Home » Issuances » DepEd Memoranda » Pambansang Seminar sa Pagtuturo ng Panitikang Gender-Based ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)

Pambansang Seminar sa Pagtuturo ng Panitikang Gender-Based ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)

March 28, 2016

Memorandum Pangkagawaran Blg. 51, s. 2016

PAMBANSANG SEMINAR SA PAGTUTURO NG PANITIKANG GENDER-BASED NG KOMISYON SA WIKANG FILIPINO (KWF)

Sa mga:

Direktor ng Kawanihan
Direktor ng Panrehiyon
Tagapamanihala ng mga Paaralan
Punungguro ng mga Paaralang Pampubliko at Pampribadong Elementarya at Sekundarya

1. Bilang bahagi ng Gender and Development Program ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), itinataguyod nito ang Pambansang Seminar sa Pagtuturo ng Panitikang Gender-Based mula Enero hanggang Disyembre 2016.

2. Layunin ng Seminar na:

a. matalakay ang iba’t-ibang isyu hinggil sa pagtuturo ng panitikang Filipino na nakatuon sa kasarian at paglalarawan sa babae;
b. mailahad ang iba’t-ibang paraan upang higit na mapahusay ang pagtuturo sa panitikang gender-based; at
c. maitaas ang antas ng kamalayang pangkasarian ng mga guro sa pagtuturo ng panitikan.

3. Ang seminar ay tatlong araw na gawain na tatalakay sa iba’t-ibang isyu at paksa hinggil sa panitikan at kasarian. Magkakaroon din ng pakitang-turo sa iba’t-ibang anyo ng akdang pampanitikan. Kalakip nito ang programa ng seminar.

4. Inaanyayahang dumalo sa nasabing seminar ang mga guro sa elementarya at sekundarya na nagtuturo ng Filipino.

5. Walang bayad ang seminar. Sagot ng KWF ang tanghalian at meryenda sa umaga at hapon sa loob ng tatlong araw na idaraos ang programa.

6. Para sa iba pang detalye, maaaring makipag-ugnayan kina Gng. Lourdes Z. Hinampas at Gng. Miriam P. Cabila, Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), 2/F Watson Bldg., 1610 JP Laurel St., Malacanang Palace Complex, San Miguel, Maynila sa telepono: (02) 736-2525 lokal 105; (02) 708-6972 o sa mobile phone: 0929-876-5856; 0942-989-2458 o mag-email sajinghinampas@gmail.com; miriam.cabila@yahoo.com.

7. Hinihiling ang malawakang pagpapalaganap ng Memorandum na ito.

BR. ARMIN A. LUISTRO FSC
Secretary

Read:

  1. DM 50, s. 2016 – Implementation of School-Based Dengue Vaccination Program

Mark Anthony Llego

Mark Anthony Llego, a visionary from the Philippines, founded TeacherPH in October 2014 with a mission to transform the educational landscape. His platform has empowered thousands of Filipino teachers, providing them with crucial resources and a space for meaningful idea exchange, ultimately enhancing their instructional and supervisory capabilities. TeacherPH's influence extends far beyond its origins. Mark's insightful articles on education have garnered international attention, featuring on respected U.S. educational websites. Moreover, his work has become a valuable reference for researchers, contributing to the academic discourse on education.

Leave a Comment

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.