duterte-Cayetano tandem para sa aming panukala na P10, 000 umento sa suweldo ng mga guro at DepEd personnel kung sila ay mananalo.
12. Ang problema, noong Hunyo 2017, nagsabi si Sec. Liling na “Teachers are not underpaid” na lubhang masakit para sa mga guro dahil ang kailangan ng mga guro ay ang suporta ng aming ina sa Department of Education, ang aming kalihim, dahil kung magsasalita siya pabor sa mga guro ay malaking boses ito na maaaring ikunsiderang mga mambabatas.
Please watch and share the link that featured the the 15-minute interview of DZMM with TDC Chair, Benjo Basas
“Teachers are not underpaid” Sec. Liling does not understand the need of the teachers because she maybe is not a teacher in nature.
Only a real teacher will understand the needs of the teachers.
The request of the teachers nationwide should be heard by the government at least to help them uplift in financial status.
Bakit nangungutang?
1.Dahit kulang ang sweldo.
2. Kapag may sakit ang teacher wala namang nakeclaim sa GSIS.
3. Walang sistema and DepEd patungkol sa financial system in time of need and sickness (At least may magpapautang sa mga teacher kagaya ng sa mga sundalo at may sarili rin silang ospital)
Ilan lang yan.
Sana si Cayetano na lang ang naging DepEd secretary para maiahon na kahirapan ang maraming teachers.
May God help the teachers nationwide.
Please help teachers, increase our salary