Bilang paghahanda sa mga krisis o emergency dulot ng mga kalamidad o pandemya, naghanda ang Bureau of Curriculum Development, Kagawaran ng Edukasyon, ng Most Essential Learning Competencies (MELCs) na magsisilbing batayan ng Bureau of Learning Delivery, Bureau of Learning Resources, mga dibisyon, at mga paaralan sa pagtukoy at paghahanda ng mga kagamitan sa pagkatuto.
Ang mga MELC ay ang mga lubhang mahalagang kaalaman, pag-unawa, kasanayan, at pagpapahalaga na dapat matutuhan ng mga mag-aaral sa panahon ng krisis, kalamidad o pandemya, upang maging produktibo at mapanagutang mamamayan (Republic Act 10533, Section 2, Declaration of Policy). Kinalap ang mga LC na ito mula sa mga LC ng Gabay Pangkurikulum na naka-upload sa DepEd website.
Binawasan lamang ang bilang ng mga paksa sa Junior High School at bilang ng mga LC sa Baitang 1 hanggang 6, ngunit hindi ang mensahe o esensya ng mga paksa o LC. Ang mga MELC ay magsisilbing minimum essentials, ngunit hindi dapat isakripisyo ang kalidad, lawak (breadth) at lalim (depth) ng mga dapat matutuhan ng mga mag-aaral sa panahon ng krisis o pandemya, kaya inaasahan pa rin ang ang pagkukusa, dedikasyon, at komitment ng mga guro, gabay ng mga taga-masid, sa pagpapatupad ng mga MELC na ito. Mahalaga ang matalinong paghuhusga (prudence) ng mga guro sa pagpapaunlad ng mga MELC na ito (kung kinakailangan), ayon sa konteksto ng mga mag-aaral at itinakdang panahon sa pagtuturo.
DOWNLOAD: Most Essential Learning Competencies (MELCS) for School Year 2022-2023
Table of Contents
Mga Konsiderasyon at Paraan sa Pagpili ng mga MELC
Mga Konsiderasyon sa Pagpili ng mga MELC.
Isinaalang-alang ang sumusunod sa pagpili ng mga MELC sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP):
Mga Kraytirya sa Pagpili ng MELCs sa Batayang Edukasyon:
a. Endurance. Learning competency which is ean ssential skill in many professions and in everyday life (Many and Horrell, 2014); applicable to real-life situations, e.g. social participation and integration; learning competency that goes beyond one course or grade level and is representative of a concept or skill that is important in life
Mga Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Standards) sa bawat baitang:
a. Pangkalahatang Pamantayan
b. Pamantayang Pangnilalaman
c. Pamantayan sa Pagganap
Sa Baitang 1 hanggang 6: ang mga LC na may nakapaloob na Batayang Konsepto kahit hindi direktang binanggit ito. Halimbawa, LC sa sa Baitang 1, Unang Markahan: Nasasabi na nakatutulong sa paglinang ng sariling kakayahan ang wastong pangangalaga sa sarili. LC sa Baitang 3, Ikatlong Markahan: Nakapagpapahayag na isang tanda ng mabuting pag-uugali ng Pilipino ang pagsunod sa tuntunin ng pamayanan.
Sa Junior High School: ang apat na uri ng mga Kasanayan sa Pampagkatuto o LCs sa bawat paksa batay sa anim na kasanayan sa Cognitive Process Dimensions (DepEd Order 8, s. 2015, Policy Guidelines on Classroom Assessment for the K to 12 Basic Education Program). Hindi malilinang ang pag-unawa sa Batayang Konsepto (BK) na nakapaloob sa paksa at ang Performance task na ebidensya ng pag-unawa sa BK kung aalisin ang kahit isa sa apat na LC. Narito ang mga uri ng kasanayang nililinang sa bawat isa sa apat na LC at ang mga tanong na sinasagot ng bawat LC:
Unang LC – Knowledge. Sinasagot nito ang tanong na: Anong kaalaman ang kailangan upang maipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa?
Ikalawang LC – Comprehension, Analysis, Evaluation sa dating Blooms Taxonomy ng Cognitive Domain. Sinasagot nito ang tanong na: Anong kasanayan ang dapat maipamalas tungo sa pag-unawa?
Ikatlong LC – Comprehension at Synthesis; taglay nito ang Batayang Konsepto o Essential Understanding (EU), ang batayan ng pagbubuo ng ika-apat, una, at ikalawang LC. Sinasagot nito ang tanong na: Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan ng mag-aaral?
Ika-apat na LC– Application, nakapaloob dito ang Performance Task, ang produkto o pagpapakita ng kasanayan (demonstration of a skill) na nagsisilbing ebidensya ng pag-unawa ng mag-aaral sa Batayang Konsepto. Sinasagot nito ang tanong na: Ano ang dapat maipamalas ng mag-aaral bilang patunay ng pag-unawa?
