Home » DepEd Resources » Gabay sa Enrollment para sa SY 2022-2023 sa Konteksto ng Pagbabalik sa In-person Classes

Gabay sa Enrollment para sa SY 2022-2023 sa Konteksto ng Pagbabalik sa In-person Classes

May mga katanungan ka ba kaugnay ng enrollment ngayong SY 2022-2023? Halina’t sagutin natin ang mga ‘yan!

Magpatala na sa inyong dati o napiling paaralan hanggang Agosto 22, 2022.

Tandaan din na sa mga magpapatala ng in-person sa paaralan, panatilihin ang proteksyon ng bawat isa at sumunod sa health and safety protocols.

Sakop

Kailan ang enrollment para sa SY 2022-2023?

Mula Hulyo 25 haggang Agosto 22, 2022 ang enrollment period para sa SY 2022-2023.

Kailan ang deadline ng pagpapasa ng documentary requirements ng mga paaralan?

Sa Oktubre 31, 2022 ang deadline para sa pagpapasa ng documentary requirements o school records ng mga pampubliko at pribadong paaralan.

Sino ang dapat mag-asikaso ng transfer of documentary requirements?

May dalawang paraan para sa transfer of documentary requirements.

Una, internally o sa pagitan ng school advisers ng learners at pangalawa, externally o sa pagitan ng mga paaralan. Hindi maaaring mag-asikaso ang mga magulang o learner.

Para kanino ang enrollment guidelines?

Ang guidelines na ito ay para sa mga pampublikong paaralan sa bansa kasama ang Kindergarten, Elementary, High School, Junior High School, Senior High School, at Alternative Learning System (ALS).

Proseso ng Enrollment

Ano ang dapat dalhin o i-present sa enrollment?

Para sa mga magulang ng mga learners na mag-eenroll sa Kindergarten, Grade 7, at Grade 11, dapat silang magpasa ng Enhanced Basic Education Enrollment Form o Enhanced BEEF.

Ang Enhanced BEEF ay ang opisyal na dokumento sa enrollment. Maaari rin, ngunit hindi hinihikayat ng DepEd, na ang mga learners ang magpasa ng kanilang BEEF na may pirma ng kanilang mga magulang.

Para naman sa mga Grade 1 hanggang 6, Grade 8 haggang 10, at Grade 12, na mayroon nang mga Learner Reference Number o LRN, kailangan pa ring magpasa ng updated BEEF sa kanilang mga paaralan.

Saan maaaring kumuha ng Enhanced BEEF? May bayad ba ito?

Mayroong pisika na kopya ng BEEF sa mga paaralan para sa in-person enrollment. Matatagpuan din ang mga forms na sa mga dropboxes na itatalaga ng mga paaralan.

Bukod dito, may online o soft copy ang BEEF na matatagpuan sa online platforms ng mga paaralan na maaaring gamitin sa remote enrollment.

Libre o walang bayad ang pagkuha ng Enhanced BEEF.

Sino ang dapat pagtanungan o kausapin tungkol sa enrollment?

May nakatalagang School Enrollment Focal Persons (SEFP), Grade Level Enrollment Chair (GLEC), at ALS Enrollment Focal Person (AEFP) sa bawat paaralan na maaaring lapitan ng magulang at guardian tungkol sa enrollment.

Ano ang dapat sundin ng magulang sa pagpapa-enroll ng kanilang mga anak?

Bukod sa nabanggit na pagpapasa ng Enhanced BEEF, hinihikayat ng Kagawaran ang mga magulang na makipag-ugnayan sa kanilang paaralan upang malaman ang ibang mga kailangang gawin.

Pinapaalalahanan ng Kagawaran ang lahat na sumunod sa required health standards tulad ng pagsusuot ng face mask, social distancing, at paggamit ng alcohol.

Pinahihintulutan ba ang offsite registration? Ano ang dapat gawin?

May dalawang proseso na maaaring sundin ang mga magulang at guardian para sa offsite registration.

Una, remote enrollment o online enrollment. Gamit ang online platforms ng mga paaralan, maaaring i-upload ng magulang o guardian ang requirements at hindi na kailangang pumunta sa paaralan.

Pangalawa, enrollment gamit ang dropbox forms. May mga dropboxes sa harap ng mga paaralan, barangay, at iba pang pampublikong paaralan kung saan maaaring kumuha at maghulog ng kanilang kopya ng BEEF.

Ano ang proseso ng enrollment para sa Alternative Learning System (ALS)?

Tulad ng enrollment process sa mga paaralan, maaari ring magpunta ang mga magulang, guardians, at learners sa paaralan o community learning centers (CLC) upang magpasa ng accomplished Modified ALS Form 2 (Annex 2). Ito ang form na gagamitin sa ALS enrollment.

Maaari bang mag-enroll ang mga tumigil sa pag-aaral? Paano ang proseso nito?

Oo, maaaring mag-enroll ang mga learners na tumigil sa pag-aaral sa kahit na anong baitang mula Kindergarten hanggang Grade 12, pati na rin sa ALS. Parehong proseso lamang ang susundin.

Iba Pang Concern

Para sa learners na lilipat sa pampublikong paaralan na may natitira pang bayarin sa pinagmulang pribadong eskwelahan.

Nakasaad sa DepEd Order No. 03, s. 2018 na dapat gabayan ng pampublikong paaralan ang mga magulang ng learners sa pag-asikaso ng affidavit of undertaking.

Ang pinagmulang pribadong paaralan ay may 30 araw upang suriin ang bisa ng affidavit at gumawa ng naaayon na aksyon sa pamamagitan ng pagkumpirma sa kahilingan ng Learner Information System (LIS) na ang mag-aaral ay pansamantala lamang na nakatala sa kasalukuyang paaralan.

Para sa mga ALS learner na lilipat sa formal education o vice-versa.

Ang mga school adviser ang mamamahala sa paglipat ng learners sa ALS o sa formal education. Maliban sa pagpapasa ng requirements, ang mga adviser ang in-charge sa enrolling at encoding ng mga impormasyon ng learner sa LIS.

Sa planong in-person classes ng DepEd, inaasahan ba ang pagdami ng magbabalik sa pag-aaral?

Oo, hindi lamang dahil sa planong in-person classes ng Kagawaran kundi dahil sa pagtuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Paano makakatulong ang stakeholders sa tagumpay ng enrollment?

Maaaring makipag-ugnayan sa mga paaralan ang mga Local Government Unit para sa paglalagay ng dropboxes sa mga barangay, CLC, at munisipyo.

Hinihikayat ng Kagawaran ang mga magulang na magtungo sa mga paaralan upang ipalista ang kanilang mga anak para sa SY 2022-2023.

BASAHIN:

DepEd Enrollment Guidelines for School Year 2022-2023

DepEd Enhanced Basic Education Enrollment Form for SY 2022-2023

DepEd Documentary Requirements for Enrollment

DepEd Enrollment Procedures for School Year 2022-2023

Mark Anthony Llego

Mark Anthony Llego, a visionary from the Philippines, founded TeacherPH in October 2014 with a mission to transform the educational landscape. His platform has empowered thousands of Filipino teachers, providing them with crucial resources and a space for meaningful idea exchange, ultimately enhancing their instructional and supervisory capabilities. TeacherPH's influence extends far beyond its origins. Mark's insightful articles on education have garnered international attention, featuring on respected U.S. educational websites. Moreover, his work has become a valuable reference for researchers, contributing to the academic discourse on education.

Leave a Comment

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.