Greetings!
For your reference & information, please find attached herewith the Message of Education Secretary, Br Armin A. Luistro FSC for the 2016 Graduation.
March 17, 2016 Update:
- DO 15, s. 2016 – Clarifications and Additional Information to DepEd Order No. 7, s. 2016 (School Year (SY) 2015-2016 End of School Year Rites)
- DO 14, s. 2016 – Updating of Learner Profiles for End of School Year (EOSY) 2015-2016 on the Learner Information System (LIS)
2016 Graduation Message in English
Republic of the Philippines
Department of Education
Table of Contents
Tanggapan ng Kalihim
Office of the Secretary
MESSAGE
Congratulations to our dear graduates for reaching this significant milestone in your lives. Let this achievement also be generously shared among school administrators and personnel, teachers, and parents who have given a part of themselves to ensure this success for our young learners.
This day holds more significance because it comes at a time when the Philippine education system is undergoing the biggest education reform in the country, the K to 12 Program. With its full implementation come June 2016, we send you off to another journey of your lives—with our hearts filled with hope that we have given you the quality education you deserve, one that is inclusive, relevant and holistic.
This year’s theme “Kabataang Mula sa K to 12, Tagapagdala ng Kaunlaran sa Bansang Pilipinas” reminds us of the youth’s role in building a nation every Filipino deserves. The future will always have a place for people who forge ahead with purpose and a keen intent to serve. In diversity, find opportunities to reach out and build bridges; in difficulty, the chance to be altruistic; and in challenges, reasons to learn and rise to the occasion.
Our country needs graduates who will commit to uphold and enhance the best of what it has to offer—citizens who are as patriotic as they are competent, highly-skilled and innovative.
Dear graduates, education is a continuing journey towards self-actualization. The world outside the four corners of your classroom is filled with possibilities and challenges, and they are waiting for you. As you move closer to your aspirations, let your moments of victory serve as an inspiration for others and your moments of defeat be your motivation to work harder and to do more not only for yourself but also for our fellow Filipinos.
For us in the schools, may this theme remind us of the core reason of our vocation: to mold young minds into citizens who have a heart for service and a dream for the Filipino nation.
Again, congratulations to our graduates! I wish you all the best in your future endeavors.
Patuloy tayong magsama-sama para sa edukasyon.
BR. ARMIN A. LUISTRO FSC
Secretary
[scribd id=304946132 key=key-Qywd80kNMEVvl2wvTORZ mode=scroll]
2016 Graduation Message in Filipino
Republic of the Philippines
Department of Education
Tanggapan ng Kalihim
Office of the Secretary
MENSAHE
Tanggapin ninyo ang mainit kong pagbati sa isang mahalagang yugto ng inyong buhay.
Ibinabahagi din natin ang pagbating ito sa mga opisyal ng ating eskwelahan, sa mga guro at magulang na hindi nagkait ng kanilang pagmamalasakit upang mabigyan tayo ng edukasyon na magiging baon natin sa buhay.
Mahalaga ang okasyong ito dahil naganap ito sa gitna ng isinasagawa nating malawakan at malalim na pagbabago sa sistema ng edukasyon sa bansa-ang K to 12-na kumpleto nating ilalatag sa darating na pasukan sa Hunyo.
Umaasa kami na naihanda namin kayo nang buong husay upang maayos ninyong maharap at mapagtagumpayan ang mga hamon ng pagbabagong ito.
Muling ipinapaalala sa atin ng temang “Kabataang Mula sa K to 12, Tagapagdala ng Kaunlaran sa Bansang Pilipinas” ang mahalagang papel ng kabataan upang maitatag natin ang isang pamayanang inaasam nating lahat. Ang masayang bukas ay laging may nakalaan na lugar para sa mga nagsisikap na isaayos ang sariling buhay at sa mga handang maglingkod sa kapwa.
Lagi ninyo sanang maalala ang mga tagubilin na kung dumating ang sitwasyon na may pagkakaiba-iba, maging tulay nawa kayo ng pagkakaisa; sa yugto ng buhay ng kagipitan, matuto pa rin tayong maging mapagbigay; at sa panahon na maraming suliranin, laging pairalin ang katwiran at ang pusong bukas upang matawid ang mahirap na daan.
Nasa inyo ang lakas ng katawan at talas ng isipan upang laging itaguyod ang pagmamahal sa bayan. Sa inyong paglabas sa silid-aralan upang harapin ang tunay na buhay, laging tandaan na ang mundo ay puno ng mga magagandang pagkakataon at walang limitasyong posibilidad-hanapin natin ito at angkinin gamit ang edukasyong pinanday sa loob ng paaralan.
Sa aking mga minamahal na mga guro at mga kawani ng mga paaralan, lagi sana nating alalahanin ang ating bokasyon na maging tagapaghubog ng mga mamamayang hindi lang iniisip ang sarili kundi maging ang kanyang kapwa, ang kanyang bayan.
Muli, ang aming pagbati at panalangin na dalhin nawa kayo ng inyong mga puso sa tagumpay!
Patuloy tayong magsama-sama para sa edukasyon.
BR. ARMIN A. LUISTRO FSC
Kalihim
[scribd id=304946131 key=key-RyfBAXDALLa2uqtAOm0h mode=scroll]
Download the official Graduation Message in English and Filipino.