Home » Buhay Guro » Mga Aral sa Paaralan

Mga Aral sa Paaralan

Mga Aral sa Paaralan
Kung Paano Tayo Natuto sa Araw ng Pagkilala, Araw ng Pagtatapos at Moving Up (ON)

“Nagkakilala — Nagtapos — nagMove –Up (ON) – Nagkataon lamang ba DepED? na inuuna ang Araw ng Pagkilala? Bakit sinusundan kaagad ito ng Araw ng Pagtatapos, “walang closure” tapos na kaagad.. wala nang usap-usap tapos sa huli Moving UP , tapos ikaw na nagmumukmok, ieedit mo para maging Moving ON.”

Malapit na ang end of school year, uyyy nakangiti na ‘yan, kaso cute na ngiti pa lang dahil sasalubungin naman tayo ng mga forms at reports ng mga bata (‘yun lang). Panatag na ang kalooban dahil nairaos mo na naman ang isang school year, pero teka… bago ka maging artistic sa paggagawa ng invitation na pinapaulit lagi sa’yo ang design, bago ka maghanap ng pangmalakasang susuutin mo sa graduation or recognition day, at bago pa mag-isip ang mga parents na graduation or recognition nga ba ang kanilang pinuntahan o isang binyagan, kasal, sagala o JS Prom ng mga guro ay balikan muna natin ang mga aral sa paaralan na hinuhubog tayo bilang isang tunay na guro… taon-taon… paulit-ulit.

Araw ng Pagkilala

Dito natin sinimulan, kung paano tayo nabigla sa iba’t ibang kakayahan ng ating mga mag-aaral, natuto tayo sa kanila ng maraming bagay. Mga Halimbawa, hindi consistent ang pagiging mabait nila sa unang araw, kinabukasan para na tayong nasa kagubatan kung saan tayo ang bida at misyon nating paamuhin ang mga mumunting kaguluhan. Ikalawa, natuto tayong magtimpi pa rin, aral na taon-taon nating iniimprove ngunit hanggang ngayon ‘di pa rin natin alam kung hanggang anong bilang ang katapusan ng pagtitimpi… 10 ba? 100 ba? O undefined (Lalabas ka na lang at sa labas ka magbibilang). Natuto tayo muling magpasensya sa mga mag-aaral na pasaway, magugulo, maiingay, laging late o absent pero natuto tayo sa kanila dahil may dahilan parin at kwento kung bakit sila nagiging ganito, at taun-taon natin natutuklasan ang mga ito, iba-iba ang bawat klase.

Mas natuto tayong ngumiti at tumawa, naintindihan natin na iba pa rin talaga ang NAKAKATAWA sa NAKAKATUWA, natuto tayong ngitian muli ang mga problema hindi lamang sa paaralan kundi maging sa tahanan. Naging masaya tayo dahil nakaabot pa rin tayo sa mga deadline, sa mga observation at nagkagalak sa mga seminars. Kahit nga minsan napapagal na tayo, dahilang malumbay, NAKAKAKILALA tayo ng solusyon sa mga problema at dahil sa pagtapik sa’ting mga balikat ng mga mahal nating mga cotitser gumagaan na ang lahat.

Nakakilala tayo ng mga panibagong kahinaan, at nadagdagan naman ang mga kaalaman sa pagtuturo… kahit alam nating mauulit, at paulit –ulit lang ang mga ito taon taon… sana nga’y kilalang kilala na natin ang ating mga sarili bilang isang guro. (lalim)

PS. ( kung baga sa pag-ibig sa Pagkakakilala pa rin nagsisimula ang lahat)

Araw ng Pagtatapos

Matatapos na at darating na ang pagtatapos. Isang buntong hininga na lang at kakausapin mo na ang sarili, “Isang taon na naman ang lumipas, akalain mo… astig ka!!! Ang galing mo!” tapos sabay tatapikin mo ang puso mo dahil makakahinga ka ulit ng mas normal sa susunod na ilang buwan (MAKAKAPAGBAKASYON ka na… sa school, hihihihi). Matapos ang lahat, ganun-ganun na lamang ba? Syempre naipaliwanag mo na sa iyong mga mag-aaral na hindi natatapos sa isang isa’t kalahating oras na palatuntunan ang haba ng pagpupursige sa pag-aaral. SIMULA lamang ito nang pagbuo ng panibagaong yugto. Simula pa lang ng mga panibagong hamon at salubong ng buhay sa kanila at sa atin nama’y kagalakan dahil ang panibagong SIMULA nila’y sa atin din nagsimula. Hindi dito natatapos. Bigyan mo sila ng inspirasyon hayaan mo silang mangarap. (lalim)

P.S. (nagsimula kayo sa pagkakakilala tapos nung time na kilala nyo na ang lahat ng tungkol sa inyo… kailangan ninyong tapusin habang maaga pa… dahil pinagtagpo lang kayo at hindi kayo ITINADHANA)

Moving UP (ON)

Ito ‘yung time na araw-araw ka nang nagpapatugtog ng masasayang tugtugin, sumasayaw ka na hindi mo pa alam… pampa goodvibes dahil naintindihan mo na ang lahat, tahimik na ang klase… wala nang makukulit na bata basta tahimik na ang lahat, pero aminin mong mamimiss mo ang halos isang taong kulitan at pagsasama ninyo ng mga mag-aaral na napamahal na sa’yo. Move on! (sad)

Kapag nasaktan ka… move on! Kapag kaibigan lang o kapatid ang tingin sa ‘yo… move on! Kapag hindi ka mahal! Move on! Oo, dalawang salitang pampalubag loob sa’yo ng love expert mong cotitser o kaibigan na sawi din naman sa pag-ibig na katulad mo, “MOVE ON”. Pero mga cotitser, alam nyo ba ang mga sitwasyon na mas kailangan natin ang mga salitang ito??? Sa loob ng isang taon ay ilang pagmumoving on na ang nagawa natin… pero marahil may ibang sitwasyon na hindi ka makarelate.

Halimbawa: Kapag naobserve ka at hindi ka masyadong prepared… Move On! Bawi ka next time, power! Kapag hindi kaagad nakuha ang lesson mo, Move On! Ipush mo pa. Kapag nasungitan ka ng SH mo, pero gawa mo naman… Move on! At kahit wala kang ginagawa… Move On pa rin! Kapag madaming report… Move On! Nakakaabot ka naman sa pasahan… Kapag wala pa ring promotion… Move On! Isusurpresa ka lang ni God! (pero sipagan mo din) Walang love life, dahil busy?… Move on! Uulitin ko ba ulit? na ang naghihintay ay nagmamahal at kung wala nang masweldo at ilang digits na lang ang sweldo sa payslip dahil sa London bridge… Move on! Pilitin mo! sa huli makakaraos ka rin.

PS. Wala na kami… mas pinili nya ‘yung Navy… ako hindi. Move On na lang : )

Uulitin ko… Nagkakilala, Nagtapos, NagMove on, wala ng hugot mga cotitser laliman sana ang pagkaunawa sa mga gusto kong ipahiwatig…

OO, tinuturuan tayo ng panahon at aral nito, kailangan nating magtanong sa lahat ng oras kung “nasaang parte na ba ako?”, nangingilala pa rin ba ako o nasa pagtatapos na ba? na naiintindihan ko na ang daloy ng pagiging guro o nasa Moving UP (ON) ako, kung saan may nauna nang aral at ngayo’y magpapatuloy ako sa panibago. (Kaya siguro may reflection ang mga DLL mga cotitser,magnilay tayo.) (ngiti 🙂 )

Jhucel Atienza del Rosario

He is the happiness ambassador of teacherPH, elementary teacher, creator of FaceBook Page: Ang Masayahing Guro, Artist @ GuhitPinas, Musikero kuno, komedyante sa gabi, adik sa kape... mangingibig. Follow him on Facebook.

1 thought on “Mga Aral sa Paaralan”

Leave a Comment

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.