Tandaan: Ang Batayang Konsepto ang matibay na patunay ng dalawang katangian ng Most Essential Learning Competencies (MELCs) – ang Endurance at Leverage. Kung walang Batayang Konsepto, hindi maipahahayag nang malinaw ang expert system of knowledge (na nakaankla sa mga batayang disiplina ng EsP, Etika at Career Guidance) na dapat matutuhan ng mga mag-aaral. May apat na katangian ang Batayang Konsepto:
a. Pangmatagalan o pang-habang buhay (Endurance). Kailangan ng mag-aaral ang LC na ito kahit tapos na siya sa pag-aaral. Mailalapat niya ito sa mga konkretong sitwasyon ng buhay at sa anomang propesyon o curriculum exit na pipiliin niya.Hindi ito maaaring maaanod sa pagbabago ng panahon.
b. Batay sa mga disiplina ng EsP (Discipline-based). Nakaankla ang Batayang Konsepto sa dalawang disiplina ng EsP: Etika at Career Guidance. Ang expert system of knowledge na ipinahahayag nito ay nangangailangan ng matibay na batayan mula sa malalim na pag-aaral o pagsasaliksik.
c. May nakapaloob na mga konsepto (Needs Uncoverage). Ang malaking mensahe ng Batayang Konsepto ay maaari pang mahimay sa maliliit na konsepto.
d. Mapupukaw nito ang interes, atensyon, at pakikilahok ng mag-aaral (Potentially Engaging). Lubhang mahalaga ang mensahe ng Batayang Konsepto sa buhay ng mag-aaral, kaya napupukaw nito ang kanyang interes, atensyon, at pakikilahok.
Paraan sa Pagpili ng mga MELC
Sa Junior High School, inilatag ang lahat ng paksa sa bawat baitang at sinuri kung alin sa mga ito ang maaaring i-cluster, gabay ang mga kraytirya sa pagpili ng MELCs sa batayang edukasyon (Readiness, Endurance at Leverage). Ibinatay sa mga kraytiryang ito ang pagbabawas sa bilang ng mga paksa. Paunawa: Binawasan lamang ang bilang ng mga paksa (at ng mga LC), ngunit hindi ang nilalaman o esensya ng mga paksa o LC.
Sa Baitang 1- 6 naman, tumutugon sa mga kraytirya ng Endurance at Leverage ang lahat ng mga LC. Dahil dito, hindi binawasan ang mga paksa, kundi sinuri ang bawat LC ayon sa kraytirya ng Readiness (kung ito ay pre-requisite na nilalaman o kasanayan sa susunod na paksa o markahan). Kung hindi tumutugon ang isang LC sa ganitong kraytirya o paulit-ulit itong makikita sa markahang sinusuri, minabuting tanggalin na ito.
Dumaan sa deliberasyon ng team ng mga curriculum specialist sa EsP ang pagpapasya kung aling paksa o LC ang mananatili, gabay ang mga kraytirya binanggit.
Nang mabuo na ang talaan ng mga MELC sa bawat baitang, itinakda na ang panahong gugugulin sa pagtuturo ng bawat MELC (time allotment).
Paano Gamitin ang MELCs ng EsP
- Isaalang-alang ang Pangkalahatang Pamantayan sa bawat baitang.
- Pag-aralan ang bawat MELC ayon sa Pamantayang Pangnilalaman at Pamantayan sa Pagganap ng bawat quarter o paksa.
- Sa Junior High School, bigyang prayoridad sa pagtuturo at pagpili ng learning resources ang paglinang ng Batayang Konsepto na nasa ikatlong LC ng paksa at ang ebidensya ng pagkaunawa nito – ang Performance Task na nasa ika-apat na LC. Ang una at ikalawang LC ang pre-requisite ng ikatlo at ika-apat na LC. Sa Baitang 1 hanggang 6, mahalaga ang paghinuha o pagtukoy mismo ng mga guro ng Batayang Konsepto na ipinahihiwatig ng isang LC o kalipunan ng mga LC, kahit hindi direktang binanggit ito. “Ano ang kahalagahan ng paggawa ng gawain o pagsasabuhay ng pagpapahalagang nakapaloob sa LC” ang dapat matandaan ng mga bata, hindi lamang ang gawain o pagpapahalagang nakasaad dito.
- Gamitin ang mga modyul o Learning Resources na nabanggit sa Teachers’ Resources ayon sa tatlong hakbang sa itaas.
- Maaring gamitin ang mga gawain sa aklat o Learners’ Module bilang pagtatasa (assessment) ng pagkatuto. Halimbawa: Sa Ikatlong LC, paksang Talento at Kakayahan, Baitang 7, Unang Markahan: