Ano ang mga nagawa ng ACT Teachers Party-List sa panunungkulan nito sa Kongreso mula 2010 hanggang kasalukuyan:
1. Pagtaas ng ceiling ng tax-exempt bonuses gaya ng 13th Month Pay at iba pa. Isinabatas ang Republic Act No. 10653 (February 12, 2015) na nagtataas sa tax-exempt bonuses mula P30,000 hanggang P82,000. Kaya mas malaki na ang ating naiuuwing bonuses sa ating pamilya. Si Rep. Antonio L. Tinio ang Prinsipal na Awtor nito sa House of Representatives.
2. Pagtaas ng Chalk Allowance. Dahil sa aktibong kampanya ng ACT at ACT Teachers hinggil sa pagtaas ng chalk allowance ay tumaas ang natanggap nating teaching and supplies allowance mula P700 noong 2011 hanggang P1,000 ng taong 2012, P1,500 ng 2016, P2,500 ng 2017 at ating proposal ngayong 2018 na gawing P5,000.
3. Pagtaas ng Clothing Allowance. Sa ating aktibong pakikilahok sa mga budget hearings, isa sa mga kampanya ng ACT na sinuportahan ni Rep. Antonio L. Tinio ay ang pagtaas ng clothing allowance para sa mga empleyado ng gobyerno mula P4,000 hanggang P6,000. Kaya, noong 2012 tumaas ang ating clothing allowance ng P5,000.
4. Pagsasabatas ng Election Service Reform Act. Matagal nang kampanya ng ACT Teachers na gawing boluntaryo ang paglilingkod ng mga pampublikong guro tuwing halalan. Dahil sa ating karanasan na maraming mga guro ang nalalagay sa peligro ay inihain natin sa Kongreso ang panukala para rito, na kalaunan ay naisabatas bilang Republic Act 10756 o Election Service Reform Act na ginawang boluntaryo ang election service at tinaas ang mga benepisyong matatanggap. Si Rep. Antonio L. Tinio ang Prinsipal na Awtor sa House of Representatives.
5. National Teachers’ Day. Si Rep. Antonio L. Tinio ang Prinsipal na Awtor ng National Teachers’ Day Act (Republic Act No. 10743) na idinedekla ang October 5 kada taon bilang Araw ng mga Guro. Ito ay pagkilala sa mga naging ambag ng guro sa ating bansa.
6. Regularisasyon ng Contractual at Volunteer Teachers. Sa pagpapatupad ng K to 12, libo-libong mga kwalipikadong guro ang naging kontraktuwal at volunteer. Sa aktibong paglaban ni Rep. Tinio, ipinasok niya sa badyet ng DepEd ang Special Provision na naglalayong bigyan ng prayoridad sa hiring ang mga matatagal ng kontraktuwal at volunteer teachers. Dahil sa batas na ito ay maraming mga guro ang nabigyan ng items.
7. Pagpondo para sa dagdag na items sa mga State Universities and Colleges (SUCs). Sa pamamagitan ng lobbying ng ACT-SUCs sa mga budget hearing noong 2016, nabigyan ng pondo ang mga SUCs para sa 9,000 dagdag na items.
8. Pagtatayo ng Unyon ng mga Guro. Sa pamamagitan ni Rep. Antonio L. Tinio naglabas ng guidelines ang Public Sector Labor Management Council hinggil sa registration and accreditation ng unyon ng mga public school teachers. Simula noon, naging masigasig ang ACT sa pagtatayo ng mga ACT Union sa mga rehiyon.
Accredited with Approved CNA: NCR, Regions VI and XI
Accredited with On-going
CNA Negotiation: Region V
Pending Approval of CSC
Accreditation: Regions I and VII
Registered: Region II, III, IV-A, IV-B, VIII, X, XII CARAGA and CAR
9. Libreng Tuition sa SUCs. Si Rep. Antonio L. Tinio at Rep. France Castro ay co-authors Universal Access to Quality Tertiary Education Act (Republic Act 10931) na naglalayong gawing libre ang tuition sa SUCs, Local Universities and Colleges at state-run technical-vocational schools.