Home » Buhay Guro » Ayaw nga ba ni Titser sa Monday?

Ayaw nga ba ni Titser sa Monday?

Ayaw nga ba ni Titser sa Monday

Noong nasa kolehiyo pa ako, may isa sa mga professors ko ang nagsabi na kapag nasa field ka na, hindi mo na gugustuhin mag-Monday pa. Isa yun sa mga tumatak sa isip ko. Maybe a part of me wants to break that stigma, that besides the Friday sickness, Manic Mondays exist as well. Newbie e. Kapag bago ka sa serbisyo, madalas naman, idealists tayo. Hindi ba?

Along the way, palagi kong dala-dala ang thought na yun. Sa una gusto ko lang naman i-break ang stigma at itry maging positive sa bawat Lunes na mayroon ako. Bilang isang guro, tingin ko, isa sa mga epektibong motivation e ang sarili mo; kung paano mo inihanda ito sa bawat klase, at kung paano mo nais harapinang linggong paparating. Okay naman sa una. Pero sa pagtagal, parang totoo nga. Parang hindi ko nga ginugusto ang bawat Lunes. Dagdag pa dito ang madidinig mong expression sa mga kasama mo sa trabaho. “Hay!!! Monday na naman”. Umaga pa lang pero parang yung pagod na nararamdaman ko hanggang Linggo na.

Totoo nga bang ayaw ni Titser sa Monday? Siguro, ito yung ilan sa mga rason bakit nakakapagod harapin ang Lunes.

  1. Uncertainties. Sabi nila there is Art in every Start kaya lang, sa kaso ni Titser, lahat ng simula challenging. Oo. Ang bawat Lunes ay pakikibaka at panibagong pagharap sa mga bagay na bagama’t inaasahan na, minsan, parang may mutation.
  2. Hindi pa sapat ang pahinga sa dalawang araw na walang pasok. Totoo yun na ang trabaho, hindi dapat dinadala sa bahay. Pero hindi si Titser. Sa kagustuhan nyang makapagplano nang maayos para sa gagawin nyang pagtuturo sa sunod na Lunes, kailangan nya maghanda. E di ba, wala namang paghahanda ang basta na? Kailangan ng efforts. Kailangan ng pag-iisip. Kapos ang pahinga.
  3. May Flag Ceremony. Ooppss wag magagalit dito. Oo, ang flag ceremony ay tanda ng mataas nating pagtingin at paggalang sa ating pagiging makabayan. Maaaring isa na rin itong paghahanda o pasinaya sa kung ano ang maaaring mapag usapan sa mga asignaturang pangmakabayan. Mayroong Lupang Hinirang, Panunumpa, at ang hindi mawawala, ang Wellness dance. Yung sayaw natin ng panlunes, dala ang energy hanggang pang Biyernes.

Sa ngayon, tatlong rason pa lang yan. Pero yang tatlong rason na yan ay may dala pa ring paliwanag kung bakit kakaiba ang antas ng pagtangi natin sa unang araw ng linggo. Tunay na nakakapagod ang uncertainties. Pero hindi ba sa buhay, lahat naman nang bagay ay hindi nasisiguro. Sabi nga, “tomorrow is not promised”. Kaya siguro ang Lunes ay nakakapagod dahil ito ang patunay na suprising ang buhay at ang mabuhay.

May nakalaang dalawang araw na pahinga. Hindi sapat yun pero mas maigi na din dahil nakakapahinga. Ito marahil ang manipestasyon na lahat nang bagay na ibigay mi kay Titser, may magagawa syang paraang to turn that into something valuable; na ultimo pahinga na nya, may magagawa pa sya, alay sa bawat batang umaasang matuto. Kailan kaya darating na ang bawat Sabado at Linggo ni Titser ay hindi nakaangkla sa mga reports at school activities. Maaaring kung may makakabasa nito, iisipin nila, “Ay may ganoon pala sa kanila?” Opo. Mayroon po. May mga panahong ang isang linggo ng pasok ay pitong araw, at hindi karekla-reklamo. Anong sab inga natin madalas? Ah oo, ito ay ating trabaho.

Sa huli, ang flag ceremony. Bagama’t nakakapagod na agad, isa ito sa mga magpapaalala sa atin na bago magpatuloy sa buhay, hindi mo dapat kalimutan ang kasaysayan at ang mga bagay na bumubuo dito. Dahil madalas, sa nakaraan tato matututo.

Undervalued ang pagiging guro. Sa tingin ko, malayo pang lakbayin ang kailangan nating mga guro pra makita ng ilan na karapat-dapat tayo sa pahinga na matagal na nating hinihiling. Kung patuloy lamang ang pagtingin natin sa propesyon na ito ay ganito na lamang, mapapa “What Happened to Monday” ka na lamang talaga.

Ayaw nga ba ni Titser sa Monday?

Hindi. Ang totoo, wala naman yan sa araw kung alin ang paborito o hindi ng mga guro dahil ang bawat araw ay biyaya; biyaya para magpatuloy, makapagturo, maging instrument para may mabagong buhay. Siguro, ayaw na lang ni Titser makaramdam na ang propesyong ito ay nakakapagod lalo pa at hindi naman tayo tagapagmana ng departamento.

May bahaging nakakapagod ang Lunes. Pero hindi dahil nakakapagod ibig sabihin, ayaw na. Katunayan niyan, malaking pagpapasalamat ni Titser sa bawat Lunes pa. Dahil ang bawat Lunes, kaakibat ang bawat Linggo, Buwan, Taon. At ang bawat Lunes ay pag-asa.

Share with your friends!

Marian Pilapil

Guro. Manunulat. Mananalaysay.

Leave a Comment

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.